抖阴社区

04

7 1 0
                                    

Disclaimer: contains spoilers from a part of James Dashner's Science Fiction trilogy, The Death Cure.


"Mas matagal ka pang nasa library kaysa sa dorm natin!" Tumatawang sabi ni Beatriz. Narito kami sa open area, kumakain ng tanghalian. "Ang sipag mo mag-aral!"

"Oo nga, sana all!" Sabi ni Alynna.

"Goal in life ni Lin, talunin si Einstein." Sabi ni Dahlia dahilan para tumawa 'yong dalawa.

Mas napadalas ako sa library dahil kay kuya Heinz, pero hindi ako umaangal. Natutuwa nga ako dahil mas ginanahan pa akong mag-aral. Kapag naman nawawalan ako ng gana ay gumagawa na ako roon ng requirements. Samantalang noon, naglalakad-lakad lang ako sa campus at sa bahay na gumagawa.

Oktubre na. Malapit na ang prelim. At pagkatapos no'n ay Foundation Anniversary naman ang aasikasuhin. Pero wala raw task na in-assign sa club namin, tutulong na lang daw kami sa iba kaya hindi ako namomroblema roon.

"Hi lods," Hindi na ako nag-abalang tingnan pa kung sino iyon. Kilala ko naman na. "Nag-aaral ka pa rin?"

Nakalimutan ba niya? "Prelim."

"Sus, prelim lang 'yan. Hindi ba sumasakit ang ulo mo niyan? Pati mata? Araw-araw ka 'atang nagbabasa," Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa. Mukhang nakaramdam naman siya na ayaw ko ng istorbo dahil hindi na niya ako kinausap.

Nang matapos ako ay napunta sa kaniya ang atensyon ko. May nilalaro siya sa cellphone niya. Bakit pa siya tumambay rito kung hindi naman pala siya mag-aaral? Dumapo rin ang tingin niya sa akin at bahagyang ibinaba ang hawak.

"Bakit?" Tanong niya. Habang hinihintay ang sagot ko ay sinusulyapan niya ang screen ng cellphone. "Naglalaro ako ng Roblox, Obby. Pakitaan kita," Umayos siya ng puwesto para mapanood ko siya habang naglalaro.

Hindi naman ako maalam doon pero mukhang madali lang laruin. Nagkatinginan kami nang malaglag siya at mamatay ang character niya. Nagpeke siya ng ubo at bahagyang umiwas ng tingin.

"Pasmado lang kamay ko. Isa pa," Naglaro siya ulit. Nalagpasan niya iyong isa pero namatay siya ulit sa sumunod. "Tinulak kasi ako!" Sigaw niya. Nagtinginan ang mga tao sa amin pero ang matalim na tingin ng librarian ang napansin ko. "Sorry!" Bulong niya. Nag-peace sign pa siya.

Napailing na lang ako at binuklat ang isa ko pang libro. Nabaling nanaman ang atensyon ko sa kaniya nang gawin niyang tambol ang lamesa at iyong libro ko. Mahinhin lang iyon pero dahil tahimik sa paligid namin ay nakuha pa rin ang atensyon ko.

"Sa likod ng mga tala, kahit sulyap lang darna," Pabulong na kanta niya. Naggigitara naman siya sa ere ngayon.

Bahagyang nanlaki ang mata ko nang lumakas ang pagtatambol niya. May suot siyang headset kaya paniguradong hindi niya alam na nagsisimula na siya ng ingay. Tinapik ko ang kamay niya nang hindi pa rin siya tumigil. Agad naman siyang huminto at inalis ang headset niya.

"Maingay,"

"Ay, sorry,"

Ipinagpatuloy ko na ang pagbabasa. Nang matapos ay dumungaw ako sa bintana. Malapit nang lumubog ang araw. Tiningnan ko ang lalaking katapat ko habang nagliligpit ng mga gamit. Nakahalumbaba siya, nakatingin sa gilid, papikit-pikit na ang mata.

Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Gigisingin ko ba siya o iiwanan ko na lang dito? Mukhang mahimbing na ang tulog niya ngayon. Puyat ba siya? Mapapagalitan siya ng librarian kapag nakita niyang natutulog siya. Puwede ko naman siyang takluban, pero gusto ko na ring umuwi.

"Kuya Heinz," Kalmadong sabi ko habang tinatapik ang kamay niya. Nang maimulat niya ng maayos ang mga mata niya ay tumayo na ako. "Mauuna na po ako."

"Sabay na ako," Nanatili akong nakatayo. Dali-dali niyang inimis ang gamit niya at tumayo na rin. "Uuwi ka na?" Tanong niya pagkalabas namin ng library. Tumango ako bilang sagot. "Hatid na kita sa gate,"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

? Huling update: May 10 ?

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Between the Lines: UnfinishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon