"Colleen, magka-canteen ka?" Umiling ako bilang sagot sa tanong ni Elle. "Okay, una na kami." Ibinalik ko ang aking atensyon sa mga gamit ko.
Pagkatapos magligpit ay umalis na ako sa building namin. Magkikita kami ngayon nila Alynna sa open area.
Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang GC namin para tingnan kung nandoon na ba sila.
ABCD Squad ✨
Bea 🦄
MGA BEBE KO WER NA UUUUULia 🐻
Secret walang clueBea 🦄
Nye nye nye 😝😝😝Aly 🐶
Papunta naaaaNang makarating ako sa open area ay agad ko silang hinanap. Hindi pa gaanong marami ang nandito pero hindi ko pa rin sila mahanap.
ABCD Squad ✨
Lin 🐰
Nasaan kayo?Bea 🦄
NAND2 NA KAMIIII, SA MAY BANDANG DULOO, IKAW?Lin 🐰
Hindi ko kayo makitaLia 🐻
Baka nakapikit ka maamAly 🐶
HAHAHAHAHA dilat ka rawHuminga lang ako ng malalim bago muling luminga. Naglakad ako papunta sa may dulo dahil sabi ni Bea ay naroon daw sila. Saglit akong tumingin sa screen ng cellphone ko dahil nag-chat sila ulit.
"Gagi sorry!"
"Sorry," Halos sabay na sabi namin ng isang lalaki, nagkabanggan ang mga braso namin.
Hindi niya inalis ang tingin sa akin. Hindi ko maipinta ang mukha niya kaya bahagya akong nailang. Umiwas na ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.
"Ayun! Lin, dito!" Huminga ako ng malalim pagkarinig sa boses ni Beatriz. Sa wakas, nagkita na rin kami.
"Kumusta kayo? Grabe sobrang busy natin nitong mga nakaraang araw. Kahit magkakasama lang tayo sa dorm, hindi na natin nagagawang makapag-usap!" Sabi ni Alynna.
"Omsim. Kapagod na mag-aral." Sabi ni Dahlia.
"Gusto ko nang mahiga sa kama please! Ang sakit na ng batok at likod ko kaka-drawing!" Sabi ni Beatriz.
"Oo nga eh! Hindi na ako masyadong nakapagsulat ng notes kanina sa lesson dahil ang sakit na rin ng kamay ko."
"Oy ma'am, kaya pa ba today?" Tanong sa akin ni Dahlia.
"Oo." Sagot ko.
"Sheesh that's my idol! Paturo paano kayanin Lin!" Tumatawang sabi ni Bea. Bahagya kong iniunat ang braso ko at tinuro siya. Nagtawanan naman silang tatlo sa ginawa ko. Agad kong binaba ang braso ko. Ang corny.
"Shet nakaka-proud!" Sabi ni Dahlia. Tawa pa rin sila nang tawa. Hinahampas-hampas pa ni Beatriz ang lamesa habang si Alynna ay nakahawak na sa kaniyang tiyan.
"Tawang-tawa naman kayo."
"Tara, bili tayo merienda," Aya ni Dahlia. "Nag-crave ako bigla ng fries pota,"
"Ako rin!" Sabi ni Beatriz. "Arat!"
"Dito na lang muna ako. Bantay sa gamit." Sabi ko.
"Same!" Sabi ni Alynna.
"Okay! Tara na Lia bagal mo,"
"Wow ha,"
Inilabas ko sa aking bag ang isang libro. Ang tagal ko nang binili nito pero ngayon ko pa lang mababasa.
"Ano 'yan Lin? Fictional?" Tanong ni Alynna. Bahagya siyang lumapit para mas makita 'yong libro.
"Oo. Sci-fi."

BINABASA MO ANG
Between the Lines: Unfinished
RomanceElysian Series #2 Colleen Reyes, an ambitious Education student, and Heinz Elario, a free-spirited aspiring Dentist, find themselves drawn to each other despite their contrasting personalities. Their shared dreams for the future are threatened by th...