=•=•=•=•=•=
Jericho Gail Serrano
Sunday na ngayon at bukas ay birthday ko na, oh my gosh. Magiging legal years na ako, ibig sabihin ay makakahimas na rin ako... ng rehas. Charot!
Eight thirty na pala ngayon ng umaga. Need ko na magluto ng almusal para may makain kami ni Papa. Kasi mas naunang nagising si Papa sa akin. Actually kaninang 6am pa ito gising, dahil maggy-gym daw siya malapit sa village. Baka pagbalik nito eh wala siyang almusal na madadatnan.
Kaya dali-dali akong bumangon, inayos ang higaan ni Papa at nag-stretching ng ilang minutes. Bumalik na ako sa kwarto ko at ginawa na roon ang morning routine ko. Buti na lang at na-rejuvenate ang pagiging sariwa ng ganda ko mula sa nakakapagod na jogging journey namin kahapon. As expected sa pananalamin ko ngayon, maganda pa rin ako!~
Pagbaba ko sa kusina ay inihanda ko na ang mga lulutuing almusal. Wala akong maisip talaga kaya nag-fried rice na lang ako, with bacon, ham, eggs and apple spinach salad. Hindi talaga pwede maalis sa pagkain ko ang salad because may pagka-vegetarian ako. Cravings ko ito lalo na sa umaga. Pero may hinahalo akong secret ingredient sa apple spinach salad ko kaya nagayuma ko si Papa– chos!
Kidding aside, meron talaga akong secret ingredient. Hinahaluan ko kasi ng ketchup ang apple cider vinegar na nilalagay ko sa salad para lumaban ang tamis at asim na gustong-gusto ni Papa. Lalo na sa dressing, nilalagyan ko rin ito ng ketchup na naka-smiley face pattern para kakaiba talaga. Hindi naman pangit ang lasa, sabi ni Papa ay masarap nga raw. The best version daw ng apple spinach salad. Ehe, ene be~
Habang nagluluto ako ng bacon at hinihintay ito maluto ay nag-check muna ako ng aking cellphone. Pumunta ako sa Social Networking Sites ko para makipagchikahan, kung ano na ba ang latest na balita. At siyempre pumunta ako sa email ko dahil baka may update na sa schedule ng scholarship examination ko sa Maxville. At nakita ko nga ang email galing sa kanila. Napahinga ako nang maluwag nang malaman ko sa Friday next week pa ang nakatandang examination. Buti na lamg dahil magbabakasyon nga kami ni Papa sa Palawan simula Monday. May time pa para makapag-review.
Pero habang nagch-check pa ako ng ibang email bukod sa mga confirmation order sa online shopping apps, nakatanggap ako ng isang email galing sa isang unknown recipient. Binuksan ko ito at tinignan ang kabuuan ng email.
From: Mr. Cha Jaehyun (chajaehyun@echoentertainment.com)
Greetings, Gail Serrano!
I am Cha Jaehyun, a talent scout from ECHO Entertainment based in South Korea. I am currently deployed here in the Philippines to search for idol-worthy, aspiring trainees. You have been referred to by a few people, especially Tiffany Enriquez.
I have seen your solo recital in person, and my staff has also seen it through a recital clip I recorded. And we are interested in scouting you as a trainee under the ECHO Entertainment label. To be able to proceed to the next step of being an official trainee, we are requiring you to audition on-site at our satellite office in Bonifacio Global City, Taguig. You can directly contact me through the contact information attached to my profile.
I am looking forward to hearing from you soon. I hope you are interested in becoming a K-pop superstar in the future. We are thrilled and willing to nurture your natural talent, which is pivotal to becoming an inspirational K-pop idol in the future.

BINABASA MO ANG
Reborn to be a Diva [BXB, MPREG]
RomanceRead with precaution and at your own risk! This is Rated 18+ and BL-themed story. Male pregnancy (MPREG) is possible and occurs in the universe of this story. Most of all, this is an INCEST story. Be sensitive with this kind of theme. You may skip r...