抖阴社区

                                    

"Hi," with a smile, a breathy whole deep voice came out from her.

She sounds like she can even whisper to me in the deep ocean.

She smells a bit of tequila.

"Hi," I greeted her back and let out a smile that I have been keeping since my first realization that might be the one that I am seeing.

"Hi.." Mahina siyang natawa habang nakatingin pa rin sa akin.

"Hi." I can't help but to let out a chuckle also. Who knew that we are in front of each other right now.

"Hi.." She is letting out more laughter.

"Hi." I laughed. Kanina pa ako natatawa pero hindi ko naman pinagkakaila na ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya.

"Hi."

We looked like fools laughing and smiling at each other.

"Kanina ka pa ba nandito?" tanong niya.

"A-Ah.." My voice broke. Fuck. Tanggal na agad ang angas ko. "Hindi pa naman ganoong katagal."

Tumango siya at hindi pa rin tinatanggal ang tingin niya sa akin. Ako tuloy napapaiwas ng tingin. Nakakaconcious saglit!

"Hindi ka ba papasok sa loob?" tanong pa niya.

Huminga ako nang malalim at tumingin na sa kaniya. Sasagot na sana ako na gusto kong sumilip pero ngumiti siya. "Understandable. Sobrang ingay sa loob. Hindi na nga nakakarinig ang isang tenga ko." Tumawa siya.

"Seryoso?"

Humighik siya. "Do you want to go somewhere and do something?"

Mahina akong napatango. Napaayos na ang tayo ko mula sa pagkasandal ko sa sasakyan para makapasok siya.

"Your car?" gulat niyang tanong.

Napaiwas ako ng tingin at nahihiyang tumango.

My 20th birthday gift.

"Oh... baka kasi madumihan sasakyan mo," mabagal niyang sabi.

Dahan-dahan kong sinara ang pintuan. Kumunot din ang noo ko. Ano naman ang gagawin namin na aabot sa punto na madudumihan ang sasakyan?

WAIT.

"Have you tried hotel crashing?"

"Hotel crashing?" pag-uulit ko. Baka kasi mali ang pagkarinig ko.

Tumango ulit siya. "Pasok tayo sa hotel kahit hindi tayo nakacheck-in."

What?!

"H-Ha.. W-W-Wait..." Napatakip ako ng mukha. Namumula na ata ako dahil kung ano na ang pumasok sa isip ko. Sa dina-daming puwede icrash na lugar, bakit hotel pa? "Is that even legal?"

"Sa rooftop lang naman tayo!" May tinuro siya sa tabi ng Tipsy Muse.

Napapikit ako at pilit inaalis ang mga imahe sa utak ko.

"Ayaw mo ba sa loob ng Tipsy Muse?" Kaya ko namang tiisin ang ingay.

"Maingay doon eh." Nag-isip pa siya habang tumitingin sa paligid. "Huwag sa damuhan kasi makati."

Kumunot ang noo ko.

"Nakatry ka na ba sa Still Cafe?" Sasagot sana ako sa tanong niya kaso nagdagdag pa siya. "Kaso may CCTV doon eh."

Okay, this is getting weirder. Ano ba ang gagawin namin?!

Parang nakakaramdam ako ng pamamaga ng mukha ko bigla. Namamanhid ba ang mukha ko?

Hinarap niya ulit ako at medyo napakunot ang noo niya. "Namumula ka."

Oh fuck, namumula ako?!

"Let's try hotel crashing." Para hindi na niya mapansin pamumula ng mukha ko. Kaso mukhang mas lalo atang namula ang mukha ko tuwing iniisip kung ano ba ang gagawin namin sa hotel. Sa kinadami-daming puwedeng puntahan, bakit sa hotel pa.

"Okay!" Mas lumiwanag ang mukha niya at lumawak ang ngiti niya. Tinuro niya ang building sa tabi ng Tipsy Muse. Ilang segundo ko pa nakita na may pintuan pa roon. Sinara ko ang pintuan ng sasakyan ko at sinundan siya nang siya ang naunang maglakad. I was expecting hotel like Hotel Grams. Iyon kasi ang sikat dito sa Central.

"I was expecting something hotel," I emphasized.

"My bad," sabi niya at nakawala ng isang malumanay na hehe bago binuksan ang pintuan.

First, akala ko hotel na may sariling lugar, parking lot, or such.

Kaso nasa commercial building at walang matinong signage sa labas.

Kaso sa loob ng lobby ay bumawi naman sa interior design.

Andoon din ang naglalakihang...

RED AND SPICE MOTEL

Motel?!

Hinila ko ulit palabas ang kasama ko kasi papasok na sana siya.

"Okay, Tart, this is too... red." I don't even know the right term for this. "Isn't it too early for this?"

"Huh...?"

"At paano kung may makakita na hindi pala tayo nakacheck-in?" I mean, I can pay if she wants to!

"Sa rooftop lang naman tayo tatambay!"

Napakamot na ako ng kilay ko. "Are you really that adventurous?"

Napakibit-balikat siya. "I just want to try new things."

Papasok na sana siya ulit kaso hinila ko siya pabalik. "Paano nga kung malaman nila na hindi pala tayo nakacheck-in?"

"Seven..." pagtawag niya at tinapik-tapik ang balikat ko. "Hindi naman nila mahahalata ang mali kung confident tayo sa ginagawa natin."

Big point.

"Kaya let's go? Masarap 'to habang mainit-init pa."

What the actual fuck.

Is it possible to determine what really made me dumbfounded at this moment? I know three things that needed to be considered.

1. She called me 'Seven.' Maybe she was used to call me '7AM.'

2. She was giving me signs that were quite making me think.. dirty. I mean she doesn't give me exact context! I can't ask her directly! What the heck is something masarap habang mainit-init pa?!

3. She held my hand.

She is really holding my hand as of this moment. Hindi ko na alam kung pang-ilang floor na kami pero walang nagrereklamo sa amin. More like, I was paying attention to her hands. I bet she's right-handed. May nararamdaman kasi akong bumubukol sa middle finger niya. Baka sa daliri na 'to niya nadidiin ang ballpen niya.

"Is this your first time?" tanong niya nang malapit na kami sa rooftop.

"Alin dito?"

"Hmmm. Lahat?" patanong niyang sagot at binuksan ang pintuan.

Hindi ako nakasagot nang bumungad sa akin ang ilaw ng siyudad.

I never knew that I could almost see the whole Central Winston from here.

Napatingin ako kay Tart na pinapanood pala ang reaksyon ko.

May mas magandang view pa pala.

"Are you ready?"

"Tart," seryoso kong tawag. I can see that she's fighting herself not to let out a laugh. "You can stop teasing me."

"Huuuy! Wala ah!" Doon na siya tumawa. "Baka iba ang iniisip mo kanina pa kaya ka namumula."

She knows.

May inilabas siya mula sa bulsa niya. "Let's eat balot?" At nakawala ng mas kakaibang tawa.

Napailing ako pero hindi pa rin mawala ang ngiti ko. "You're really drunk." Kahit kanina ay naamoy ko siya.

She raised her index finger. "Tipsy," she corrected.

Tipsy TatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon