抖阴社区

抖阴社区 Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Kabanata 13

289K 5.2K 212
                                    

Kabanata 13
Risks

"BOBO ka ba?!" Palatak ni Joselito sa harapan ko, nakakunot ang noo niya at halata ang pagkainis sa mukha niya.

"I am asking for a chance," mahinang sabi ko at sumandal sa swivel at tumitig sa ceiling. Narinig ko ang marahas na buntonghininga ni Joselito at kasunod ang matinis niyang boses.

"Impakta! Bobita! Stupida!" Napangiwi naman ako sa sinabi at tinignan siya.

"Hard mo naman!" Reklamo ko at kinain ang ang cake na nasa harapan ko.

Kakakain ko ng cake tataba na ako talaga nito!

"Aba! Hard na ba iyon sa pandinig mo? Huh? Paano 'yong sinabi no'ng gwapong 'yon?! Hindi pa hard?!" Bulyaw niya sa akin at namumula na ang mukha sa inis.

I sighed at piniling hindi na lang sagutin ang sinabi niya.

Aaminin ko masakit 'yong mga salitang lumabas sa bibig niya at hindi mawala sa utak ko ang bawat salitang sinambit niya but I'm in love with him and I wanted a chance.

Ngayon lang ako ulit humabol ng kasiyahan ko. Ngayon ko lang pinagbigyan ang sarili ko.

"Ano? Wake up, Natalie! Alam kong gwapo siya, hot, may abs, perfect biceps, messy hair, pouty lips..." He said dreamily pero agad na natauhan at agad ginulo ang buhok niya. "Ay, letche! Galit na nga ako pinagnanasaan ko pa?! Gosh! This isn't good!" Sinabi niya sa sarili niya at binalingan ako ng may masamang tingin.

"Kasalanan mo 'to, Natalie! Nadamay ako sa pagkakerengkeng mo!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at agad na hinagis ang table napkin na malapit sa akin.

"Napaka-ano mong bakla ka! Inaaano kita r'yan?!" Mataray kong sabi at sumimsim ng iced tea.

"Hay, ewan ko! Mabalik tayo, anong plano mo, Natalie Sena?" Napakagat labi ako sa sinabi niya at wala sa sariling napailing. I don't know what my next move is.

"Gaga talaga," he mimicked pero narinig ko naman kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

"He didn't actually say na binibigyan niya ako ng chance but I know na binibigyan niya ako," sagot ko at tumitig sa kanya, umiling siya at tinuro ako.

"Ikaw, Natalie, masyadong martyr. Hindi ka man lang ba nasaktan sa sinabi niya?"

"Nasaktan..." Mahinang sagot ko at naramdaman ko na naman ang pamilyar na kirot sa puso ko.

"Nasaktan ka naman pala, e. Akala ko manhid ka na. Bakit mo ba pinagpipilitan ang chance na sinasabi mo? Hindi mo ba naisip na wala nang pag-asa? The way he calls you 'bitch'! God, I can't take that! Kung ako sasabihan niya mananabunot ako!"

"Bakit may lalaki ka ba?" Bara ko sa kanya kaya napataas ang kilay niya at inirapan ako.

"H'wag kang mahaderang babae ka! Winawala mo lang 'yong topic eh! Bakit mo ba kasi ginagawa 'to? Aren't you hurt enough to quit?" Mahinang sabi niya at may tonong pagkahabag at pagod ang boses niya.

"Mahal ko, e," agad kong sagot sa mahinang boses at mapaklang ngumiti.

"'Yon lang! Mahal mo! Pesteng pagmamahal kahit anong kinaganda mo, nakakabobo!" He sighed dramatically.

Ngumuso ako.

"Hindi ka nagmamahal kung hindi ka masasaktan at hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmamahal. Simple as that. You have to take risks. You have to give up all your cards just to be with the one you love. Sa pagmamahal hindi maiiwasang maramdaman 'yan pero pagkatapos no'n ay masasabi mo nang it is worth the risk; it is worth fighting for." Mahabang litanya ko at malalim na napahinga.

Falling in love was happy and painful at the same time. Kaakibat ng pagmamahal ang kirot at sakit. Lahat ng bagay may positive at negative effect. Masayang magmahal pero masakit masaktan, it's a cycle and if you're loving, you have to bear it.

"I understand naman kasi sa visuals wala kang say kay Terrence pero sis, you must be crazy in love at masama iyan, lalo na r'yan." Turo niya sa dibdib ko, ngumiti ako at pumahalumbaba sa lamesa.

"I know. Kaya ko 'to. Ako pa ba?"

