抖阴社区

ELEVEN

10 2 0
                                    

ELLE

"What!?" Hindi makapaniwalang reaksyon ko ng marinig ang sinabi ni Mom. "Ma!" Sa sobrang lakas ng pagkakasigaw ko ay siguradong dinig hanggang kapit-bahay ang boses ko.

"Pwede ba Elle, babaan mo nga ang boses mo! Baka isipin ng kapit-bahay natin pinagmamalupitan kita."

"Eh, totoo naman ah!" Nanlaki pa ang mga mata ko.

"Aba! Aba! Makikipagdate ka lang naman, pagmamalupit ba iyon!?"

"Yes! Pinapakialam mo Ma ang buhay ko eh."

"Aba! Hindi ko pinapakialaman ang buhay mo, concern lang ako sa future mo."

"Ma, wala pa ngang isang buwan kaming hiwalay ni Kevin—"

"Eh, bakit patay na ba siya para kailanganin mo pang maghintay ng ilang buwan bago makipagdate saka isa pa 'diba may girlfriend naman na siya, so dapat maghanap ka na rin."

"Ma naman eh!" Hindi ko na alam kung ano ang gagawin dito sa nanay ko. "Hindi ba pwedeng paghilumin ko muna ang puso ko?"

"Mas mabilis kang makakapag move on kapag nagkaboyfriend ka. You'll realized na mas may higit pang deserve na mahalin kesa kay Kevin."

"Ma, pwede ba. Buhay ko 'to let me decide when to have a boyfriend again."

"No."

"Ma!"

"Gabriella, hangga't wala kang pinapakilala sa akin na boyfriend ay hindi kita lulubayan. Kaya't sa ayaw at sa gusto mo sisiputin mo si Andrew."

"Mama naman eh!"

"Mama, mama ka d'yan. Mahimik ka! Sundin mo na lang ang gusto ko. Hangga't wala kang boyfriend eseset-up kita lagi sa anak ng mga kaibigan ko."

Masakit na nga ang ulo ko dahil sa tambak kong trabaho and deadlines, talagang dumagdag pa itong date na senet-up nang nanay ko, lalo lang tuloy sumasakit ang ulo ko.

Sa loob ng isang taon ay nakawala na ako sa pangungulit n'ya dahil kay Kevin at syempre they like him pero ngayon na single na ulit ako muli ko nanaman mararanasan ang pangungulit ni Mom.

Mukhang kailangan kong makahanap na ng boyfriend.

Argh! Pero hindi pa ako okay eh, paano ako maghahanap ng boyfriend kung si Kevin pa rin ang laman ng puso ko—wait...sino naman ang may sabi na kailangan ko ng totoong boyfriend.

A fake one will do. Ang kailangan ko lang naman ay ang may maipakilala sa mga magulang ko.

But the problem is, paano naman ako hahanap ng matinong lalaki na magkukunwaring boyfriend ko, sa panahon ngayon ay mahirap nang magtiwala kung kani-kanino. Isa pa ay kailangan kong ng someone that is good enough na magugustuhan ng mga magulang ko.

Aba, ayaw ko naman maging mala-teleserye ang buhay ko na kailangan ko pang ipaglaban ang boyfriend ko sa mga magulang ko para lang tangapin nila, the worst thing pa ay—oh my God, ayaw kong umabot pa kami na kailangan ko pang mamili between my boyfriend (fake) and my parents.

Argh! I hate this.

Dahil sa date ko mamaya ay hindi ako makapagconcentrate sa trabaho. Hindi ako makapag-isip ng maayos.

"Elle, may problema ba?" Tanong ni Rica nang lumapit sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya with a very nakakaawang tingin. "Bakit?" Tanong pa n'ya.

"Nag-uumpisa nanaman ang nanay ko." Sumbong ko sa kanya.

"Huh?"

"May date ako mamaya." With a very sad tone.

"Oh my God! Saludong-saludo talaga ako kay Tita. Ang tibay n'ya. Kakabreak mo pa lang, nakahanap na 'sya agad ng date mo." Turan ni Rica na halatang parang gustong tumawa pero pinipigilan lang ang sarili.

Till There Was YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon