Another long chapter dahil sinipag ako hahaha, enjoy! Thank you sa mga naghintay, commented, voted and added the story to their Reading List. So much appreciated! Especially to itsmecazza18 <3 Labyu, whoever you are, hahaha!
Also, I think malapit ng matapos itong story na 'to, ready na ba kayong saksihan ang pagtatapos ng love story ni Idiot at babae?
Ready to cry? Char.
Two weeks later...
Zack's POV
"Okay na ba itong ginagawa ko babae?" Inilapit ko sa kanya ang malaking mangkok kung saan ko nilagay ang mga dry ingredients, nagluluto kasi kami ngayon ng pancake. I mean nagpaturo pala ako sa kanya kung paano mag bake kaso mukhang mahirap pa na diretso agad kami sa cake kaya ito munang pancake dahil pinaka easy daw.
"Ekari! Look, I'm done with the batter for our cupcake. I did it! Perfectly!" Masama ko siyang tiningnan ng inagaw niya ang atensyon ni babae sa akin. Bulag ba itong bubwit na 'to kitang kita na ako ang naunang kumausap kay babae.
"Start putting that on the cupcake liner, make sure not to overfill or underfill." Blanko ang mukha na pagbibigay direksyon ni babae sa susunod na gagawin nong bubwit.
Humaba ang nguso ko at mas lalong sumimangot. "Babae, ako kaya ang unang nag tanong sayo hindi 'yang bubwit na 'yan!" Reklamo ko at dinuro itong batang babae na parang chucky doll naman sa suot niyang damit.
Maangas lang na tiningnan ako ni Lyla nakangisi pa siya na akala mo nanalo sa lotto, na mas lalong nag pa inis sa akin.
"Tsk. Did I say, once you're done mixing those you can add in the liquids." Saglit lang niya akong tiningnan bago ibinalik ulit ang sarili sa paggawa niya ng cookies. Si babae kasi ay piniling gumawa ng sa kanya which is cookies.
Mas lalong humaba ang nguso ko sa paraan ng pakikitungo niya sa akin.
"Stop disturbing her! What you're making is so simple, mister!" Mapang asar na banat na naman ng bubwit sa akin.
Pabagsak kung nilagay sa table ang hawak na mangkok. Mas lumawak ang ngisi ni Lyla at parang wala na ipinagpatuloy ang paglagay ng batter mix sa cupcake liners.
"Ikaw ang tumigil ha! Tsaka ba't ka ba nandidito hindi ka naman kasali." Sigaw ko sa kanya na nasa bewang ang dalawang kamay. Si babae kahit na sa pagitang naming dalawa nitong bubwit ay wala namang pakialam.
"Because Ekari Let me, and the kitchen's big for us!" Mataray niyang sagot sa akin. Itong batang 'to nakakalimutan siguro kung sino sa amin ang mas matanda.
Kahit gusto kung sabunutan ang bubwit pinili ko na lang na bumalik sa ginagawa. "Chollo!"
"Yes, young master!"
"Ibuhos mo ang iyong gatas at iba pang ingredients habang dahan dahan ko silang hinahalo, baka kasi sa bubwit ko mabuhos iyan, sayang naman." Pagpaparinig ko sa bubwit.
"Sige po!"
"Ekari! I'm done!" Masigla nitong sabi habang ipinakita kay babae ang gawa niya. Pwede bang itikom na lang niya ang bibig nakakairita kasi ang boses ng bubwit na 'to.
"Dapat naman kasi kaming dalawa lang ni babae ang gagawa ng ganito.." Pabulong kong reklamo na alam kong maririnig pa rin ng bubwit habang hinahalo ang laman ng mangkok. Sa lakas ng pag ikot ko ng spatula ay tumatalsik na pala sa damit ko ang ilan sa mixture.
Matalim kong tinapunan ng tingin ang bubwit na ngayon ay kumakanta pa talaga na nilalagay sa loob ng oven ang cupcake pan. Patayin ko kaya 'yang oven para hindi maluto ang mga nagawa niyang cupcakes, mwehehe!

BINABASA MO ANG
I GOT A CHILDISH HUSBAND
RomanceSa mundo ng mafia siya ay kinatatakutang makabangga ng sino man, sapagkat bihira ang ganitong pangyayari na babae ang maging isang leader ng pinakamalakas na pamilya at pamunuan ang napakalaking bilang ng kanyang sinakapukan, dahil sa angking talino...