Lineysha's POV
Hindi pa tapos ang Olympic Games ay paalis na kami ng Academy, na una na sa amin sila Asa.
"Let's go." Lumabas na kami ng Academy. Habang naglalakad ay napahawak ako sa kwintas na suot-suot ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit naninikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang bawat daraanan namin.
"Neysha?" Napalingon ako kay Ciara na sumabay sa akin sa paglalakad. "Are you okay?" She asked worryingly.
"I'm just nervous.." pag-aamin ko, "and I don't know why."
"Ako rin, kinakabahan ako," nakangiting sabi niya. "Pero alam kong walang magandang maidudulot ang kaba ko, we just need to be confident, right?"
Confident..
Confident na ano? Na magtatagumpay kami sa misyon? Na mapipigilan namin ang pagbangon ng mga titans? O kung hindi man ay matatalo kaya namin ito sa laban?
Ngayong nagparamdam na ulit ang Olympians... ano na ang mangyayari? Tutulong ba sila? Tutulungan ba nila kami? Lalaban ba sila katabi namin?
Masyadong maraming katanungan ang nasa isip ko ngayon at kahit isa ay walang may kayang sumagot.
Nang makalabas na kami sa malaking gate ng Academy, muli pinagmasdan ko ang loob ng Academy.
"Babalik kami.." at sisiguraduhin ko iyan kahit walang kasiguraduhan ang kinabukasan na naghihintay sa amin.
"Tara na." Pumasok kami sa sasakyan, sobrang tahimik at walang nagsasalita. Papaalis na sana kami kaso biglang huminto si Harry sa pagd-drive. Gaya niya ay napalingon din kami sa likuran namin. "Dawn?" Nauna nang bumaba si Ciara at sumunod naman kami.
Si Dawn ang vice president ng fylaska, hinihingal ito habang nakadantay ang mga palad sa tuhod.
"Meízon!" Lumapit kami sa kaniya.
"Hey, what happened?" Ang maikling buhok ni Dawn ay tumatakip sa kaniya, pinagpapawisan din ito.
"May sasa—" ni hindi ito makapagsalita dahil sa hingal.
"Breath first," walang emosyong ani ni Zia. Binigyan namin ng oras ang oracle, alam kong oracle si Dawn pero hindi gaya ng mga matatagal ng oracle ay hindi pa ito gano'n ka bihasa.
"Si Rhea," sa wakas ay nakapagsalita na ito ng maayos, "'di ba sa temple niya kayo papunta ngayon?"
"Yes."
"Hindi na kailangan." Ngumiti ito ng malungkot sa amin. "May pinapasabi siya sa inyo, pinapapunta niya kayo kay Themis." Nagkatinginan kami. "Ang sabi niya ang titaness na iyon ay maaring makatulong sa inyo."
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa sinabi niya, "ang titaness, tutulong ba siya?" Tanong ko ngunit ang pagngiti nito ng malungkot ay nagdala na ng sagot sa akin.
"Wala siyang sinabi sa akin Lineysha, pero mabait ang titaness, 'wag tayo mawalan ng pag-asa." I forced a smile.
Nag-usap pa sila ni Ciara, at nagpasalamat kami bago umalis.
"Be safe, Meízon."
Matagal ang naging byahe namin dahil nagbago kami ng lokasyon, ngayon ay patungo na kami sa temple ni Themis.
Sa Denmark kami patungo ngayon. Zia arranged our flight already. Dahil nga sa biglang pagbabago ng pupuntahan namin ay isiningit niya na lang kami ng flight.
Nang makarating kami sa Denmark ay nagpahinga muna kami sa isang hotel dahil gabi na, bukas ay plano naming magpunta kaagad sa temple ni Themis.
Tumabi ako kay Zia na siyang nakaupo sa sofa at nagbabasa.
"Can't sleep?" Umiling ako at hinawakan ang kwintas sa leeg ko.
Napangiti ako habang ginagawa iyon. Simula nang maisuot ko ang kwintas na ito ay lagi ko na lang kinakalikot ang pendant nito.
At sa pagkakataong iyon ay lagi kong naaalala si Zayn, hindi ko alam kung papaano pero sa tuwing iisipin ko na pagkatapos ng lahat na ito ay siya ang makikita ko, nagagawa no'ng bawasan ang bigat na nararamdaman ko.
"Zia.." pagkuha ko sa atensyon nito, "bakit kaya sa Denmark ang temple ni Themis?" Huminto sa sa pagbabasa, tiniklop niya ang libro niya at umayos ng upo. "Dito pinaka malakas ang presensya niya." Ani ko.
"It was because Denmark is one of the country here in the world that can be consider the capital of Justice." Pinakinggan ko siya. "There's just two reasons, maybe because this country has the highest rate of justice or it was because Themis is here."
Tumango-tango ako nang maintindihan ko siya. "Kagaya ni Tethys, ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na puno ng anyo ng tubig kaya malakas ang presensya niya doon. Ngayon naandito tayo sa bansa na mataas ang rate ng hustisya."
"This country is amazing." Papuri ko.
"Indeed, if you want to live a life where justice could be serve immediately then live here in Denmark." She sounds like someone who's advertising. Kinuha niya na muli ang libro niya at bumalik sa pagababasa, hindi ko na siya inabala pa dahil alam ko ang pakiramdam kapag inabala ka sa tuwing nagbabasa ka at hindi maganda sa pakiramdam iyon.
..
Kinabukasan ay maaga kaming umalis ng hotel, ang tahimik talaag mg misyon namin na ito. Ganito pala kapag hindi mo kasama ang tatlo na laging nagbabangayan, nakakapanibago.
Habang nasa sasakyan ay pinagmasdan ko ang bawat madaraanan namin. Kahit na sa capital kami ng Denmark ay makikita mo pa rin ang malinis at magandang lugar, na parang disiplinado talaga ang mga tao, tahimik at wala basta-bastang nagsisisgawan at nag-aaway.
"We're here." Huminto kami sa tapat ng isang...
"Court?" Isang court justice, where some of the big trials in a country was being held.
"Let's go." Bumaba kami sa sasakyan. Dahil sa araw ay nagsuot ng shades si Zia.
Umakyat kami sa hagdan at nang papasok na kami sa loob ay may pinakitang card si Zia sa mga security guard, nang makita iyon ay pinapasok kami nito kaagad.
"Zia.." tumabi ako sa kaniya habang naglalakad. "Anong meron sa card mo?" Unti-unting may lumitaw na ngisi sa labi nito.
"Secret." I frowned.
Sumakay kami sa elevator may pinindot doon si Zia at lumipas ang ilang sandali ay bumukas na iyon at nauna itong lumabas, agad namin siyang sinundan.
Lumiko kami sa isang madilim na hallway at tinahak iyon. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ngunit nangunot na ang noo ko nang mapansing ilang minuto na kaming naglalakad ngunit hindi pa rin kami nakararating sa dulo nito, doon sa isang malaking pinto.
"Keep in your mind our destination." I followed Zia, inisip ko ang temple ni Themis bilang destinasyon namin.
At sa wakas matapos ang napaka habang paglalakad ay narating na namin ang dulo.
Pumusok kami sa isang court room na walang tao, tahimik ang lugar.
Sinundan namin si Zia na naglakad patungo sa harapan papunta kung saan naupo ang mga justices.
Nagtungo kami sa likuran no'n at humarap si Zia sa isang dingding. Nilapag niya ang palad niya sa dingding at tinanggal ang shade niya tsaka nag-iba ang kulay ng mata nito, nagkaroon ito ng ginto.
Nakaramdam ako ng pananaas ng balahibo nang maramdaman ang isang presensya na palakas na nang palakas.
Isang mahinang tunog ang siyang gumising sa akin. Ang dingding sa palad ni Zia ay bumukas ng bahagya.
"Great." Zia smirked and she pushed the wall open.
...

BINABASA MO ANG
Depth Of The Abyss
Fantasy(Theddeus Trilogy #3) "If I reign, will I be able to love?" Meízon had faced various challenges, fighting against monsters, gods, and goddesses. Finding out the truth behind their existence and powers, but despite all of that they still find comfort...