| KELLY'S POV |
Two weeks nang comatose si Kurt, wala pa rin daw pinagbago ang lagay niya. Ganon pa rin. Okay naman ang vital signs niya pero parang di siya responsive.
Wala tuloy akong magawa ngayon. Hindi na kasi ako pumapasok e. Bukod sa inaantay ko pa ang paggising ni Kurt, inaantay ko rin yung iba kong documents na kailangan ko sa school sa Canada pero kung tutuusin pwede naman na talaga ako pumunta sa Canada. I-eemail naman sa akin yung mga documents na kailangan ko eh.
*Tok Tok Tok*
"Kelly? May bisita ka." Narinig kong sabi ni mama nung kumatok siya sa pintuan ng kwarto ko. Pinause ko muna yung movie na pinapanuod ko tapos bumaba na rin ako.
"Ringgo?!" Nagulat ako nung nakita ko siyang nakaupo sa sala. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Uhh..Binibisita ka?" Sabi niya at napakamot na lang siya sa ulo.
"Teka, diba may pasok ngayon? Bakit wala ka sa school? Nako! Don't tell me, nagcutting class ka ha!"
"Hindi ah! Nag-absent lang talaga ako ngayon para mabisita kita."
"Baliw ka talaga!"
"Baliw sayo." Mahina niyang sabi.
"Ewan ko sayo, Ringgo!"
"Pero seryoso, kaya ako nandito para itanong kung kelan ka aalis."
"Depende. Depende kung kailan magigising si Kurt."
"Ha? So wala pang definite date?" Tanong niya at tumango lang ako bilang sagot.
"Ahh. Kelly...hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?"
"Hindi ko alam, Ringgo. Sa totoo lang, ayoko rin namang maging unfair kay Kurt. Gusto ko rin sanang marinig ang side niya pero... ewan ko... naguguluhan ako."
"Bakit naman kasi sumali ka pa dyan sa Search for the bride na yan e. Ang komplikado tuloy ng mga nangyayari."
"Sinisisi mo na naman ba ako?" Hay nako talaga tong si Ringgo oh -_-
"Hindi naman, Kelly. In fact, sinisisi ko ang sarili ko kasi sana mas inagahan ko pa ang pagdating sa Choisi Academy. Eh di sana, napigilan ko kayong sumali ni Cheska." Malungkot niyang sabi.
"Hay nako! Wala na tayong magagawa kundi--"
*ring ring*
Agad akong napaigting nang marinig ko ang pagring ng phone ko. Kinuha ko agad sa bulsa ang phone...
Tito John calling...
Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan nang makita kong si Tito John ang tumatawag.

BINABASA MO ANG
The Search for the Bride (Complete)
Teen Fiction"16-18 years old girls are allowed to join the search for the bride! Sign-up now! Only 8 girls will be chosen!" IKAW? SASALI KA BA? Are you willing to cross the threshold to be Kurt's wife? If yes, then may the best girl wins!