抖阴社区

NINETEEN

10 2 0
                                    

ELLE

"Bakit may problema ba?" Pag-aalalang tanong ko kay Gavin ng mapansin kong mukhang malalim ang iniisip n'ya.

Kakatapos lang namin maglakad-lakad after ng dinner at kasalukuyan kaming nakaupo dito sa bench sa park.

Hindi ko alam kung nakasanayan na lang talaga naming lumabas at magdinner together after work kaya araw-araw pa rin naming ginagawa ito kahit na napag-usapan naman na namin na hindi na namin kailangan lumabas araw-araw pero para sa akin ay okay lang din naman ito since I love his company at isa pa ay hindi kami nauubusan na pwedeng pag-usapan kaya hindi kami naboboryo. Hindi lang kami nakakalabas kapag nagkakaroon s'ya ng mga meetings na late na natatapos.

"Huh?—Oh! Wala naman, mom asked your number lang."

"Hmm...bakit may problema ba doon?" Kumunot pa ang noo ko.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan n'ya. "I think she might invite you this weekend."

"That's great, wala naman ako gagawin this weekend." Sagot ko na sinabayan ko pa ng ngiti.

"But I won't be around."

"Huh?"

"May business trip ako this weekend and Monday na ako makakabalik." Kita ang pag-aalala sa mukha n'ya.

Sandali akong natahimik. "Hmm...what seems the problem?" Maya-maya'y tanong ko.

"Hindi ako makakasama."

"Naku kahit naman available ka this weekend for sure hindi ka rin naman isasama ni Tita Ingrid. I'm sure gusto n'ya akong iinvite to bond with her."

"Oh!" Reaksyon niya na napatango-tango pa.

"Kaya don't worry too much. I can handle it."

"Are you sure?" Tila hindi pa rin nawawala ang pag-aalala n'ya.

"Sure na sure." Ngumiti pa ako ng malapad pero biglang napalitan ng pagkagulat ang ekpresyon ko ng bigla niyang abutin ang mga kamay ko't hawakan.

Sa hindi ko malamang kadahilanan ay biglang naging abnormal ang kabog ng dibdib ko na para bang mga kabayong naguunahan sa bilis ng kabog nito. Napatitig ako sa kanya't nagtama ang mga mata naming dalawa.

"I'm sorry, akala ko once na nagpakilala ako ng girlfriend kay Mom ay titigilan na n'ya ako but I never expect na ganito ang mangyayari."

Habang nakatingin sa mga mata niya'y lumalim nanaman ang imahinasyon ko kaya't mabilis kong binawi ang kamay ko't bahagyang umusog palayo. "Don't worry—" Umiwas ako ng tingin. "Gusto ko rin naman makipagbonding kay Tita Ingrid, mukhang masaya din s'yang kasama. And besides mas okay na ito kesa naman noong wala tayong pinakikilala na karelasyon. Atleast, hindi na sila ganon kakulit, slight na lang."

"Sa bagay." Sang-ayon n'ya. "Pero are you sure na you'll be okay, ha?"

"Oo naman! Hindi naman siguro nangangagat si Tita Ingrid."

Natawa siya sa tinuran ko.

"Kung makapag-alala ka kasi akala mo naman eh dangerous ang sarili mong nanay." Dagdag ko pang biro.

"Nag-aalala lang ako sayo." Aniya sabay nagkatitigan ulit kaming dalawang, for a few seconds ay pareho kaming natulala habang ang dibdib ko'y muling nabulabog nanaman.

Ako ang unang mabilis na umiwas ng tingin.

Ano ba ang nangyayari sa akin? Nakakainis.

Tulad nga ng hula ni Gavin ay inanyayahan nga ako ni Tita Ingrid pagdating ng sabado na lumabas. Agad ko naman pinaunlakan ang anyaya niya, syempre nang magpaalam ako kay Mom ay lagpas tenga ang ngiti n'ya.

Till There Was YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon