抖阴社区

03

8 1 0
                                    

Disclaimer: contains spoilers from the Science Fiction trilogy of James Dashner, The Maze Runner, The Scorch Trials, and The Death Cure.


"Nakaka-stress 'yong Glade," Natatawang sabi niya. Bahagya akong napangiti. Totoo. "Nakakatakot din 'yong Grievers at 'yong Maze; nag-iiba kasi... Sinong favorite character mo?"

"Si Newt."

"Ah oo! Si Newt! Bet ko rin 'yon, eh."

"Ikaw po?"

"Si Newt din! Gusto ko rin si Minho, ang angas kasi." Tumawa siya. "Ang sassy." Mas tumawa siya roon. "Tsaka si Chuck! Nacu-cute-an ako sa kaniya! Nakakainis nga dahil namatay siya! Nabi-bwisit ako kay Gally, ang bobo mag-aim." Napangiti ulit ako.

Binasa niya talaga...

Tumango ako. "Siya 'yong second favorite ko."

"Hayst. Gusto ko na basahin 'yong The Death Cure." Mas lumawak ang ngiti ko. Hindi ko pa siya kilala kaya hindi ko alam kung paano siya magre-react sa librong 'yon pero pakiramdam ko ay iiyak siya.

Hindi naman ako umiyak, pero nalungkot ako. Paborito ko pang character ang namatay.

"Natulog ka po ba?" Tanong ko nang mapansin ulit ang mata niya.

"Ah..." Bahagya siyang tumawa at pasimpleng tinakluban ang mata. "Oo naman,"

"Sa bakasyon mo na po basahin 'yong pangatlong libro."

"Bakit? Spoil mo ako!"

Umiling ako at bahagyang ngumiti. "Mawawala 'yong thrill." Napatingin ako sa wrist watch ko nang mapansing madilim na pala. "Gabi na po. Mauuna na ako." Kinuha ko ang gamit ko at tumayo na.

"Hatid na kita," Tatanggi na sana ako nang magsalita siya ulit. "Hanggang diyan lang sa gate," Ngumiti siya. Naglakad na ako papunta sa gate at hinayaan siyang sumunod sa akin.

Nag-text ako sa GC na hindi ko na sila mahihintay pauwi.

"Diretso ka na pauwi?" Tanong sa akin ni kuya Heinz.

"Hindi pa po." Sagot ko, hindi nakatingin sa kaniya.

"Saan ka pa pupunta?"

"Bibili po ng hapunan namin."

"Naka-dorm ka ba?" Tumango ako. "Hatid na kita ro'n?"

"Huwag na po." Bahagya akong nailang.


Pansin ko naman sa kaniya na wala siyang masamang intensyon pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mailang. Hindi ko pa rin siya lubusang kilala, 'no, mahirap na.

Mabuti na lang at hindi na siya nagpumilit na ihatid ako. Kinawayan niya ako pagkalabas ko ng gate pero hindi ko na siya pinansin. Inabutan kong pasara na ang karinderyang binibilhan namin pero dahil suki na nila kami ay pinagbigyan akong bumili pa rin.

"Salamat 'ne!" Tumango ako.

Hindi sa kanila ang puwesto kaya kahit may paninda pa ay mapipilitan silang magsarado sa napakasunduang oras. Kaya nagpauna na rin akong umuwi, para makabili bago sila magsara.

Pagkarating sa kuwarto namin ay humiga muna ako saglit sa kama ko para mamahinga. Wala naman akong ginawa ngayong araw pero pagod na pagod ang pakiramdam ko. Bumangon din ako pagkalipas ng ilang minuto at kumain na ng hapunan. Pagkatapos no'n ay gumawa na ako ng mga requirements na ibinigay sa amin kahapon. Maaga akong natapos kaya pati iyong due sa susunod na araw ay ginawa ko na rin.

Magkakasamang umuwi 'yong tatlo, halata sa mukha ang pagod—maliban kay Beatriz. Ang taas pa rin ng energy niya.

"Kumain na kayo." Tinuro ko ang pagkain sa lamesa.

Between the Lines: UnfinishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon