ELLE
Maliban sa kirot ng ulo ay kakaibang kirot din ang nararamdaman ng kamay ko kaya't agad kong naiiangat ito.
Bandage?
Napapikit ako't pilit na inalala ang nangyari kagabi pero tulad nang madalas na mangyari kapag nalalasing ako ay wala akong maalala na kahit ano.
Shit! Ano ba ang nangyari kagabi?
Argh!Nakakainis nalasing nanaman ako.
Wait!
Mabilis na bumababa ang mata ko sa damit ko.
Shit! Sino ang nagbihis sa akin? Saka...
Inilibot ko ang mata ko sa paligid...
Nasaan ako? Hindi ito ang kwarto ko!
Oh my God! Mabilis kong naikross ang braso sa dibdib sa pag-aalalang baka may nanamantala sa'kin pero wala naman akong ibang naramdaman na masakit sa akin maliban dito sa ulo ko't kamay.
Nang bigla akong napaigtad sa gulat dahil sa pagbukas ng pinto. Akmang tatakbo sana ako palayo para magtago pero hindi ko na naituloy nang makita ko kung sino ang niluwa ng pinto.
"Gavin!" Sambit ko sa pangalan niya na nanlalaki pa ang mga mata. "Anong ginagawa mo dito? Ikaw ba ang nagbihis sa'kin? Paano mo nalaman na andito?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya na matalim ang tingin.
Malaki ang gulat ko na makita siya dahil hindi ko inaasahan na makikita ko siya at dito pa mismo.
Ayaw ko pa sana siyang makita at makausap.
"..."
"Sino ang may sabi sayo na pwede mo akong bihisan? Sino ang may sabi sayo na—" Galit ako. Galit na galit pa rin ako at naiinis pero hindi ko na natuloy ang iba ko pa sanang sabihin dahil sa biglang pagyakap niya sa akin.
"I'm verry worried, akala ko kung ano na ang nagyari sayo...akala ko kung napaano ka na. I can't reach you, halos mabaliw na ako sa pag-aalala!" Aniya na ramdam ko naman ang senseridad pero—No! I can't accept this kind of paawa niya...
Kung totoong nag-aalala talaga siya sa akin ay sana naalala man lang n'ya akong etext at kumustahin habang naghihintay sa kanya kahapon pero hindi eh, so asan ang pag-aalalang sinasabi niya!?
I won't buy it kaya it's a big NO! Hindi ako maniniwala sa kanya.
Marahas ko siyang itinulak palayo.
"Pwede ba Gavin, stop acting like nag-aalala ka!" Mahina pero madiin na turan ko. "Ang pinakaayaw ko sa lahat 'yong pinapaasa ako. Mahirap ba ang mag-update ah!"
"I am very sorry Elle, may nangyari lang—"
"I don't want to hear your lame excuses, Gavin! Maiintindihan ko naman kung talagang matatagal ang meeting niyo eh, kahit abutin pa nga 'yan ng hanggang hapon ay handa akong maghintay, ang kailangan ko lang ay update pero wala—wala ka man lang katext-text. Para akong tanga na naghihintay—"
"Elle—" Pero hindi ko na siya hinayaan na magkapagsalita pa, mabilis ko na siyang tinalikuran, dumeretso papaunta sa may mesa para kunin ang bag ko dahil parang nakita ko kanina na nakapatong doon iyon.
Pagdampot ko ng bag ay nagulat ako nang mula sa likod ay naramdaman ko ang katawan ni Gavin at yumakap sa akin.
"Elle, pag-usapan natin ito. Alam ko ang kasalanan ko at humihingi ako ng tawad sayo. Promise hindi na mangyayari ito. I'll do everything para mapatawad mo ako." Aniya na ramdam na ramdam ko sa tinig niya ang pagsisisi.
Hindi naman makitid ang utak ko pero talagang naiinis at galit ako dahil sa ginawa niya. Maiintindihan ko naman kung ano man ang reason na sasabihin niya kung bakit siya matatagalan na makabalik at hindi ko naman siya mamadaliin pero syempre kailangan ko ng update pero wala akong narinig o natanggap na kahit anong update man lang mula sa kanya kaya paano naman akong hindi magagalit sa ginawa niya.
Kahit sino naman sigurong tao ay magagalit. Hindi ako manhid para hindi makaramdam ng galit at inis.
GAVIN
Naiwan akong nakatunganga dito sa loob ng kwarto, matagal nang nakalabas si Elle pero hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.
Galit pa rin si Elle at hindi ko alam kung paano mapapahupa ang galit niya sa akin. Alam ko naman na kasalanan ko kung bakit galit siya at alam ko naman na mali ang ginawa ko kahapon.
You're so stupd kasi Gavin! Sermon ko sa sarili.
Pero hindi ako susuko! Gagawa ako ng paraan, hindi ako papayag na matapos ang weekend na ito na hindi kami nagkakasundo ni Elle.
Seryoso akong I will do everthing para lang mapatawad niya. Hindi kami uuwi ng Manila na hindi ako napapatawad ni Elle.
Parang dinudurog kasi ang puso ko sa mga oras na ito habang iniisip na I made Elle sad because of my stupid mistake.
Mula sa kwarto ay dumeretso ako sa restaurant na malapit sa hotel at naghanap ng pwedeng makausap para sa plano ko. Hindi ko alam kung uubra ang naiisip ko pero gusto ko pa rin subukan.
Nang magkasundo na kami ng kausap ko ay dumeretso na ako pabalik ng hotel para hanapin si Elle.
Sinubukan ko kasi s'yang tawagan pero hindi siya sumasagot, I understand, talagang hindi niya sasagutin ang tawag ko dahil galit pa rin siya.
Sakto pagkabalik ko ng hotel ay natanaw ko si Elle na may kausap, akmang lalapit sana ako pero napahinto ako ng masipat kong lalaki ang kausap niya at nagtatawan pa silang dalawa. Nagtatangis ang bagang at nakakuyom ang kamaong dali-daling nagpatuloy ako sa paglalakad palapit.
Of course, I'm jealous, boyfriend ako eh! Kaya paanong hindi ako makakaramdam ng selos habang nakikita ang girlfriend ko na may kausap na ibang lalaki at mukhang ang saya-saya pa sila.
"Damn!" Pabulong kong naiusal nang bigla kong naalala ang dahilan kung bakit galit sa akin si Elle ngayon.
Kapag nalaman niya ang totoong dahilan kung bakit hindi ko siya naiupdate kahapon ay paniguradong mas matindi pang galit at malamang pati selos din ang mararamdaman niya.
Napahinto ako bigla sa paglalakad sabay mabilis na napatago sa isang malaking halaman sabay silip.
Looking at Elle and that guy ay talagang gusto ko nang manugod pero—
Shit!
Ayaw kong magsinungaling kay Elle kapag sinabi ko kung ano ang dahilan ko kahapon pero sa tingin ko ay mas mainam na 'wag ko na lang sabihin sa kanya ang totoo—for the sake na maging maayos kami ay kailangan kong magsinungaling at talagang pinapangako ko na hindi na ulit mangyayari iyon.
Kapag lumapit ako sa kanya ay dapat meron na akong dahilan nakahanda kung bakit hindi ako nakatext sa kanya kahapon.

BINABASA MO ANG
Till There Was You
RomanceIn what ways can two souls, each bearing the weight of a shattered heart, come together to heal and mend their wounds?