Nagyakapan sina Ino at Sho habang tumatalon. Ganoon din si Yuri na umakbay sa akin kaya nadadala niya ako. Malakas din ang sigaw nina Grey at Rhett. Matapos noon ay nag-group-hug kami habang umiikot. Hindi ko tuloy mapigilan ang tawa dahil pinanindigan na nga yata namin ang pagiging fanclub ni bugnutin.
Umabante siya para tanggapin ang medal trophy. Kinuhanan siya ng solo picture at mayroon din silang dalawa ni Noelle. Ang daming kinilig at iyong shippers nila ang nanguna sa tilian. Lalo na noong nag-instruct ang kumukuha ng litrato na magtalikuran habang nakatutok ang arrow sa camera.
Napatakip ako sa tainga noong lumapit ang mga nagsisigawan. Ang daming phones na nakataas para mag-picture sa dalawa. Kasama na roon sina Loren at Maxine na kinikilig din. Ito namang mga lalaki sa kabilang gilid ko ay naghahagalpakan. Nagbabawian pa ng hampas sina Sho at Yuri habang tumatawa. Ang lalakas talagang mang-asar ng mga ito.
Noong dumagsa ang mga lumalapit sa harap ay may mga kamay na humila sa akin papunta sa tabi. Nginitian ako ni Ino bago niya bulungan ang apat sa harap namin. Nilingon ako ng mga ito bago nagsitanguan.
Pagkatapos ay lumapit kami para mag-picture kasama sila. Binigay ni Noelle ang korona kay Loren at ang bulaklak kay Maxine. Gagayahin nga sana ni Ino kaya lang ay masama na ang tingin sa kaniya ni bugnutin. Pinalibutan na lang namin siya para makita sa picture.
Nabigyan din ng award ang strand namin dahil kami ang overall champions ngayong season. Malaki rin kasi ang puntos nitong pageant kaya ganoon. Nakuha ng basketball at table tennis players ang first place, habang ang natitira ay runner ups. Walang hindi pumasok sa finals.
"Pagod na pagod ako, 'tang ina."
Bumulagta si Sho sa sofa nang makarating kami sa dorm. Dito na naman nila naisipang tumambay kahit na ang usapan ay ihahatid lang nila ako. Nagpaiwan sina bugnutin at Ino dahil pinatawag sila ni Coach. Ang narinig ko ay may meeting daw kasama ang Volleyball Committee ng RISA. Kawawa naman ang mga 'yon. Pagod na pero may responsibilidad pa.
"Jaja, luto na tayo," aya sa akin ni Yuri habang sinusuri ang laman ng ref namin.
Humihikab akong tumayo at naglakad papunta sa kusina. Ganito na ang nakasanayan namin kapag nandito sila. Si Yuri ang katulong ko sa pagluluto ng ulam, si Sho ang magsasaing, sina Grey at Rhett ang maghahain, tapos si Ino ang maghuhugas. Hindi na nila pinakikilos si bugnutin para hindi ma-badtrip sa pambubulabog nila sa unit. Ang sama kasi lagi ng tingin noong isa kapag nandito sila.
Kapag sinabi Yuri na magluluto kami, hindi talaga ako kasali sa magluluto. Panonoorin ko lang siya para matutunan ko ang ginagawa niya. Marami kasi siyang alam na lutuin kaya nagpapaturo ako sa kaniya. Bukod sa nag-aaral sila ng mga ganito, mahilig talaga siyang magluto. Nag-bake nga kami noong nakaraan para ma-test niya ang recipe na tinuro sa kanila.
Mabilis na natapos ang niluluto ni Yuri kaya naghanda na rin sila para kumain. Wala pa rin iyong dalawa kaya nauna na kami. Napuno ng tawanan ang dorm noong i-play nila ang mga video mula kanina. May posts na rin kasi ang schoolmates namin na mutuals nila sa social media.
May video roon noong sumasagot si bugnutin sa Q&A. Sunod-sunod akong sumubo kahit parang nahihirapan akong lumunok. Inalis ko ang tingin sa phone at nag-focus sa pagkain. May tinatawanan na ulit sila na hindi ko na tinignan. Bigla akong nawala sa mood.
Nag-vibrate ang phone ko na nasa bulsa ng suot kong pajama kaya nilabas ko iyon. May message muka sa contact na hindi naka-save sa akin na ikinataka ko.
From: Unknown Number
Good evening, Jaden. This is Kiel's mom. May I ask if he's with you? Hindi kasi sumasagot sa messages ko.From: Unknown Number
I am Tita Kamila, by the way. :)

BINABASA MO ANG
Finally Found
Teen FictionA transfer student who is looking for a place to belong, finds an unexpected connection with his new dormmate-the Northern Ravens' ace, in search of the perfect setter to finally grasp victory-leading them to discover that sometimes the biggest win...
Seventeen
Magsimula sa umpisa