"Of course not." He said in an emotionless voice and it doesn't even convince me a bit.
"You are." Tumingin na lang ako sa harap at nanahimik.
"I'm not."
"Yes you do." Seryosong ani ko at humalukipkip. Napakunot ang noo ko nang bigla siya gumilid at hininto ang sasakyan. "Bakit-"
Natigilan ako nang lumingon ako sa kaniya at malapit na sa akin ang mukha nito.
"I'm not avoiding you." Mariing ani niya, napatingin ako ng direkta sa mata niya at sa hindi malamang dahilan ay para bang naghahabol ako ng hininga dahil sa malakas na kabog ng dibdib ko.
At para akong nanigas sa kinauupuan ko nang pisilan niya ang pisngi ko.
"I'll never avoid you Asa, I'll never do that." Ani niya at sa pagkakataong ito ay maamo siyang nakatingin sa akin at parang gusto kong maiyak sa tingin na iginagawad niya sa akin.
"Hindi mo ako iniiwasan?" Tanong ko sa mahinang boses.
"Hindi," natatawang ani niya at ginulo ang buhok ko, napasimangot ako.
"Bakit ang tahimik mo at cold?" Sandali siyang natigilan tapos natawa na naman.
"May iniisip lang." Umayos na siyang muli ng upo at nagsimula nang magdrive.
"Ano iniisip mo?" Tanong ko at simula no'n ay hindi ko na siya tinigilan, may mga pagkakataon na nanahimik lang siya pero madalas ay sumasagot na siya sa akin at kinakausap ako.
Effective naman pala ang pag-iinarte ko kanina eh!
Tutok lang siya sa pagd-drive hanggang sa matunton na namin ang palengke, hindi gaya ng kabilang bayan ay masigla ang nga tao dito at abala, madaming tao.
"F*ck!" Marahas ang ginawang pagpreno ni Trix nang biglaan na lang may tumawid na bata sa daan. Nanlaki ang nata ko at napahawak sa dibdib.
"Trix naman!" Mabilis akong lumabas ng sasakyan at pinuntahan ang bata.
"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ko at tiningnan ang kabuoan nito, at gano'n na lang ang ginhawa ko anng makitang wala itong sugat.
"A-yos lang po.."
"Sige-" natigilan ako nang makita ng maiigi ang mukha nito, mukha siyang pamilyar...
"Hannah!!" At para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang boses na iyon.
Ilang taon na ba....
Ilang taon na nang huli kong marinig ang boses na iyon? Mahigit dekada na..."You! How many times do I have to tell you to stop running around?!" Nanatili akong nakatalikod mula sa kaniya, hindi alam ang gagawin.
"Asa." Mula sa kabilang dako ay lumitaw si Trix nagtataka sa itsura ko
Umiwas ako ng tingin nang maramdaman ko ang panunubig ng mata ko."Asa?" Agad na lumitaw ang hindi pamilyar na takot sa dibdib ko.
"T-tara na-"
"Sandali!" Paalis na sana ako ngunit pinigalan ako ng babae sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko. "Asa? Ikaw ba 'yan anak?"
Anak..
Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko nang hindi humaharap sa kaniya.
"Trix let's go." Paalis na sana kaming muli kaso ay bigla na lang nagpunta sa harapan ko ang babae at dahil doon ay natigilan ako.
"Ikaw nga!" Napatitig ako sa mukha nito, malaki ang ngiti sa labi niya at sa itsura niya mukhang maginhawa siyang nabubuhay. "Asa.." hindi ko alan kung namamalik mata ba ako pero nakita ko ang pagningning ng mata niya at panunubig noon.
Umiwas ako ng tingin nang maramdaman ang paninikip ng dibdib ko.
"Anak ko..." My jaw clenched hearing her.
"Hindi mo ako anak." Mariing ani ko, tumalikod ako sa kaniya at natigilan nang makita ko ang mga anak niya.
"Ikaw po ba si ate Asa?" Napatingin ako sa bata na kamuntikan na naming masagasaan kanina, inosente itong nakatingin sa akin at para banag makokonsensya ka sa sandaling hindi mo siya pansinin. "Kayo po ba 'yung ate ko?" Nakangiting tanong nito at gano'n na lang ang kirot ng dibdib ko.
Pasimple kong pinunasan ang luhang tumulo na sa pisngi ko.
"Lagi po kayong kinukwento sa akin ni Mama!" Nagmamalaki ang boses nito, "matangkad nga po kayo! Gusto niya po akong maging matangkad kagaya niyo! Tapos ang ganda niyo pa!" Galak na galak na kwento nito.
"Asa pwede ba tayong mag-usap?" Hindi ko pinansin ang babae. Tumingin ako sa bata at pinisil ang ilong nito.
"Aalis na ako, pakabait ka hah?" Lumapit na ako sa sasakyan at nagtama pa ang paningin namin ni Clark na nasa kabilang dako ng kalsada, nakatingin ito sa amin at pinapanood kami.
"Asa, please let's talk." Walang pasabing pumasok ako sa sasakyan at hindi na pinansin ito, nakita ko naman na agad na sumunod si Trix sa akin.
"Umalis na tayo T-trix.." my voice broke, and when he started driving I could not take it anymore.
Nasapo ko ang mukha ko at umiyak sa palad ko.
Ang mama ko...
...

BINABASA MO ANG
Depth Of The Abyss
Fantasy(Theddeus Trilogy #3) "If I reign, will I be able to love?" Meízon had faced various challenges, fighting against monsters, gods, and goddesses. Finding out the truth behind their existence and powers, but despite all of that they still find comfort...
XXIX: Met Again
Magsimula sa umpisa