抖阴社区

Eighteen! ?

337 13 6
                                    

Rated 18+ content ahead!

This chapter contains sexual, inappropriate, and violent language, which may not be suitable for everyone.

Reader's discretion and circumspection are STRONGLY advised.

=•=•=•=•=•=

Antonio Craig Serrano III

Paglabas ko ng kwarto namin ni Gail ay bumaba nga ako para sa sala matulog. Dahil sa hindi ko maintindihang dahilan ay nagalit ito sa akin. First time kong makita ang ganoong ugali niya, kaya hindi ko alam pero parang natutuwa ako na mas pinapakita niya 'yung sarili niya sa akin.

Hindi pa rin matanggal sa akin na ma-weirduhan dahil umiiyak ito sa isang cartoon show. Umiiyak ito, tapos biglang nagagalit, tapos iiyak na naman ulit. Kung babae lang siya siguro, mapagkakamalan ko siyang may dalaw dahil sa mood swing niya.

Ipinagkibit-balikat ko na lang kung anong inasal niya ngayon, at nasa sala na nga ako para matulog. Binabaan ko 'yung temperature ng AC dito sa sala dahil wala akong damit na suot. Pagkatapos ay bugtong-hininga kong ibinagsak ang katawan ko sa sofa. Dahil wala talaga akong magawa ay naisipan kong buksan ang cellphone ko para i-check ang emails ko na ilang araw ko na hindi nagagawa. As expected, ang dami kong emails na na-receieve; halos lahat ay work-related. Fuck, andami kong babalikang trabaho sa Bulacan.

After kong ma-check at mag-reply isa-isa sa mga emails ay naisipan kong mag-SNS muna sandali. Nakita ko ang ilan sa mga stories ng workmates ko na nasa bakasyon, na-promote sa trabaho, birthday at 'yung mga naka-out of country. Nainggit ako sa idea na out of country, dahil out of town pa lang ang ginawa namin ni Gail. Never ko pa itong nadadala sa ibang bansa.

Halos marami-rami na rin akong bansang napuntahan, pero halos lahat ng biyahe ko noon ay pa-South Korea. Kung hindi niyo maitatanong, isa akong model noon ng isang kilalang fashion magazine company sa South Korea. Halos tatlong taon nila akong naging model, pero umalis din ako dahil lumalaki na noon si Gail na tantiya ko ay mga 5-7 years old lang. Hindi ito alam ng parents ko, pero as soon as I graduated, instead na software engineering ang pinursue kong career ay pinasok ko ang mundo ng modeling. Pabalik-balik ako ng South Korea noon kung may photoshoots lang dahil ayaw ko namang mag-stay roon nang matagal.

Kaya sa ilang taon na kilala ko ang South Korea ay hindi ko talaga matandaan ang pangalan ng talent agency na kumausap sa anak ko. Alam ko namang artistahin ang dating ni Gail dahil sa ganda at karisma niya, to the point na pinepersuade siya ng Tita Kyline niya na mag-artista rin at i-try pasukin ang mundo ng showbiz dito sa Pinas na hindi ko pinahintulutan noon dahil napakabata niya pa para ma-expose sa pagta-trabaho. Hanggang ngayon ay may nangungulit pa rin sa aking mga talent manager na hayaan ko raw si Gail na pasukin ang napakaningning na mundo ng mga artista, dahil sayang daw ang potential niya. Hindi ko na lang sila pinapansin dahil gusto ko ng pribadong buhay para sa anak ko. 'Yun nga lang ay hindi ko siya mapipigilan kung nais niya talagang mag-artista.

Pero ibang usapan na kung sa ibang bansa pa siya magiging artista, lalo na kung sa Korea. Marami na akong nababalitaang discrimination sa bansang 'yan, kahit ako ay naranasan 'yan noon dahil lang sa pagiging Filipino. Kaya hangga't nasa puder ko siya ay hindi ko siya papayagang mag-artista sa bansang 'yon.

Nags-scroll lang ako ng aking social media hanggang sa may nakita akong post na nag-hook ng interest ko. Hindi ko maiwasang basahin ito verbally dahil sa hindi ko malamang dahilan ay parang may nag-uudyok sa akin na alamin 'yung post.

Reborn to be a Diva [BXB, MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon