5 Chapters na lang ito but may BOOK 2 siya..
Sorry kung ngayon lang dahil Walang Connection sa Aurora kasi , Nag Vacation kami doon kaya nahirapan akong maka Connect ng Broadband.. Sorry Guys!
"Girl? Okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala habang inaayusan ka, Huwag ka ng umiyak kakalat ang Makeup mo lalo na ang Ganda mo ngayon. Smile na, Girl?" Nakaupo ako ngayon at kaharap ko ang salamin, Kanina pang nasa tabi ko si Donella,Grey at Margaux habang inaayusan ako, Masakit sa akin ang nangyari ngayon at hindi ko mapigilan ang lumuha dahil doon.
"Shh.. Ayan ka na naman.. Stop Crying na kasi." Inayos na naman ng Makeup Artist ang nagka-kalat ng Eye Shadow sa akin, Ngumiti na lang ako at pinigilan umiyak. "Lets go na! Malapit ng magsimula ang Contest niyo, Goodluck!"
Tumayo ako at tumabi sa akin si Margaux ,"Huwag na Huwag mong ipapakita sa kaniya na apektado ka sa nangyari , Lalo na Partner kayo.. Just Relax and Pretend na walang nangyari ngayon." Tama si Margaux, Hindi ko kailangan ipakita sa kaniya na Apektado ako, Kakausapin ko si Zeke para maging malinaw ang lahat pagkatapos nitong araw na ito.
Hindi ko sinuot ang binigay sa akin ni Zeke, Mabuti at binili kaagad ako ni Grey at Margaux ng susuotin sa Sayaw kundi mas lalong nakakahiya ang mangyayari. Tikad-tikad akong naglalakad papunta sa Gym kasama si Donella at iba pa naming kaklase, Nauna na kasi si Grey at Margaux sa Gym.
"Kaya mo ba?" Tumango ako kay Donella at binuksan ang malaking pintuan ng Gym namin , Maraming mga tao na nakaupo sa Gilid at bigla akong kinabahan dahil halos lahat ng High School ay nandito para manood.
Pumunta na kami sa Backstage para maghanda na sa gagawin namin, Natapos na pala lahat ng Year kami na lang pala ang hindi pa nakakasayaw, Pumalpak ako para hindi kabahan, Ganito kasi ako para hindi kabahan eh , Pumapalakpak para mawala ang kaba, Nakita ko si Zeke na kasama si Stella, Inaayos ni Stella ang kwelo ni Zeke, Ako dapat ang nasa posisyon ni Stella, Ako dapat ang nagaayos niyan at kakulitan ni Zeke.
"Guys! Maghanda na okay?! Were going to start in 3 minutes kaya bilisan niyo na." Pumunta na sila sa kanilang Partner at ako naman pumunta na ako sa posisyon ko , Hindi ko hihintayin si Zeke sa tabi ko pero bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko na ikinabigla ko.
Oo nga pala, Couple Position nga pala, Assuming na naman ako sa lagay na ito, Tinignan ko siya pero agad kong inalis ang tingin ko. "Bakit hindi mo suot ang binigay ko sayo?" Bakit ba sa tuwing magsasalita ka? Bigla akong nakakaramdam ng kung ano-ano sa aking tiyan. "Hindi ko kailangan yun."
"Okay." Pinipigilan ko ang luha ko para hindi ipakita na apektado ako sa nangyayari. "Ladies and Gentleman! Presenting the SENIOR!" Pumalakpak na ang mga tao at hudyat na ito para lumabas kami , Nakangiti kaming lahat para mawala ang kaba namin pero alam kong ang katabi ko , Wala siyang pakialam sa paligid niya at higit sa lahat WALA SIYANG PAKIALAM SA AKIN.

BINABASA MO ANG
Desire the Climax (Editing Process)
General FictionAlthea Dizon , 16 years old . To help out her desperately poor family, she takes on a part-time job. Then, one night, a boy snatches a kiss from her and offers her money, saying, "I'll buy you." Who is the boy who stole Althea first kiss...!? Proper...