| KELLY'S POV |
"Isa tong malaking kalokohan, Cheska!!!" I shouted at the top of my lungs. Grabe! Hindi ko matanggap tong nangyayari!!
"Hahahahaha!! Congrats, best!"
"Ang unfair nito, Cheska! Grabe, paano mo to nagawa sa akin?!" Naghi-hysterical kong sabi.
"Ano ka ba! I'm sure you'll do good, Ms. President! Hahahahaha!" Sabi niya habang parang baliw na tumatawa.
Magtatatlong linggo na simula nung pumasok ako dito sa Choisi University. Kahapon ginanap yung elections para sa Fashion Design department at ang ikinababaliw ko ngayon ay nagpasa pala ng application si Cheska using my name and my credentials at tumakbo bilang president ng council! ANG SARAP SAPAKIN NG BESTFRIEND KO NO?!
"Hindi ako nagdecide nun no! Yung mga students ang bumoto."
"Hay nako! Nagvote buying ka no?! Paano mo sila nakumbinsi na iboto ako?"
"Kelly naman! Kilala ka nila! Ikaw yung dating pakakasalan ni Kurt Salazar. For your information, marami pa ring nakakaalala sayo. Hindi nga ako nahirapan na kumbinsihin sila eh. Tsaka maganda yung credentials mo! President ka buong highschool life mo, nag-aral ka sa Canada. Oh diba?! Bongga!"
"Cheska, bakit di mo man lang sinabi sa akin? Bakit naman ganon?"
"Oh sige na, sorry na at hindi ko sinabi sayo." Nangusong sabi ni Cheska.
"Tsaka paanong nangyari na ako ang president?! Ni hindi ako umattend ng campaign. In fact, wala akong kaalam alam!"
"Ako ang umattend ng lahat para sayo. Di rin naman kasi masyadong mahigpit magpaelection ang council dito sa department natin eh."
"Grabe lang. Wala akong masabi! Naloloka!"
"Ihhh! Sige na. Alam ko namang kaya mo maging president eh!"
"Hay nako, Cheska. Sarap pitikin ng mata mo! Ano pa nga bang magagawa ko? Eh andyan na yan! Nainis lang naman ako, bakit bigla bigla mo na lang ako sinasali sa ganito."
"Ihhhh. Sorry na, best." Sabi niya sabay yakap pa sa akin. Nako! Dinadaan ako sa lambing!
"Oo na! Oo na! Wag mo na uulitin to ha!"
"Oo na! Promise!" Sabi niya sabay taas ng kanang kamay.
In just a snap, ako na ang president ng student council ng department namin. Panandalian man akong nawindang at nabaliw, tinanggap ko na din. Wala na rin naman akong choice.
Umalis din agad si Cheska kasi may meeting sila kasama ang org niya. Napatingin ako sa folder na ibinigay niya sa akin, sabi kasi niya, may meeting daw lahat ng presidents sa bawat department mamayang hapon. May mga papel din dun tungkol sa mga activities this semester. Ang ikinagulat ko ay ng makita ko yung listahan ng Central Student Council.

BINABASA MO ANG
The Search for the Bride (Complete)
Teen Fiction"16-18 years old girls are allowed to join the search for the bride! Sign-up now! Only 8 girls will be chosen!" IKAW? SASALI KA BA? Are you willing to cross the threshold to be Kurt's wife? If yes, then may the best girl wins!