抖阴社区

Side Story 2: Dominic X Marcus

2K 87 38
                                    

Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you!

————

PINAGMASDAN ko sa huling pagkakataon ang sarili ko sa repleksyon ng salamin bago ako pumunta ng Fatwave para kitain si Dom. Naligo lang ako saglit dahil ramdam ko ang baho ko na dahil sa usok at basa na rin ng pawis ang bandang likuran no'ng damit kong suot kanina dahil sa tindi ng sikat ng araw dito sa La Union.

I am just wearing a blue vest na pang-summer ang datingan at nakasuot lang ako ng taslan shorts kung maisipan ko man mag-swimming. Bumawi na lang ako sa accessories na puting necklace at anklet para bumagay sa outfit ko. I smiled. I looked presentable.

Kagaya nang sinabi ni Dom, ako 'yong tipo ng tao na organized na ang gamit kapag magta-travel. Alam ko na ang susuotin ko from day one to day three dahil nahanap ko na ang panggagayahan ko sa Pinterest. Nakalagay din sa pouch ang toiletries ko na maayos na nakasalansan sa bag.

Ayoko kasi 'yong hanggang sa gamit ay i-i-stress-in ko pa ang sarili ko. I want my first solo trip go smoothly. Maliit lang din ang kuwarto na ni-rent ko sa Airbnb, sapat lang para sa isang tao.

May isang kama, at maliit na table, may veranda na may magandang vuew ng beach, may malinis na CR at okay na iyon. Tutulugan ko lang din naman at mas madalas naman akong gagala sa labas.

Chineck ko ang oras sa cellphone ko at 2:50PM na. Lalakarin ko pa papuntang Fatwaves kung kaya't saktong alas tres lang din ako makakarating doon. Naglagay muna ako ng sunblock sa katawan at mukha bago tuluyang lumabas.

Wala akong dala sa paglabas ko kung hindi cellphone at wallet ko. Hindi ako fan noong maraming bitbit kagaya ng tote bag kapag aalis. Ang gusto ko, kung ano lang ang kasya sa bulsa ko ay iyon lang din ang dadalahin ko.

Paglabas pa lang ng airbnb ay tumama sa balat ko ulit ang mainit na sinag ng araw. Mas presko ang hangin dito sa La Union kumpara sa Maynila dahil kalapit lang nito ang dagat. "Happy birthday naman talaga, Marcus." Pagkausap ko sa sarili ko at sinimulang maglakad.

Habang naglalakad ako ay iniisip ko kung counted pa ba ito as solo travel dahil may kasama ako hanggang last day ko rito sa elyu. Iniisip ko hindi na siya solo PERO! hindi ko naman din talaga kilala si Dom ng friend level. Parte naman ng solo travel experience ang makakilala ng stranger.

Pagdating ko sa Fatwaves ay may ilan nang nakatambay dito para antabayanan ang sunset (maganda kasi ang puwesto ng kainan). Nabubusog din ang mata ko sa dami ng nakikita ko. Sa wakas! May dagat na rin akong nakita, may kakaibang peace talaga na bitbit ang tunog ng alon.

Umikot ang mata ko sa restaurant para hanapin si Dom.. Biglang may lalaking nagtaas ng kaniyang kamay. I saw Dom, na nakaibang bihis na rin. He is wearing a fitted gray sando at puting pants, he is also wearing shades panlaban sa sinag ng araw.

"Aga mo, ah. Excited ka makita ako?" Sabi ko sa kaniya at umupo sa katabi niyang beanbag. Maganda ang puwestong naupuan ni Dom dahil kaharap nito ang dagat at may lilim din galing sa malaking payong.

"Ulol mo. Gutom na ako kaya nauna na ako dito." Sabi niya sa akin at natawa ako. "Nauna na akong um-order, ah. Dapat ay i-o-order kita kaso baka mamaya hindi mo naman magustuhan ang i-order ko sa 'yo, kasalanan ko pa." Natatawa niyang sinabi at humigop sa mango juice niya.

Tumingin ako sa menu para pumili nang makakain. Ramdam kong may mga matang napapatingin kay Dom sa mga napapadaan sa Fatwaves mapababae man o lalaki. Hindi naman kasi talaga na may hitsura itong taong kasama ko. Kaya nga napatitig ako sa kaniya sa terminal pa lang ng bus, eh. Ang tanga lang noong nang-iwan sa kaniya, good catch na 'tong taong 'to.

"Beef tapa ako tapos watermelon juice." I raised my hand para sabihin sa staff ang order ko na agad naman nilang kinuha. "Ano 'yang in-order mo?" Tanong ko.

The Story of Unit 24-CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon