抖阴社区

                                    

Best Regards,
Cha Jaehyun
ECHO Entertainment
Talent Scout - Philippines

Ano!? Teka, totoo ba 'to!? Baka naman scammer 'tong Cha Jaehyun na 'to. At isa pa, taga-ECHO Entertainment? Gurl! Parang impossible naman 'to. Alam ko naman may qualities ako to become a K-pop idol pero kasi too good to be true na isang popular label at isa sa mga Big 4 K-pop labels pa talaga ang interested na i-scout ako. Mas namilog pa ang mga mata ko nang basahin ko muli 'yung content ng email at sinabi nito na nirefer daw ako ng ibang tao lalo na si Tiffany. Paano nila nakilala si Tiffany at pati last name nito ay tama? Omg. Don't tell me pati mga scammer ngayon ay stalker na rin? Ano ba naman 'to!

Dahil super bothered ako sa email na 'to ay agad kong vinideo call si Tiffany. Buti na lang ay online na ang krungkrung na 'to. Need ko ng kasagutan at clarification talaga rito, mahirap na if magtiwala ka agad ano.

"Gurl!? Tiffany!" Nakakunot ang noo ko habang nakaharap sa screen kung saan nakikita ko si Tiffany through video call. Naka-shades ang gaga at mukhang nasa labas.

"Gail, bakla! Intramuros na kami gurl, ito kasama me si Jaemie oh." Bati nito sa akin sabay hinarap ang camera kay Jaemie at kumaway sa akin. Sana all, intramuros huhu! Tinuloy nga ng mga slapsoil ang plano nilang pambabackstab sa akin. Charot! Keri lang naman, at least bakasyon na namin ni Papa bukas.

"Sana all, nasa Intramuros~" Sabi ko sa mga krungkrung. Panay naman ang anyaya nila na sumunod na ako ngayon pero tinawanan ko lang ito at niremind na hindi nga ako pinayagan ni Papa.

"Hmp! ’Ba naman 'to! Advance birthday celebration na sana if nandito ko eh." Panghihinayang ni Tiffany. Kaya pala nagplano sila, pero ganoon talaga hindi ko muna sila makakasama ngayon. Sinabi ko naman na magplano na lang sila ng gala para belated birthday celebration ko pero 'wag na sa malayo. Sumang-ayon naman sila dahil wala silang choice. Eme.

"Eh teka, bakit ka ba napatawag?" Tanong nito sa akin at mukhang nasa restaurant na sila ngayon dahil sa background ni Tiffany. Ay ayon nga! Buti pinaalala nito ang tunay kong pakay.

"Oo nga pala! Gurl, totoo bang nirefer mo ako sa isang talent scout? 'Yung Cha Jaehyun?" Tanong ko rito upang humingi ng kalinawan if scam ba 'yung nareceive kong email o legit. Mamaya eh eme lang pala 'yun.

"OMG!!! NAKARECEIVE KA NG EMAIL!?" Biglang sigaw at bakas sa mukha ni Tiffany ang pagkagulat. Ang weird ng loka-lokang 'to. Um-oo ako at sabay nagsisigaw-sigaw ang gaga. Jusko ka, Tiffany! Pagkakamalan talaga 'tong takas-mental. Sinusuway na siya ni Jaemie at tinatanong kung bakit ito nagsisisigaw. Hindi po namin kaibigan itong Tiffany na 'to, opo.

"Kayong dalawa, makinig kayo ha. Lalo ka na, Gail! Bakla, magiging K-pop idol ka na! I was the one who referred you from a talent scout galing sa ECHO Entertainment. Si Sir Jaehyun. He is based here sa Pinas, at gurl ang gwapo niya!–" Putol na sabi ni Tiffany nang suwayin ito ni Jaemie. Baklang 'to talaga! Napakahilig sa mga koreano. Sinabihan ko ito na ituloy na ang pagk-kwento niya.

"Umattend kasi siya ng music month festival. Isa siya sa mga audience, then nung napanood niya raw 'yung performance mo, lalapitan ka niya sana sa backstage pero ako ang nakita niya kaya tinanong niya ako if kilala kita. Sabi ko naman oo, at tinanong niya if interested ka maging K-pop idol na alam kong pangarap mo kaya nag-oo ako. Then, I provided some contact information mo kaya ayan nakatanggap ka ng email."  Explanation sa akin ni Tiffany na nagpagulat sa akin. Totoo ba talaga 'yung Cha Jaehyun na 'yun na isang talent scout sa ECHO Entertainment? Baka ebas lang 'yun at isang modus scam, tapos hihingian ako ng pera para makalipad ng South Korea tapos 'yun pala scammers sila! Naku po! Eng-eng sila!

Reborn to be a Diva [BXB, MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon