Kabanata 8
I want you...WALA sa sariling nagpatinaod ako sa kanya sa paglalakad. Seryoso naman siya habang hinihila ako palabas ng opisina ko, I can hear my employees gasping when they saw us.
Sabagay, sino ba naman ang hindi mabibigla kung may makikita kang isang napakagwapong lalaki sa harapan mo, hindi ba? Isa pa, nagulat din sila dahil ito ang unang beses na may pumasok na lalaki sa opisina ko! Wala rin akong nagiging bisitang lalaki maliban kay Joselito!
"Terrence..." I called. Hindi siya lumingon sa tawag ko hanggang sa tumapat na kami sa glass door ng boutique ko. Binuksan niya iyon at hawak pa rin ako palabas.
"Natalie!" Nagulat ako nang may tumawag sa pangalan ko pero bago pa man ako mapalingon ay nakatingin na sa gilid ko si Terrence at tinitignan kung sino ang tumawag sa akin.
Lumingon ako at maging ako ay nagulat pagkakita sa gulat na mukha ni Joselito, nakanganga pa siya at hindi makapaniwala sa nakikita niya.
"Oh my gosh!" Mahinang sabi nito habang nakatitig sa lalaki sa tabi ko na malamig lang na nakatingin sa kanya.
Ibinuka ko ang bibig ko para makapagsalita pero agad akong naunahan ni Terrence dito.
"Let's go," malamig niyang utas at binuksan ang pintuan ng kotse.
"T-teka lang," I said, trying to talk to my friend with my eyes.
Oo, 'te! Si T 'to! Ang crush ko!
"Get in," matigas niyang sabi kaya agad akong napapasok sa loob pero nagawa ko pang sigawan si Joselito na tulala.
"Joselito, tomorrow!" Sigaw ko bago tuluyang naisara ni Terrence ang pintuan ng kotse at agad naglakad papunta sa driver's seat.
Katulad noong nakaraan ay siya ang nag-ayos ng seatbelt ko bago ikinabit ang sa kanya at pinaandar ang makina ng sasakyan. We're in silence habang nasa biyahe at seryoso lamang siya na nagdadrive at ako naman ay nakamasid na naman sa kanya.
"Salamat..." I said sincerely, sumulyap siya sa akin saglit at nagtataka ang mga mata.
"For?" Tanong niya.
"Kasi nando'n ka kanina. You let me hug you, thanks." I smiled.
"No problem." Tumango siya at bumaling sa akin. "Are you sure you're okay?"
I saw him maneuvering the car.
"Yup." Agad siyang nag-park at kinalabit ang seatbelt para matanggal. Pinatay niya ang makina at lumabas para pumunta sa pwesto ko at binuksan ang pintuan sa side ko, inilalahad ang kamay para alalayan ako.
Agad akong lumabas at isinara niya ang pinto. Inilibot ko ang tingin sa paligid at namangha dahil sa napaka-refreshing na ambiance ng lugar.
Ikinawit ko ang kamay sa braso niya at nag-umpisa na kaming maglakad papasok ng hotel. Nangingiti ako sa pagkakakapit ko sa braso niya.
Gosh! It feels like heaven!
I looked around and noted how beautiful and refreshing the place was. Nadadaanan ko 'to madalas pero hindi ko pa napuntahan.
Awtomatiko na nagbukas ang glass double doors na entrance at agad kaming sinalubong ng malamig na temperatura sa loob.
Inangat ko ang tingin ko kay Terrence at seryoso lang siyang nakatingin sa daan habang akay ako.
"Good evening, Mr. Samaniego! Madamé!" Bati ng isang attendant pagkapasok namin at kita kong natigilan ang ibang empleyado pati na rin ang ilang customer at napatingin sa gawi namin kaya pasimple kong inayos ang sarili ko at hinawi ang iilang buhok na nasa mukha ko.

BINABASA MO ANG
Taming My Billionaire (Published under PSICOM)
General FictionHot Bachelors Series #2: After spending a hot fiery night with the man of her dreams, Natalie Sena Paige is devastated to wake up and find him not wanting her. But soon, she discovers that she's set to be engaged and married to her one and only love...
抖阴社区 Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte