"Girl?! Valentines bukas, Anong gagawin mo?"
Ano bang gagawin ko?
"Ano? Girl? Bilisan mo na at ihanda mo na yung mga Chocolates mo. Ako ibibigay ko yung Chocolate ko kay NEIL."
Neil? Yung College Student? Akala ko ba Crush nito si Zeke.
"Oo na alam kong nagulat ka. Alam ko rin na GUSTO MO SI ZEKE. Girl." Biglang naging seryoso ang mukha ni Donella.
Im sorry kung minahal ko siya Donella. Hindi ko sinasadya akala ko kaya kung iwasan , Akala ko masusunod ko yung plano pero MALI AKO. MALING MALI.
"Okay lang yun. Hahaha! Don't worry kasi CRUSH palang naman nararamdaman ko eh." Alam kong kahit tumatawa siya , Nasasaktan ito.
"Sorry talaga , Kung alam mo lang Donella kung gaano kasakit ito." Tinap niya yung balikat ko at niyakap niya ako.
"Ikaw naman kasi eh. Binalaan na kita diba?" Tumango na lang ako dahil wala na rin akong magagawa. Alam kong malapit ng mangyari ang kinatatakutan ko pero sana huwag mo na ngayon.
"Alam ko naman yun Donella pero.. pero.."
"Shh. Huwag ka ng umiyak , Kundi sasapakin na talaga kita. Ang tanga mo kasi eh!" Kaibigan ko nga siya .
"Huwag mo na ngang sabihin yan. Nasasaktan lang ako eh."
Masakit pala ito , Yung alam mong hindi pala siya sayo. Yung akala mo magiging maayos ang lahat kapag ginawa mo ito. Mali pala ako. AKALA KO LANG PALA.
"Bakit kapag ba hindi ko sinabi , Hindi ka masasaktan? Ayokong sabihin sayo na. Okay lang yan. Kasi hindi Okay diba? Bakit masasabi ko bang hindi ka tanga kung ginawa mo yun? Ha?"
Natahimik ako sa sinabi ni Donella , Tama nga siya TANGA nga ako . Tanga ako dahil sa 2 taon , Lagi akong gumagawa ng CHOCOLATES para kay Zeke and Gray. Dati kay Gray talaga yung CHOCOLATE dahil gusto ko siya at Kay Zeke para magkabati na kami.
Pero nagkabaliktad na pala. Si Zeke na pala ang MAHAL ko. Hindi ko maibibigay yung chocolates na gagawin ko dahil siguradong maraming mga babaeng papalibot sa kaniya para bigyan siya.

BINABASA MO ANG
Desire the Climax (Editing Process)
General FictionAlthea Dizon , 16 years old . To help out her desperately poor family, she takes on a part-time job. Then, one night, a boy snatches a kiss from her and offers her money, saying, "I'll buy you." Who is the boy who stole Althea first kiss...!? Proper...