"Number three!"
"STEM na 'yan!"
"Umuwi na kayong lahat! Kami na ang magbibitbit ng awards!"
Naghalo ang sigaw ng supporters noong magsimula ang awarding. Parang hindi nauubos ang boses ng mga tao rito kung makahiyaw. May nga dumating pa ngang may dala ng torotot at ginagamit iyon para mag-cheer. Sa sobrang competitive ng ng strand namin, nagpadala sila ng drums. Sa tabi ko iyon nakapwesto kaya nakisali sina Sho sa paghampas. Nakatakip tuloy ako sa tainga.
Ang pwesto namin ang pinakamagulo pagdating sa cheering. Nangunguna ang grupo ng volleyball team at ang dalawang kaibigan ni Noelle. Napagigitnaan nila ako kaya nadadamay ako sa pagsigaw. Ang gagaling ngang gumawa ng chant. Ginagawa nila 'yon on the spot. Mas nagiging aggressive pa kapag sumasagot ang ibang strands.
"Manahimik ang mga laging nakakabasag ng apparatus sa laboratory!" parinig ng isa mula sa HUMSS.
"Manahimik din kapag hindi nagsasauli ng libro sa library! Nag-i-install pa ng games sa mga computer sa com lab! At least kami, nagbabayad!" sagot naman ng nasa panig namin.
Ang lakas ng tawanan sa buong court dahil sa mga ganoong sagutan. Maging ang mga guro ay nakikitawa rin. Ang gulo na ng audience at halatang kinahihiya na sila ng representatives.
Sa female category, nakuha ng TVL at ABM ang second at third place. TLE at HUMSS naman ang sa mga lalaki.
"Our Miss Intramurals for this year is . . ."
"GAS!"
"TLE talaga 'yan!"
"Sabihin niyo nang STEM! Ang tagal!"
Kinakabahan na rin tuloy ako sa pa-suspense ng emcee. Ganoon din yata si Noelle na halata nang pilit ang ngiti. Nagkatinginan pa kami kaya tinaas ko ang dalawang kamay ko na naka-thumbs-up.
"Noelle Gadaza from STEM!"
Napatayo kami sa pwesto nang banggitin ang pangalan ni Noelle. Winagayway ng iba ang mga banner na may mukha ng babae. Muling hinampas ang mga tambol na sinasabayan ng chant namin.
Halos isang minuto ang inabot ng kaguluhan namin. Hindi matapos-tapos ang sigawan mula noong isuot ang medal hanggang sa pinaiwan na siya sa gitna.
"Thank you, STEM!" pasalamat ni Noelle habang nakatingin sa pwesto namin. Pasigaw niyang sinabi iyon kaya lang ay nasapawan ng ingay namin ang boses niya.
Noong Mr. Intrams na ang tatawagin, hinila ako nina Sho papunta sa harap. Mas malapit na kami sa stage pero nakatayo sa gilid. Kinakabahan ako sa binabalak ng mga ito pero mas nangingibabaw ang kaba ko. Second-hand nervousness ba ang tawag dito?
Dahil sa kulay ng suot namin, kapansin-pansin ang pagpunta namin sa harapan. Magkakasama pa kaming akala mo eh solid supporters ni bugnutin. Napailing na nga lang ang huli habang kinakawayan siya ni Ino.
"And now, for the 'Mister Intramurals' title . . ."
Hawak namin ang kamay ng isa't isa habang inaantay ang sasabihin ng emcee. Nginitian ko si bugnutin na binabasa ang nakasulat sa suot ko. Kumunot ang noo niya bago umangat ang tingin sa mga mata ko. Gusto ko na lang tuloy hubarin ito. Nakakahiya at mukhang hindi niya nagustuhan. Eh hindi ko rin naman ginustong isuot 'to!
"Congratulations to . . ." Binuksan ng emcee ang card kung saan nakalagay ang pangalan na tatawagin niya. Ngumiti ito habang pinakikinggan ang mga pangalang sinisigaw ng audience. At nang mabawasan ang ingay, saka niya sinabing, "Kiel Evan Yavarre, also from STEM!"
Doon na tuluyang nagwala ang panig namin. Mas lumakas ang sigawan at tunog ng drums. Naglitawan ang mga kulay green na lobo sa crowd. Halos magkandapunit na ang banners sa pagtalon ng mga may hawak noon. Maging ang mga taga-ibang strand, nag-celebrate nang tawagin si bugnutin. Nandito rin ang fans niya mula sa junior high na ang titindi rin mag-cheer.

BINABASA MO ANG
Finally Found
Teen FictionA transfer student who is looking for a place to belong, finds an unexpected connection with his new dormmate-the Northern Ravens' ace, in search of the perfect setter to finally grasp victory-leading them to discover that sometimes the biggest win...