| KELLY'S POV |
Thursday. 7:45am.
Simula nung nangyari nung Monday, hindi na ulit kami nag-usap ni Kurt. Tsaka wala na kaming dapat pang pag-usapan! Nako!!
"Girl, feeling ko talaga, nahiya lang si Kurt na sabihin sayo na gusto ka niya!" Sabi ni Cheska. Wala yung teacher namin sa first subject ngayon kaya kwentuhan lang ang ginagawa namin.
"Tigil-tigilan mo ako sa mga feeling feeling na yan! Ayoko na maging feeler kasi lalo lang akong nasasaktan!"
"Ihhh!! Hindi pa rin ako naniniwala!"
"Friend! Wag na ipilit! Tanggapin na natin na tanging 'kaibigan' lang ang tingin sa akin ni Kurt. Na-friendzoned ako, girl! Akalain mo yun, sa ganda kong to oh!"
"Umamin ka kaya kay Kurt?" Nako! Etong babaeng to! Kung ano ano ang sinasuggest sa akin!
"NO WAY!! Hinding hindi mangyayari yun no! At tsaka itinaga ko na sa dingding ng bahay namin na hindi ko na siya kakausapin at hindi ko na--" Naputol ang pagsasalita ko nang biglang bumukas ang pinto.
Akala ko teacher, pagpasok... Si Kurt lang pala. Bwisit! Ayoko siyang makita!! Ano bang ginagawa niya dito?!?!?!
Naglakad siya papunta sa gitna at pumunta sa may teacher's table.
"Kelly." Sabi niya. Hindi ko mawari ang facial expression niya. Galit? Naiirita? Napatingin din sa akin ang mga kaklase ko.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at tinignan ko lang siya.
"Bakit?" Malamig kong sabi. Tahimik ang lahat. Err, ang awkward tuloy. Bakit ba hindi na lang sila magdaldalan?
"Halika." Malamig din niyang sagot. Naglakad ako papunta sa harap. Nagulat na lang ako nang bigla niyang inihampas sa teacher's table ang kamay niya pati na ng isang folder. Ano na naman bang problema niya?
Napatingin ang lahat sa kanya, lahat nagulat. Aba! Sino bang hindi magugulat sa ginawa niya?!
"Ano bang--"
"Read this." Sigaw niya sabay turo sa folder. Bakit ba galit na galit siya?!
Hindi ko na lang siya pinansin at kinuha na lang ang folder, may laman itong tatlong papel. Memo pala ito para sa class namin.
"Shit." Sambit ko matapos kong mabasa ang body ng letter...
"Alam mo ba ang tungkol dito?!" Tanong niya. Ang sama ng tingin niya sa akin. If looks could kill, baka patay na ako sa kinatatayuan ko ngayon.
"Alam ko." Malamig kong sagot. Nakatingin pa rin siya sa akin. Ano bang kinagagalit niya?! Ayon kasi sa memorandum, may bagong member ang class namin.

BINABASA MO ANG
The Search for the Bride (Complete)
Teen Fiction"16-18 years old girls are allowed to join the search for the bride! Sign-up now! Only 8 girls will be chosen!" IKAW? SASALI KA BA? Are you willing to cross the threshold to be Kurt's wife? If yes, then may the best girl wins!