抖阴社区

40th Sip

32 4 0
                                    

AGAPITO

-

JUNE 17, MONDAY

First day of school and I am already freaking running for my life just to be on time.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Unang araw pa lang, lumabas ang pagiging impulsive ng administrasyon. Sino ba naman ang papayag na may courtesy call agad pala ng bawat academic and non-academic organization ng Gaius Central State University sa Office of the University President?

Courtesy call? Courtesy ba 'to? Lunch time? Biglaan?

Hindi pa naayos ang necktie ko nang makarating sa meeting room ng University President. Marami-rami na ang mga tao rito mula sa iba't-ibang organization. Andito na rin si Adam. Tinapik niya ang bakanteng upuan sa tabi niya.

Yumuko ako at nagmadaling maglakad papunta sa tabi niya. Bumagsak ako sa upuan at pinagpatuloy ang pag-ayos ng necktie ko.

"Lahat, nagdadabog papunta rito," bulong ni Adam at sinilip ko ang mga tao sa paligid. Nakabusangot din sila, nililibang na lang ang sarili sa kung ano man ang mahahawak nila.

"Pustahan, late si Aguilar," bulong pa ni Adam at pinaglaruan ang ballpen niya.

"Lakas ng loob," bulong ko pabalik. "Say it to her face."

Hinalikan niya ang hintuturo niya at inangat sa taas bilang paalam. "Expelled. Salamat, GCSU!"

Nagkatinginan ang ibang estudyante sa kaniya.

"Ngayon mo pa ginustong maexpel na graduating ka na." May naglapag ng name plate ng mga organization sa lamesa. Sabay kaming napalingon ni Adam at may babaeng naglalagay ng name plate. Mestiza at medyo chinita.

"Es, tulungan na kita diyan!" Tumayo pa si Adam.

"No. I'm good. Thanks." At naglakad na siya palayo.

"Oh," tanging nasambit ko at napatingin kay Adam. "'Yun ba ang crush mo?" tanong ko.

"Sige, lakasan mo pa," inis niyang sabi at napayuko.

"'Yun ba ang crush mo?" mas lalo kong nilakas.

"Gago!" Tinakpan niya bigla ang bibig ko kaya napatingin sa amin ang mga tao.

Tinawanan ko lang siya dahil pulang-pula na ang mukha niya.

"Sino ka! Hindi ka si Agapito!" bulong niya habang sinasakal na ako.

Nakita ko si Esㅡang crush niya na nakatingin na pala sa amin. "Nakatingin sa atin ang crush mo."

Binitawan niya ako bigla at nagpanggap na wala siyang ginawang masama.

Napailing ako at inayos ang sarili ko. Palibhasa, nagpapagood shot kaya madaling makausap.

Andito na pala ang ibang officers. Napatingin din ako sa name plate ng The Codex. Doon ko napagtanto na graduate na pala si Kuya Patrick, ang dating Editor-in-Chief. Wala pang executive officers ang school publication pero ang ibang organization ay meron na. Kaya lang, hindi pa sila accredited dahil kailangan pa nilang mag-oath taking. Nag-eleksyon lang pala bago matapos ang semester last school year.

"Bakit pala nagpatawag ng meeting? May notice of meeting ba na binigay?" tanong ko.

"Wala pa. Emergency meeting daw with Aguilar kasi next week, nasa China siya."

"Tapang," bulong ko. Ni-la-last-name-basis lang ang University President.

"Sige nga, sabihin mo, Aguilar," inutusan niya pa ako.

Tipsy TatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon