抖阴社区

Chapter Twenty-seven

8 2 9
                                    

Chapter Twenty-Seven

Eventually, nakatulog siya sa upuan namin. Hindi ko nga alam kung uuwi pa 'to. I looked at the clock, it's already 6 PM.

Baka naman sugurin na naman ako ng tatay nito? I bit my lips, I can't take it anymore kung susugod ulit ang tatay niya. I want to woke him up but nahiya naman na akong gisingin siya dahil mukhang pagod na pagod.

Gumawa nalang ako ng hapunan para pagdating ni Mama ay sabay-sabay kaming kakain. I also texted her.


Adira:

Ma, magluluto nalang po ako ng hapunan. Ano oras ka po uuwi?



I also texted Duane.



Adira:

Hoy, umuwi ka na. Magluluto ako ng paborito mo, kung gusto mo rito ka kumain.


Mama:

Mamaya pa ako uuwi, 'nak. Mauna ka na kumain.



Ginising ko rin si Cairo pagsapit ng 6:30. Nagugutom na rin ako at 'di naman kaya ng konsensya ko na kumain mag-isa.

"Bakit naka motor ka?" I asked.

Nagtaas siya ng kilay. We're sitting in our small table at magkaharap na kumakain. Mukha namang okay lang sa kaniya ang niluto ko na ulam.

"Why you're so curious about the motor," aniya parang naiinis na rin.

"So naiinis ka na?"

He sighed. "No, you're too curious lang."

"I just want to ask," sabi ko.

"Well, I'm grounded. Actually, hindi lang ako....pati si kuya. I can't commute papunta rito, hindi rin ako maihahatid ni Kuya kaya kinuha ko ang motor ko. Dad doesn't know I have that tho, so.... I'm safe."

"What? You're grounded?!"

He nodded. "Yeah. I don't know, dad wasn't amused last night."

"You're crazy! Ba't ka pa pumunta rito? Dapat hindi mo na pinilit! Sinasagad mo 'ata ang daddy mo e."

He shrugged his shoulder and smirked. "It's thrilling kung mahahanap niya ulit ako."

I sighed. Maya-maya tapos naman na ako kumain kaya naman nauna na akong tumayo at naglinis. Sumunod siya sa akin.

Nilinis ko ang mga pinagkainan namin at hinayaan ko siya magpahinga sa sala namin. He's watching something on the tv.

After 30 minutes, he told me na papanhik na raw siya para naman hindi sobrang magalit ang daddy niya. I sighed.

"Babalik ako rito ah?" he snickered.

Kinuha niya ang kamay ko, he's slowly caressing it while looking at me. Halos mapunit ang dibdib ko sa kaba.

Ngumuso ako. "Nawala lang 'yung kapatid ko nung nakaraan, nakahanap ka na ng rason para magpa balik-balik dito."

He chuckled. "Ayaw mo ba?"

Ayaw ko ba? I don't know. Ayoko lang siguro na bumalik ang daddy niya rito. Umiling ako, tila ayaw iyon isagot.

"Umuwi ka na, baka magalit pa 'yung daddy mo lalo."

"I'll text you once I got home."

I waved at him nang nakalayo na siya. I smiled nang na kompirmang wala na nga siya at nakaalis na. Niligpit ko ulit ang kalat namin sa sala bago pa makarating si Mama, somehow...ayokong sabihin na pumunta si Cairo rito.

Nakatulog na ako bago ko pa mahintay si Mama. Nagising na lang ako na madilim na at may nagluluto sa kusina.

I looked for my phone to checked the time. It's Thursday, 5:40 AM. Tumayo kaagad ako dahil papasok ako ngayong araw.

Perfect RivalWhere stories live. Discover now