GUYS READ MY 3RD STORY! "THE LETTER" Inspired by ONE AND ONLY MOM! :)
"Anak? Gusto namin ng Papa mo na umalis sa bansang ito." Halos mabingi ako sa sinabi ni Mama dahil ayokong umalis, Ayokong iwanan si Zeke. Hindi ko kaya ito.
"Mama! Ayoko! Hindi ko kayang umalis!" Paano si Zeke? Paano kung mapapatawad niya ako pero aalis ako, Hindi ko kayang umalis. Sasabihin ko sa kaniya ito para maliwanagan siyang hindi niya kayang mawala ako sa buhay niya. Sasabihin ko ito sa Party ni Grey.
"Kailangan nating umalis, Isasama natin ang Lolo at Lola mo. Magpapagamot sila sa Australia at kailangan nila tayo." Ang sabi naman ni Papa.
"Maiiwan na lang po ako dito sa Pilipinas, Dito na lang po ako mag-aaral." Hindi ko na sila hinayaan magsalita dahil ayoko ng makipagtalo. Agad na akong humiga at kinuha ang litrato namin ni Zeke noong mga bata pa kami.
Hindi niya lang alam kung gaano na ako nangungulila sa yakap at halik niya. Naalala ko pa kapag nagmamaneho siya, Hindi niya kayang bitiwan ang mga kamay ko. Pero bakit ngayon? Bakit kaya niya akong bitiwan?
Naalala ko tinawagan niya ako pero nandoon pa pala siya sa harap ng bahay namin, Ang sabi niya hindi niya kayang mawala ako pero bakit ngayon? Kayang-kaya niyang makita akong umiiyak sa harapan niya.
Ang sabi niya, Hindi niya kayang makita akong umiiyak pero bakit ngayon? Bakit ngayon siya na ang nagpapaiyak sa akin.
Gabi-Gabi na lang akong umiiyak at bukas Graduation na namin, Hindi pa rin kami nagkaka-ayos. Suot ko pa rin ang binigay niyang Necklace sa akin, Cielo daw niya ako, Pero iniwan niya ako.
Hindi ba niya naiintindihan, Mahal na Mahal ko siya, Kung ginamit ko siya sana hindi na nangyari sa amin, Hindi ko sana binigay ang sarili ko. Mahal na Mahal ko siya pero bakit parang hindi siya nakikinig sa akin.
"Ate? Please.. Huwag ka ng ganiyan. Kami ang nahihirapan. Don't be hard to me. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang ganiyan. Ate! Please.."
"Hindi ko alam.. Hindi ko kasi kayang mawala siya eh. Parte na siya ng buhay ko. Hindi kumpleto ang buhay ko kung wala siya."
"Nandito naman kami eh, Hindi ba kami sapat sayo? Hindi ka namin iiwan, Hindi kami katulad ng lalaking iyon. Huwag mo sanang gawin sa sarili mo ito."
"Umalis ka muna, Kailangan ko ng panahon para makapag isip-isip."
"Hindi mo kailangan ng Panahon, Kailangan mong marealize na hindi ka na niya Mahal. Sana gawin mo ito hindi para sa amin, Kundi para sa sarili mo."

BINABASA MO ANG
Desire the Climax (Editing Process)
General FictionAlthea Dizon , 16 years old . To help out her desperately poor family, she takes on a part-time job. Then, one night, a boy snatches a kiss from her and offers her money, saying, "I'll buy you." Who is the boy who stole Althea first kiss...!? Proper...