"Be careful, okay? Huwag masyadong aabuso sa paggamit ng puso. Gamitin mo rin ang utak mo. 'Yan ang purpose kaya nasa taas ang utak at nasa baba ang puso. Learn to use your brain wisely. It can save you from pain." Inabot niya ang kamay ko sa lamesa at pinisil, ngumiti ako at pinisil pabalik ang kamay niya.

"Thank you," I said sincerely. Tumango na lang siya at tumawa sa itsura ko.

"Ang pangit natin magdrama, girl!" Tili ni Joselito kaya napatawa kami.

"Sobra, hindi bagay," sakay ko sa sinabi niya. Nagkwentuhan na lang kami at nagkayayaan na kumain sa labas.

That's why I love my friend, palaging siyang nandito kapag kailangan ko siya, kapag may problema ako. Hindi niya ako iniiwan hindi katulad ng iba na sikat ka kaya dikit ng dikit sa iyo at kapag kailangan mo ay aabandunahin ka nila.

"Bye, girl!" Ngumisi lang ako at kumaway sa kanya paalis, tinignan ko ang relo ko at alas-tres na pala ng hapon kaya kahit kinakabahan at naguguluhan ay napagdesisyunan kong dumaan sa ospital ni Terrence.

I took a deep breath at ni hindi ko na marinig ng maayos ang mga bati ng empleyado at ang atensyon ko lang ay sa daan papunta sa opisina ni Terrence, dire-diretso lang ang lakad ko at hindi ko napansin ang nakasalubong ko kaya nagkabangga kami at nabuwal siya sa pagkakatayo at natumba.

"Oh my God! I'm sorry, Miss hindi kita napansin!" Hinging paumanhin ko at inilahad ko ang kamay ko sa kanya para tulungan pero bago niya pa man matanggap ay may sumigaw na sa 'di kalayuan.

"Sweety!" Agad niyang dinaluhan at inalalayan pagtayo ang babae at sinipat ang itsura nito.

"God, Sweety, are you alright? Hindi ka ba nasaktan? Halika pacheck-up tayo!" Panic niyang sabi sa babae pero naiiling na lang na napangiti ang babae sa inasta nito.

"I'm okay, Ced. No need to worry." Ngiti niya at bumaling sa akin. Tumungo ako at nanghingi ulit ng paumanhin.

"I'm sorry, Miss. Hindi ko sinasadya. Lutang lang ako." Umiling lang ang babae at tinapik ang balikat ko.

"Ayos lang, Miss. Ano ka ba..." Malambing niyang sabi. Napaangat ang ulo ko at nanlaki ang mata ko ng magsalubong ang mata namin ng kasama n'yang lalaki.

"Lance?" He's Terrence's friend. Nangunot ang noo niya at pagkatapos ay unti-unting tumaas ang labi.

"Oh! Natalie, di ba?" Masayang sabi niya at binalingan ang babae.

"Sweety, siya 'yong sinasabi ko sa 'yo. Si Natalie, yung fiancé ni Terrence." Napatango ang babae at nakangiting bumaling sa akin.

"Nice meeting you! I'm Chloe by the way." Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay at ngumiti pabalik.

"Natalie." Binitawan niya ang kamay ko at sumulyap kay Lance.

"And this is uh, Ced--I mean Lance, my husband..." Ngisi niya, nanlaki ang mata ko at napalingon kay Lance na malaki ang ngiti habang nakatingin kay Chloe.

"You're married na pala?!" Gulat kong sabi. Tumango siya at hinapit si Chloe palapit sa kanya.

"Yup!" Masayang sabi niya at hinalikan ang tuktok ng ulo nito. Napangiti ako sa kanila at kinain ako ng inggit.

I can see that they are very much in love at naiingit ako sa totoo lang. I adore them. Kailan kaya ako magiging ganyan? I sighed at ngitian sila.

"Uhm, sige. I have to go, nice meeting you both." Ngumiti ako.

"Nice meeting you, too!" Matamis ang ngiti ni Chloe sa akin at sa totoo lang ay napakaganda niya kahit na simple lang. She's only wearing a white shirt, white pants and sneakers pero napakaganda.

"Bye, Natalie!" Masayang sabi ni Lance sa akin at inakay na si Chloe paalis. Nakita ko pang may binulong siya dito at kita ko din ang paghampas nito sa balikat ng tumatawang si Lance sa tabi n'ya.

Mapait akong napangiti at nagpatuloy sa paglalakad. I have to make a move for my happily ever after to happen.


Taming My Billionaire (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon