Lineysha's POV"Ano? sakit ulo?" Ang mapang-asar kaagad na boses ni Isaac ang bumati sa amin pagkagising, narito kami ngayon sa hapag nila Kelis para mag-agahan pero ito si Isaac ay walang tigil ang pagtutukso sa amin. "Muntik pa kayong magkaroon ng criminal record." Naiilang akong umupo.
"Here." Napatingala ako kay Zayn nang maglapag ito ng baso na may gatas sa harapan ko.
"Salamat..." Nahihiyang ani ko.
Nagsimula na akong maglagay ng pagkain sa plate ko kasi nagugutom na talaga ako. Habang naglalagay ay napatingin ako kay Asa na masayang naglalakad palapit sa amin nag hu-hum pa siya.
Nagtaka kaming lahat sa kaniya at nang makita niya kami ay natigilan siya at kinunutan kami ng noo.
"Bakit?!" Umupo siya sa upuan inalalayan pa siya ni Trix dahil muntik pa itong matumba dahil sa walang pagkakaingat niya na pag-upo dito.
"Saya natin ah," sarkastikong ani ni Saac.
"Sana ikaw rin," ngisi ni Asa at sumandok na ng pagkain.
"HD siguro panaginip nito." Lalong lumaki ang ngisi si Asa.
"You're being too loud it's so early in the morning!" Naiiritang ani ni Critzel, nagsimula na rin akong kumain habang pinapanood ang bangayan nila.
"May kasalanan ka pa sa'kin babe, 'wag mo 'kong ginaganiyan-ganiyan." Pinagtaasan ng kilay ni Critzel si Isaac.
"What?!" Hamon nito dito.
"Lumabas kayo ng hindi nagsasabi," mahinahong ani ni Isaac, hindi sinasabayan ang pagtataray ni Critzel. "Nabastos pa kayo."
"Don't blame it on us! Blame those jerks!" Bumuntong hininga si Isaac.
"I'm not blaming any of you, gusto ko lang sana na sa susunod magsasabi kayo sa amin nang sa gano'n ay hindi kami nabibigla at kahit papaano ay mabilis kaming makakasunod sa kaling may mangyaring masama," mahinahon na paliwag nito, nagui-guilty na tuloy ako. Hindi kasi kami talaga nakapagsabi at ayun ang mali rin namin lalo na at delikado ang labas sa panahon ngayon. "Paano kung may mas malala pang nangyari sa inyo? Alam niyong hindi ligtas ang mga kagaya natin sa labas." Kumunot ang noo ni Critzel.
"Kayo rin naman! Hindi rin kayo nagsabi!" Bumuntong hininga si Isaac at tumingin sa mga lalaking kaibigan, humihingi ng tulong.
"We texted each of you." Ani Trix. "We also told Kelis butler our whereabouts so that you'll know." Napayuko ako habang kagat-kagat ang tinapay sa bibig ko.
"OA niyo, kaya naman namin ang sarili namin!" Gatong ni Asa kaya napapikit ako, hindi matatapos ang usapan na ito hangga't walang sumusuko sa kanila.
"We're not being OA, we're just worried," sagot ni Trix sa tonong pilit na pinapaintindi ang punto nila, naintindihan ko naman sila, alam kong may kasalanan talaga kami.
"Zia oh!" Paghihingi ni Asa ng tulong kay Zia na abala sa paghigop ng kape at animoy walang pake sa nangyayari. "Zia!" Doon ay naagaw niya ang atensyon ni Zia.
"What?" Habang nakakunot pa ang noo ni Zia.
"Pinagagalitan nila tayo!" Mariing ani nito, ngumiwi lang si Zia at bumalik sa pagkain. "Eh!—" natigil lang si Asa nang makarinig kami ng yabag mula sa hagdan.

BINABASA MO ANG
Depth Of The Abyss
Fantasy(Theddeus Trilogy #3) "If I reign, will I be able to love?" Meízon had faced various challenges, fighting against monsters, gods, and goddesses. Finding out the truth behind their existence and powers, but despite all of that they still find comfort...