抖阴社区

Ten

326 18 8
                                    

(Trigger Warning: This chapter contains scenes of emotional distress, verbal abuse, and self-criticism.)

Madilim na sa labas nang magising ako. Ni hindi ko na naman namalayang nakatulog pala ako.

Ang sakit ng mata ko kahit na wala nang luhang lumalabas. Kalmado na rin ang paghinga ko, kaya lang ay kailangan kong padaanin sa bibig ang hangin.

Hinang-hina ang katawan ko kaya noong sinubukan kong umupo sa kama, para akong babagsak. Parang binubugbog ang ulo ko sa sakit. Dahil siguro sa pag-iyak . . . tapos ay wala pa akong matinong kain.

"A-ah," inda ko noong halos matapilok ako sa pagtayo.

Sabihin niyo sa kaniya, wala na siyang mahuhuthot sa amin kapag nakaalis na kami.

Napapikit ako nang maalala ang mga salitang iyon. Huminga ako nang malalim bago kunin ang basket kung nasaan ang mga gamit kong pang-gantsilyo. Sumalampak ako sa sahig habang nakasandal sa gilid ng kama. Sinubukan kong bumuo ng bulaklak kahit na nagsisimula na namang manginig ang mga kamay ko.

Wala kang mapapala sa ganiyan, iho. Tingin mo ba, may pera sa ganiyan? Mga magagaling lang ang nagiging successful sa ganiyan. Sa tingin mo magaling ka?

Nakailang ulit ako sa pagtanggal ng yarn dahil malayo na sa pattern ang nagagawa ko.

Wala na ngang pera ang Mama mo, pagagastusin mo pa sa ganiyan? Nasasayang ang binibigay ng anak ko sa inyo! Hindi ka naman magaling! Wala kang mararating sa laro-laro na 'yan!

Panay ang hikbi ko tuwing mas nagiging malinaw ang boses na iyon sa utak ko. Kahit anong takbo ko palayo, nahahabol at nahahabol ako nito. Parang kahit saan ako magtago, matutunton pa rin ako.

Tinakpan ko ang bibig para hindi makagawa ng ingay. Napansin ko kasing bahagyang nakabukas ang pinto ng kwarto ko. Baka nasa labas lang si bugnutin tapos . . . marinig niya ako. Makaka-istorbo pa ako.

Ayoko nang nakikita kang may hawak na ganito, naiintindihan mo?! Ang kapal ng mukha mong manghingi ng pambili sa anak ko para sa walang kwentang hilig mo!

"T-tama n-na . . ."

Nasasaktan na ang tainga ko sa ginagawa kong pagtakip dito. Hindi ko na maintindihan kung saan ko ilalagay ang kamay. Palipat-lipat ito sa tainga at bibig ko. Nababasa na rin ang sahig dahil sa luha ko.

"Mama . . ." tawag ko sa ina na tila maririnig ako nito sa simpleng umaasang bulong.

Ang hina mo, Jaja.

Ilang minuto ang tinagal ko sa ganoong lagay bago pumasok sa banyo. Wala na akong pakialam kung nakita ako ni Kiel. Ni-lock ko ang pinto bago walang tigil na naghilamos.

"I-it will be fine," pagkumbinsi ko sa sarili habang nakatingin sa salamin. Ang tagal kong pinaulit-ulit iyon hanggang sa bumalik sa normal ang paghinga ko.

Hindi pwedeng tumigil ulit ang buhay ko dahil lang nakita ko na naman sila. Hindi na pwedeng ganoon lagi ang epekto nila sa akin. Hindi dapat ako magpadala sa mga sinabi nila.

Aalis na sila, Ja. Magiging okay ka na.

When was the last time I felt like this? Five years ago? Six? I've been doing so well . . . but it only took a single lunch with those people to fuck me up again.

Muli kong tinignan ang repleksyon ko sa salamin habang tinutuyo ang mukha. Namumula ang ilong ko na parang lahat ng dugo sa mukha ko ay napunta roon. Ganoon din ang mga mata ko, at nakadagdag pa ang pamamaga noon kaya halatang galing ako sa iyak.

Nakasalubong ko si bugnutin paglabas ko ng CR. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.

"You were . . . taking so long . . . inside."

Finally FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon