Chapter Six
"Nanalo ka 'nak?" tanong ni mama.
Padabog kong binaba ang bag ko. Alas siyete na nang makauwi ako. Hindi na raw nag text sa akin si mama dahil baka nagcecelebrate kami at kumain kung saan.
"Opo..." medyo matamlay kong sabi.
Na realize ko na iba pala ang tono ng boses ko. Inayos ko kaagad ang mukha ko. Baka mahulaan ni mama ang nararamdaman ko. I smiled at her.
"Napagod ka ba? gutom? Kain ka, may pagkain dito!"
Tumango ako. "Mamaya nalang po."
Tumabi ako sa kan'ya at nanood din ng tv. Hindi pa ako nakakapagbihis dahil hindi ako makatayo sa lahat, sa pagod, at sa nararamdaman. I just stared at the tv for a long time, not absorbing anything that is flashed on the screen.
Nakaka guilty naman! Pero kailangan ko 'yung gawin dahil ayoko magbigay ng motibo kahit na ang totoo ay hindi ko masusuklian ang nararamdaman niya para sa akin.
Hindi ko din maisip kung paano niya ako nagustuhan. Aba! Three days palang niya ako nakikita, 'di rin naman kami close?
I sighed again as I recalled what happen.
Despite what happened in Starbucks, hinatid niya pa rin ako sa terminal ng jeep.
"We're going home?" he asked.
Tumango ako at tumayo na. I don't think I could stay here.
"P'wede ba kita samahan pauwi? Sa'n ka ba sumusakay?"
Hindi na ako nakipagtalo sa pagod. Gusto ko nalang makauwi. I nodded at him defeatedly.
"Jeep. Sa terminal ng jeep mo nalang ako ihatid."
"Sumasakay ka pala ng jeep?" he asked.
"Oo.." maikling sagot ko.
He nodded. Naglalakad kami sa may sidewalk, o ako lang. Dahil halos sa kalsada na siya naglalakad dahil sa kitid ng sidewalk sa palengke.
He still guided me kahit halos mabunggo na siya. Tahimik ang lakad namin. Nang makarating sa may terminal ay kumaway nalang ako sa kanya bilang paalam. Hindi siya umalis hanggat hindi niya nakita ang pag alis ng jeep namin. Hindi ko na siya nilingon.
I sighed. Tumayo ako at pumunta na sa kwarto. Nagbihis ako at sinalampak na ang katawan ko sa kama. Pagod na pagod ako, kanina pa nanghihina ang katawan ko.
Hinila na agad ako ng antok. I can't even remember what happened when I woke up.
Sabado ngayon at nasa bahay lang kami. Duane and I are eating in our table. Wala si mama dahil lumabas.
"Narinig ko sabi ni Tita Edith, nagtatahi raw si mama ngayon. Tinanggap niya 'yung offer no'ng kakilala 'ata niya..." kumunot ang noo ni Duane habang nagkukuwento.
"Kakilala? Sino?" usisa ko.
"'Yung may ari ng tahian sa looban! Kilala mo 'yun 'te 'di ba?"
Umirap ako. "Ex 'yun ni mama e!"
"Huh?!" kumunot ang noo ni Duane.
"Bahala na! Baka bored na si mama rito at gusto kumita ng pera..." sabi ko.
I wasn't back on track. I was excused again for a week for my another upcoming competition. Somehow, nakaramdam na ako ng pagod.
Napakarami kong article na ginawa ngayong araw. Nadagdagan pa ang pagka sungit ng coach ko, mas lalo lang akong na pressured.
Coach Sureta:
'Nak, this is all wrong. Can you please focus muna sa contest na 'to? And do your best for God's sake. Huwag lumaki ang ulo porket nanalo sa ibang contest.

YOU ARE READING
Perfect Rival
Teen FictionCan you love your rival? Adira Cortez is the star of their school. She sets a standard when it comes to her academic achievements. For her, ang mga medals at recognitions ang nagpapaikot ng buhay niya. She would do anything to be recognize as the be...