抖阴社区

Kabanata 9: Kapit Lang

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sana naman kung pupurihin mo 'yong luto ko ay wala kang pahabol na lait." Natatawa kong biro bago sumubo ng kanin.

"It's not an insult." He answered and chuckled.

"Sakto lang sa prelims. May dalawang exam pa ako bukas bago makalaya sa hirap. Mamaya ay magre-review ako." Sagot ko sa kaniya. "Ikaw, kumusta prelims?"

"It was okay. Nahirapan lang ako sa Calculus, but I think I can still pass the exam." Paliwanag niya sa akin. Yabang. E 'di siya na genius.

Hindi na ako nagtangka na itanong kung totoo ba 'yong mga post patungkol sa kaniya dahil mukhang hindi pa siya komportable pag-usapan ito. Bahala siya, mag-open up na lang siya kung gusto niya ng kausap, mukhang kaya pa naman niya i-handle.

Matapos kumain ay saglit lang din akong nag-workout bago nag-review ngayong araw. Halos inabot din ako ng ala-una dahil sa paggawa ng reviewer at sa dami nang kinabisa ko.

***

NATAPOS na sa wakas ang prelims exam, mapapahinga na rin ang utak ko kakabasa at kaka-review. Sunod ko na poproblemahin ang mga pagluluto at baking na gagawin namin sa mga susunod na araw. Lintek na buhay, saan ko na naman kaya huhugutin ang pambili ng materials at ingredients no'n?

Nahihiya naman din akong manghingi kanila mama kahit alam kong bibigyan naman nila ako. Sila na nga ang nagbabayad ng upa, tuition, kuryente, pati allowance ko dito. Pati ba naman sa mga gagamitin ko? Manghihingi ako kapag walang-wala na.

Nakasakay ako sa jeep at gumagawa ng matinding desisyon sa buhay— kung deserved ko ng Minute burger ngayong araw.

Sabi ng puso ko ay deserved ko ang burger dahil nairaos ko ang isang buong linggo na puro exam. Deserved ko 'to dahil sa araw-araw kong pagre-review at mukhang naipasa ko naman ang lahat ng subjects.

Sabi naman ng utak ko ay wala na akong pera.

Ang ending ay nanalo ang puso ko. Aba! Hindi ko naman siguro ikakahirap ang singkwenta pesos na burger. Buy one take one pa.

Nasa tapat lang naman ng Sun Residence ang Minute Burger kung kaya't pagkakain ko ay rekta uwi na rin ako para hindi na mapagastos pa.

"Hello, ate." Umupo ako sa mataas na swivel chair ng Minute Burger. "Isang Black Pepper Burger nga po."

Mabilis na kumilos naman si Ate para mailuto ito. Habang naghihintay ako ay nag-scroll muna ako sa social media. "Akalain mo 'yon, ilang araw na ang nakakalipas pero bina-bash pa rin si Noah."

Ito naman kasi si gago, walang statement man lang na pinost sa social media. Kung nag-cheat nga siya, e 'di mag-public apology. Eh kung mali 'yong judgment sa kaniya e 'di mag-explain. Pero sa bagay, wala naman siyang utang na eksplenasyon sa lahat.

Bilang isang mabait na roommate ay ginagawan ko na lang siya ng breakfast minsan bago ako umalis para i-init niya na lang sa microwave. Minsan oatmeal, minsan bread na may palamang itlog at ladies choice. Basta mapagaan man lang ang loob niya. Baka isipin niya ay kalaban niya na ang buong mundo sa sitwasyon niya kung hindi pa ako magmamalasakit

Nagulat ako noong biglang may tumabi sa akin at napatingin sa kaniya— si Noah.

"Ate isang Bacon Cheese Burger." sabi niya sa tindera at napatingin sa akin. "So you are also updated with that?" He asked.

Bumaba ang tingin ko sa cellphone, naka-flash pa 'yong litrato ni Noah na nakikipaghalikan sa bar. Mabilis kong pinatay ang screen ng phone ko. "Nadaan lang sa feed." Paliwanag ko.

"It's okay, talk of the town naman 'yang issue na 'yan." Pagsasawalang-kibo niya at nagbitaw ng malalim na buntong hininga. "At least I have burgers." Turo niya sa Buy 1 take 1 na pine-prepare ni Ate.

The Story of Unit 24-CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon