AGAPITO
-
JUNE 25, TUESDAY
I should redeem myself again.
I can't risk to lose myself again.
If she can act like nothing happened, so can I! It has been days since I'm seeing her in the campus. Kahit anong pilit kong mag-iba ng direksyon o kahit malayuan na ako ng lalakarin basta hindi lang siya makita, at the end of the day, nakikita ko pa rin siya. And her eyes! Were lifeless! As if hindi iba pagtingin niya sa akin dati!
"Ano 'yan? Marami bang mali?" Sumilip si Adam sa screen ng laptop ko. Nasa office kami ngayon ng The Codex.
"Wala," sagot ko at nagsimulang pumababa ang pagbasa ko.
"Pero nakakunot ang noo." Bumalik na siya sa upuan niya at magcheck ng mga nag-apply sa The Codex. "Day 2, 12 applicants. Not bad." Inayos na niya ang papers at nilagay sa folder. "Day 1, si Emerson lang ang nag-apply. Better things are coming talaga."
Nagsimula na call for applicants ng The Codex kaya palagi ko siyang nakikita sa Admin Building. Gustuhin ko mang iwan si Adam para magproseso ng papeles kaso ayaw ko namang iresponsable dahil lang apektado ako sa personal na bagay.
I need to be professional.
"Tangina." Naisipa ko ang lamesa pero hindi ko naman inakala na malakas pala ang sipa ko.
"Ano ba, Ags!" Halos nagkalat ang inayos niyang papel. "Kung may problema ka, makikinig naman ako eh!"
"Wala nga!" diin ko at tinulungan siyang mag-ayos.
"Ako pa niloloko mo!" Sinakal ulit ako ng gago.
"Wala nga! Kung ikaw naman may problema, pwede naman nating pag-usapan! Hindi 'yung pinapasa mo sa akin!" Pilit ko pang ilayo ang kamay niya sa akin dahil nasasakal na niya nga talaga ako.
"Ginagaslight mo pa ako!"
May kumatok bigla kaya napatigil siya sa sa pagsasakal sa akin.
"Hi.. andito na 'yung school calendar..." mabagal na bati ni Espresso habang may hawak na folder.
At may kasama pala siya.
Agad kong inayos ang sarili ko at magpanggap na walang nangyari. Para lang 'yung ginagawa niya.
"Hi Es! Hi Ti! Pasok kayo!" Pinasa pa ni Adam ang mga papel niya sa table ko para malinis ang magiging lamesa ng mga bisita niya.
Not mine.
"Es, gusto mo ba ng water? Coffee? Or me?" paglalandi ng isa.
"May coffee?" Lumiwanag ang mukha ni Espresso habang umuupo.
"Tama na. Nag-isang bote ka na ng kape," sabi ng kasama niya at umupo sa bakanteng upuanㅡbasta hindi sa harapan ko.
"Anyways. Nasa ibang org si Pres. Arth and hati kami ng pagdisseminate nito. Ito na pala 'yung school calendar." Nilapag na niya isang papel. "And since andito na rin kami, sino raw sa The Codex ang sasama sa Capitol? Para magawan na ng Special Order mula sa Office of the University President."

BINABASA MO ANG
Tipsy Tati
RomanceTatianna Madrigal is known as an outstanding gorgeous student at Gaius Central State University during the day and a lonely hopeless romantic at night. As every day goes by, that's how her life is?filling it with responsibility and a drink. While Ag...