抖阴社区

50th Sip

32 2 0
                                    

AGAPITO

-

JULY 2, TUESDAY

WHY?

왜?

为什么?

¿por qué?

Perché?

なぜ?

BAKIT?

Gustuhin ko mang ubusin ang lahat ng 'bakit' sa iba't-ibang lengguwahe pero mas lalo ko lang hindi maintindihan kung bakit ako papunta sa kaniya. Ang naiintindihan ko lang ay ang sitwasyon na kailangan niya ng laptop at ako lang ang nandito sa school. I mean, understandable naman ang sitwasyon pero bakit may nararamdaman akong hindi ko maintindihan?

Naghahanap ba ako ibang pakiramdam para matakpan sa nararamdaman ko talaga ngayon?

Nakita ko na siya. Nasa hallway, nakaupo sa mga nakahilerang upuan. Nakasandal ang ulo sa dingding, nakapikit pa. She looks angelic (ever since). Hindi ko ata kayang gisingin siya. At sino ba naman ang halimaw na gagambala sa tulog nito?

Ako pa rin.

Kaso bago ko pa man siya tapikin o tawagin, dumilat na siya.

One thing for sure, hindi ako halimaw dahil hindi ko ginambala ang tulog niya. Kusa lang siya dumilat.

Inabot ko ang laptop. "O." Para matapos na 'to.

"K." Kinuha niya rin 'yun at binuksan na.

Umupo ako sa bakanteng upuan pero hindi sa tabi niya. May isa pang bakanteng upuan sa pagitan namin. Kahit naman malayo siya, mararamdaman ko pa rin ang presensya niya.

Ginawa ko na ang lahat para palihim ko lang siyang pagmasdan sa ginagawa niya. Mabuti na lang at tinanggal ko ang password para hindi kami ganoong magpansinan.

Bumagsak 'yung loob ko--kasabay ang pagkunot ng noo ko.

Bakit nadidismaya ako na hindi kami mag-usap? Kaya ba sumasama ang loob ko dahil siya ang may ayaw na makipag-usap sa akin? Kaya siguro pinipilit ko rin ang sarili ko na ayaw ko rin siyang kausap dahil sa pride ko?

Huli ko na lang na napagtanto na sa kaniya na pala ako nakatitig. Napagtanto ko na lang 'yun nang nagkasalubong ang mga tingin namin. Hindi ko na siguro ipagkakaila na tuwing nagtatama ang paningin namin ay may kung anong tunaw akong nararamdaman sa loob ko.

Ang kaninang mahigpit na paningin niya ay huminahon. Mas lalong lumalakas ang pagtakbo ng utak ko at kung ano na ang nakikita ko sa paligid pero hindi pa rin siya nawawala sa pokus ko. Kung hindi pa ako kukurap, baka tuluyan kong maalala ang gabi na magkasama kami sa rooftop. Ilang buwan nang nakalipas pero naalala ko pa ang lahat.

Bakit?

Iyon ang gusto kong tanungin sa kaniya. Gusto kong malaman kung anong nangyari. Gusto kong tanungin kung bakit nangyari 'yun. Handa ko nang isantabi ang lahat ng naipon kong hinanakit kahit ngayon lang. Gusto ko lang siyang marinig.

Napapagod na akong magpanggap.

Pero hayop! "Excuse me," ang nasabi ko pagkatapos kong mag-monologue sa utak ko.

Dali-dali akong tumayo at naglakad palayo. Paliko na sana ako para makahinga pero nakita kong sinundan niya pala ako ng tingin.

Sinundan niya ako ng tingin...

Bakit?

Tuluyan na akong nawala sa paningin niya. Napasandal ako sa dingding at hindi na nawala sa isipan ko ang tingin niya kanina. Bakit may nakikita akong takot o hindi siya mapakale? Kailangan ko lang naman huminga at mag-isip -isip pero gusto kong bumalik agad dahil sa tingin niya na iyon.

Tipsy TatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon