抖阴社区

The Worst Thing Ever

263 14 0
                                    

Regrets.

Someone once asked me, "What's your greatest regret?"

Napaisip ako, ano nga ba?

Hanggang sa inabot ng ilang minuto pero nakatanga pa rin ako at nag-iisip, Ano ba ang greatest regret ko?

Ang dami ng mga bagay na pumasok sa isip ko, nagdagsaan sila.

Pagkatapos, mga ilang araw, may nabasa akong quote. Sabi dun, "You will never have enough regrets for a lifetime." Actually, hindi yun yung mismong lines pero yun yung pinaparating niya.

Natawa ako. Bakit? Kasi ang unang pumasok sa isip ko ay 'normal' pala ako. Katulad lang din pala ako ng ibang tao na may sandamakmak na pinagsisihan.

Pero ang masaklap sa mga bagay na yun, lahat may kapalit. Domino effect.

Sa bawat bagay at desisiyon na nagawa ng isang tao, may consequence. Kumbaga sa exchange gift, you give life something, expect that life will surely give you something in return. Dinoble pa. Oh diba? Ang bait lang ni Life?

Pero come to think of it, pagsisisihan mo lang naman ang isang bagay na may malaking epekto sayo. Sa mga tao sa paligid mo. Sa pamilya mo. Sa sarili mo.

That will probably be the greatest regret of my life. Choosing things while not considering how it will affect my family.

But at the end of the day, its not about how much you regret making that decision, its about how far you've come because you choose that path.

And when you look back, you'll just smile because you made it through.

Because no matter how much you regret that, you manage to keep going.

And the most important thing - You made it.

Random BlabbingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon