抖阴社区

Epilogue

6.4K 322 153
                                    

EPILOGUE
TAHANAN BY NICA DEL ROSARIO

NASA El Nido kaming dalawa ni Noah para magbakasyon ng ilang araw. Medyo nakakapagod na din kasi sa Manila. Lord binabawi ko na 'yong sinabi kong ready na ako maging alipin ng salapi, ayoko na ulit mag-work. Gusto ko na lang ulit mag-aral. Parang sumasahod lang ako buwan-buwan para magbayad ng bills.

"Baby," Nabigla ako noong kinalabit ako ni Noah na katabi kong matulog sa kama.

"Hmm..."

"Gising ka pa?" Tanong niya sa akin. Ano na naman ang trip nito sa buhay? Anong oras na kaming nakauwi kanina dahil sumama kami sa island hopping kanina. May mga isla pa kasing hindi napupuntahan si Noah na gusto niyang makita. Ito, ang ending ay pagod na pagod ako. Hindi makakilos mag-isa, parang baldado.

"Tulog na. Kanina pa." Inaantok kong sagot dahil nakakakuha na ako ng tulog kanina, eh. Bigla niya lang akong kinausap.

"Huwag ka muna matulog, Kelvs." Sabi niya.

Humarap ako sa kaniya at inis siyang tiningnan. "Ano na namang trip mo sa buhay? Kapag may gusto ka na naman gawin ng dis-oras ng gabi ay bibirahin talaga kita." Banta ko sa kaniya.

Paano ba naman, may time na bigla niya ako ginising ng hating-gabi... mag-scooter daw kami sa BGC, masaya raw 'yon. Ayon dumayo pa kami ng BGC para lang mapagbigyan siya. May time naman na ginising niya ulit ako ng alas-onse ng gabi, mag-Stargazing daw kami sa Antipolo... ayon, nag-glamping naman kaming dalawa sa Antipolo. Ang hilig niya sa mga spontaneous trip, ewan ko rin ba sa sarili ko dahil lagi ko naman siyang pinagbibigyan.

"Huwag ka muna matulog." Sabi niya at binuksan ang laptop.

"Ano 'yan, movie night?" Tanong ko at umupo sa kama.

"Lumabas na 'yong result ng Board Exam. I am kabado." Nawala rin ang antok ko. Maging ako ay kinabahan para sa kaniya.

Ginawa nga ni Noah na pagka-graduate niya ay nag-take kaagad siya ng board exam. Puspusang aral ang ginawa niya dahil dalawang review center ang ina-attend-an niya, pagkatapos no'n ay nag-aaral pa siya sa bahay, tapos bumibili pa siya ng mga kung ano-anong materials online na makatutulong sa pagre-review niya. Hinayaan ko nga siyang maging makalat sa kuwarto kahit iritang-irita 'yong mata ko dahil organized mess daw 'yon. Ang daming alam.

Tapos nagpahula pa 'yan sa Quiapo kung papasa siya, ang hula ay hindi. Ayon nagmukmok ng isang buong gabi.

"Check mo na." Umupo ako sa tabi niya at in-open niya ang browser para ma-search 'yong list ng mga passer.

"What if I don't pass?" He asked me at ramdam ko ang pagkuyakoy ng kaniyang binti. Halatang kabado nga siya.

Hinawakan ko ang kaniyang kamay. "E 'di bawi next year. Ang dami rin naman na hindi pumapasa ng first take lang. There is always next year." I smiled

"Hindi mo ako iiwan kahit bobo ako?" He asked sa pabebeng tono. Sarap tadyakan.

"Noah, nakilala kitang bobo. Matagal na kitang tanggap na ganyan ka." Sagot ko sa kaniya at bahagya akong natawa. "Check mo na 'yong site."

Nag-i-scroll na siya sa listahan ng mga pasado. Nag-i-scan siya mula sa letter A hanggang papunta sa letter F. "I can't. Fuck. I am nervous." Sabi niya at tumayo. Nagtatalon-talon siya para mawala ang kaba sa katawan niya.

"Gusto mong ako ang mag-check?" Tanong ko sa kaniya. Moment niya 'yan, eh. "Ganito na lang, kapag wala 'yong pangalan mo dito ay bili na lang tayong ice cream sa labas."

"Okay, deal. Ikaw na baby ang tumingin." Ramdam ko ang kaba kay Noah

Fatima...

Fajardo...

The Story of Unit 24-CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon