*Pasok sa Kotse, sabay Sarado ng Pintuan!*
"Grabe!! Wooooh!!!" Hingal na hingal ako kakatakbo tapos ang init pa!! Ano ba naman tong pinasok ko! Nakakaloka! T____T Buti na lang at malamig dun sa loob ng sasakyan.
O_____O Bigla akong bumalik sa katotohanang nagtago ako sa kotseng hindi ko alam kung sino ang may-ari. Nakaharap ako ngayon sa bintana ng kotse, ni hindi ko napansin kung may tao ba sa kotse nung pumasok ako. Kaya naman dahan dahan akong lumingon....
Gulat na expression... Bilongang mata... Matangos na ilong... Mapupulang labi... Maputing balat... Diyos ko Lord! Naghahanap lang naman ako ng matataguan pero binigyan niyo pa ako ng bonus!
"Excuse Me? Sino ka? Bakit ka andito sa kotse ko?" Okay na eh! Ang gwapo na niya eh! Nagsungit pa!
"Ahhh--Ehhh, Ano kasi--Hinahabol ako ng mga reporters."
"Sino ka ba para habulin ng mga reporters?!" ABA!! Grabe tong lalaking to ha!
"Alam mo kasi artistahin kasi ako kaya nila ako hinahabol." Pagsusungit ko.
Nagsmirk siya sabay sabi "Wala na yung mga reporters, pwede ka na lumabas sa kotse ko."
"Ha?! Teka! Wag muna!!! Baka mamaya andyan lang sila sa tabi tabi tapos kuyugin nila ako."
"Tsss. Bakit ka ba kasi nila kinukuyog?!" Pagsusungit niya.
"Eh kasi nga, nalaman nilang 3rd year student ako at akala nila may alam ako tungkol dun sa anak nung Mr. Salazar na yun. Bwisit! Eh hindi ko nga kilala yung lalaking yun! at wala akong pakialam sa kanya! Aish! Tsaka anong alam ko sa search for the bride na yun!"
"Ahhh. Okay. Ngayon, pwede ka nang umalis dito sa kotse ko. Supposedly, hindi ako dapat makipagusap sa stranger eh. Kaya lumabas ka na." GRABE!! Napaka-rude ng lalaking to!!!
"Hoy! Hindi porket maganda yung mata mo, ilong mo, labi mo at maputi ka! Hindi ka dapat ganyan makitungo sa mga tao!"
"Who are you to tell me those things?! Eh ikaw nga tong biglang nakikipasok sa kotse ng may kotse eh." SABI KO NGA EH! Kainis! Ang sungit kasi!
"Alam mo ang sipag mo rin eh! Nung nagpaulan ang diyos ng kagwapuhan, gising ka! Nung nagpaulan siya ng kaputian, gising ka! At nung nagpaulan siya ng kagaspangan ng ugali, aba! Gising ka din!"
"I'll that as a compliment."
"Compliment, your face!"
Bwisit tong lalaking to! Errr! Hindi niya ako pinansin, tumingin siya sa bintana ng kotse. Napatingin naman ako sa hawak ko...
O_________O HOLY COW!!!!!!!!
"WAAAAAAAAAAAAH!!!!"
"Hey! Ano ba! Ang ingay mo! Will you shut up?!"

BINABASA MO ANG
The Search for the Bride (Complete)
Teen Fiction"16-18 years old girls are allowed to join the search for the bride! Sign-up now! Only 8 girls will be chosen!" IKAW? SASALI KA BA? Are you willing to cross the threshold to be Kurt's wife? If yes, then may the best girl wins!
Chapter 3: That Jerk!
Magsimula sa umpisa