抖阴社区

抖阴社区 Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Kabanata 10

335K 6.1K 143
                                    

Kabanata 10
Scarf

"ABA! Aba! Anong drama 'yan? Jusko, ang init-init ng panahon, naka-scarf ka?!" Nanliit ang mata ko nang pagkapasok ko pa lang ng opisina ko ay bumungad na sa akin ang matinis na boses ni Joselito.

"Ano ngayon? Fashion 'yan." Umismid ako at dumiretso sa upuan ko para ipatong ang handbag ko at umupo bago pinasadahan ng tingin ang kaibigan-slash-manager kong si Joselito na prenteng nakasalampak sa couch.

"Fashion? Aba! Kailan pa nagka-snow sa Pilipinas, aber? E, pagkalabas mo pa nga lang gusto mo ng maghubad ng saplot sa sobrang init, e," maarte niyang sabi at pinaglaruan ang unan na nando'n.

"H'wag kang magulo. Walang basagan ng trip." Umirap ako at nakade-kwatrong sumandal sa swivel chair ko.

Bakit ako naka-scarf? I scoffed. Alam na. Ang gwapong babe ko ang salarin!

Kaya pala nagso-sorry kasi hindi sinunod ang gusto ko. Kainis naman! Paano 'to? Sana matanggal agad, halata pa rin kasi kahit may concealer!

Pero baka naman 'di sadya! Iniisip kong nadala lang siya sa damdamin kasi why would he give me hickeys?! Sabi ko nga h'wag, e!

"Hoy! Teka! May nakalimutan kang ikwento sa aking bruha ka." Agad na lumipat sa visitor's chair sa harapan ko si Joselito at nakahalumbaba na nakatingin sa akin, nakanguso pa ang bakla at nag-aantay ng sasabihin ko.

"Anong ike-kwento?" Kunwaring hindi ko alam at inayos-ayos ang folder na nasa lamesa ko.

"Aba, maang-maangan ka pa r'yan. If I know, kumekerengkeng ka lang kay Papa Terrence kapag wala ako! Isa kang hampaslupa! Mga taksil!" He hissed at pinaawa pa ang mukha. Natawa naman ako bigla sa itsura niya dahil sa totoo lang ay mukha siyang natatae.

"Tumigil ka nga r'yan, Joselito, luma-love-life na ako," proud kong sabi at pagkatapos ay tumawa na nang-aasar.

"Love life ka r'yan. Magkwento ka! Ano 'yong nakita ko kahapon? Huh?" Tinaasan niya ako ng kilay at humalukipkip sa harapan ko.

"Teka lang, 'yong fitting. Ano, kumusta?" Tanong ko at nagseryoso naman ang mukha niya at tumango.

"Doing fine. Na-check ko na 'yon, no'ng nakaraan pa. Wala nang problema doon, ikaw kasi naka-focus sa love life mo!" Ngumiwi siya at inagaw ang ballpen na hawak ko.

"Okay, ito na, kasi naiwan ko 'yong panyo sa office niya tapos dinala niya dito..." I grinned and wiggled my brows.

"Pumupunta kang office niya?!" Gulat niyang sabi at agad akong tumango. "Kerengkeng ka talaga."

"Para-paraan lang 'yan, Jose. 'Tsaka hindi ko naman sinasadya na maiwan, tapos hindi ko aakalain na dadalhin niya eito 'yon. Knowing Terrence, he's so cold at kung iisipin mo ay p'wede niya 'yong ipagsawalang-bahala or throw it instead." I shrugged at nagpatuloy.

"Pero sadyang maganda ako at mahaba ang hair ko kaya hindi niya tiniis at pumunta siya rito para isauli." I grinned and flipped my hair towards his face kaya tumama iyon sa mukha niya at nairita siya sabay abot ng gunting.

"Akin na 'yang buhok na 'yan nang magupitan!" Matinis niyang sabi kaya napatakip ako ng tainga at napahagalpak.

"Bunganga mo naman, Joselito!"

"Joselito ka d'yan. 'Jho' nga kasi. Nasisira tuloy ang maganda kong image sa 'yo!" Reklamo niya.

"Sus. Sira na image mo noon pa." Tumawa ako.

"Tapos 'yon nga, pumunta siya rito tapos nagalit siya no'ng malaman na hindi pa ako kumakain tapos niyaya niya ako kumain! So thoughtful!" I said dreamily.

Taming My Billionaire (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon