Kanina pa ako nagpapagulong-gulong sa kama ko. In-assume ko lang talaga na ito na ang kwarto ko dahil sa kabila siya pumasok. Wala ring personal na gamit dito pero hindi naman iyon ang iniisip ko ngayon!
Hindi ko pa naman kilala itong si bugnutin pero base sa nakita ko kagabi, talagang lumalabas ang galit niya. Saglit ko lang napanood ang laro at alam kong hindi ko dapat siya hinuhusgahan agad. Pero kailangan ko ring sukatin ang pasensya na.
Ang hirap manghula dahil dalawang emosyon niya pa lang ang nakikita ko. Emosyon ba ang tawag doon sa isa? He impassively glanced at me na parang nakakita lang siya ng alikabok sa dorm.
Ganito ba kami buong stay ko rito? Clueless pa naman ako kung paano nagwo-work ang dorm life. Minor pa lang ako! Noong sinabi ni Mama na mas matanda raw nang kaunti sa akin ang makakasama ko rito, inasahan ko na matutulungan niya akong mabuhay nang mag-isa kahit papaano.
Magme-message na ba ko kay Mama para mag-back out? Pero nakakahiya sa kakilala niyang nag-offer. Mahihirapan pati ako kung magco-commute ako araw-araw. Higit isang oras din ang biyahe ko.
Pero hindi ba mas mahihirapan ako kung 'yung kasama ko rito ay may malalang anger issues? Baka isang pagkakamali ko lang ay i-spike niya papunta sa akin ang mga gamit dito.
Paano na ako nito bukas? Sa mga susunod na araw? Kakausapin ko ba? Pwede namang hindi. Pero paano kapag kakain? Maghuhugas? Pwede kaya akong makilagay sa ref? May WiFi ba rito?
"Matulog na kasi!"
Idiniin ko ang unan sa mukha ko. Hindi ko sigurado kung pinipilit ko nang matulog o pinipigilan ko na ang paghinga ko.
Kaya naman kinabukasan ay ingat na ingat ako sa kilos ko. Nakipagtalo pa ako sa sarili kung gagamitin ko ang mga gamit para makapagluto.
"Huhugasan ko na lang . . ." Nako-konsensiya kong tinignan ang rice cooker.
Hindi, Ja. Huwag kang makikigamit nang hindi nagpapaalam.
Parang wala naman siya rito. Walang bakas ng bugnutin sa dorm. Baka may training. Dapat pala ay gumising ako nang mas maaga para nakapag-paalam ako.
Kaso makakausap ko ba? Anong sasabihin ko roon? Papayag naman kaya? Baka nga tinago niya sa loob ng kwarto niya lahat ng gamit dito noong nalamang may kasama na siyang titira rito.
Pero pucha, anong kakainin ko? Alangan naman makihingi ako sa mga stock niya. Sobrang kapal na ng mukha ko noon. Hindi porket kakilala ni Mama ang nanay ni Bugnutin ay magfi-feeling may-ari na ako.
Nakasimangot tuloy akong bumaba para mamili sa convenience store sa ground floor. Lagpas alas diez na ang gising ko at tirik na agad ang araw. Ang init!
Puro instant noodles ang dinampot ko dahil ayon lang naman ang nandoon. Kumuha rin ako ng maraming Chuckie tapos ilang gummies at chips. Pinagagalitan ko ang sarili tuwing tinitignan ko ang mga binili ko. Sobrang unhealthy naman kasi.
Sa susunod na ako mamimili talaga kapag may sariling gamit na ako. Pakikiramdaman ko muna iyong kasama ko.
Dito ko na kinain iyong isang instant ramen na binili ko. Kaysa naman pakialaman ko iyong initan ng tubig sa taas. Mamaya ay buhusan pa ako ni Bugnutin ng kumukulong tubig kapag nakita niyang ginamit ko iyon.
Pinigilan ko ang pagngiti dahil sa mga naiisip. Sobrang judgemental ko pala sa kaniya. Isang beses ko pa lang siyang nakitang mag-lash out, ginawa ko nang buong personality niya iyon.
Bakit nga naman ako natatakot doon? Magaling siyang pumalo pero kaya ko naman siyang palagan sa suntukan.
"Malapit nang tamaan 'yon si Eli kay Kiel. Panay ang sala ng toss, e."

BINABASA MO ANG
Finally Found
Teen FictionA transfer student who is looking for a place to belong, finds an unexpected connection with his new dormmate-the Northern Ravens' ace, in search of the perfect setter to finally grasp victory-leading them to discover that sometimes the biggest win...