Ella's POV
Namilog ang mga mata ko sa gulat. Sa pagkabigla nga ay nanigas ako sa kinatatayuan.
Motherfudge totoo ba to? Seryoso? Teka, teka asan ang camera ko? Baka magising na sila sayang ang moment.
Maingat kong hinalungkat ang dala kong handbag for that freaking phone. Okay, found it.
Kukuhanan ko na sana silang dalawa ng litrato pero hindi ko pa nga na buksan ang camera ng sumalubong na sa akin ang baril ni bossing.
Oops!
"Milady." Kinakabahan na tawag ko sa kanya kasabay ng naiilang na tawa. Paano ba naman nakatutok pa ang baril nito derekta sa akin habang nakapikit ang mata.
My ghad! Tumaas ata panandalian blood pressure ko, at hindi 'yon maganda para sa isang dyosa which is ako. Napako ang tingin ko sa lalaking hanggang ngayon ay mahimbing na natutulog, putek wag mong sabihin na ito ang asawa niya.
Infairness ang gwapo ng asawa ni bossing parang greek god.
Hindi pa nga umabot ng sampung segundo pagtitig ko sa asawa niya ay binaril na ako. Buti na lang nakailag kaagad ako. Shemay. Selosa ang lola niyo.
Kaya walang nagawa ang magandang si ako kundi ang tumakbo papalayo kay satanas.
Kung nagtataka kayo kung ganoon ko na lang ibinubuwis ang aking ganda para sa isang litrato, dahil isa lang naman yung kaganapang mangyayari sa buong buhay ni Queen na masasabi ko talagang napaka imposible. Ni hindi ko nga nahawakan yun eh.
Ganito kasi, kaya naman pala mahimbing ang tulog ng lola niyo dahil super yummy naman pala ng unan niya, charing lang. Nakahiga kasi si bossing sa dibdib nung lalaki tapos na ka akap pa siya at ang lalaki naman nakayakap din kay bossing. Mapapa sana all ka nalang talaga.
Bumaba na lang ako sa sala. Hintayin ko na lang na bumaba si Queen. Tamang scroll lang sa social media para maghanap ng pogi, dapat mala adonis para bagay sa dyosang ako.
Napaayos ako sa pagkakaupo ng marinig ang yabag ng mga paa na pababa sa hagdan, bumungad sakin ang reyna na bagong bihis at ligo. Walang emosyon ang mukha nito na naglalakad papasok ng kusina. Kaloka inisnab ang dyosa niyo.
"Ella." Tawag niya sa akin mula sa loob ng kusina.
Kaya agad akong tumayo at pumunta sa kung nasaan siya.
"Queen?" Pormal na sagot ko ng makarating sa tabi niya.
Naabutan ko siya na busy sa pagluluto. Napakarami naman atang himala ang nasaksihan ko ngayong araw. Nangangati na ang kagandahan kong kuhanan ito ng litrato. Grabe huli na ako sa balitang nagluluto pala ang reyna, teka haler may mga katulong naman.
Tiyak na mabenta mga litrato ni bossing baka pa nga aabot sa million kong isali ko sa auction.
"Stop spacing out. I'm not in the mood, Ella." Aniya habang patuloy na hinihiwa ang mga gulay.
"I'm sorry, Queen."
Delikado ang dyosa nakahawak pa naman ng kutsilyo si bossing, mahihirapan akong ilagan 'yan.
Nakatayo ako mga ilang steps mula sa kanya. Wala nga daw kasi siya sa mood kaya behave mo na ako ngayon.
"Call the headquarters to clean the mess and send team Dos for replacement." Utos niya.
Palihim akong napa lunok ng laway ng mag tama ang tingin namin ni bossing. Agad kong ibinaba ang tingin sa sahig. Nag tayuan mga balahibo ko sa katawan.

BINABASA MO ANG
I GOT A CHILDISH HUSBAND
RomanceSa mundo ng mafia siya ay kinatatakutang makabangga ng sino man, sapagkat bihira ang ganitong pangyayari na babae ang maging isang leader ng pinakamalakas na pamilya at pamunuan ang napakalaking bilang ng kanyang sinakapukan, dahil sa angking talino...