KABANATA 37: DIYAN KA LANG
DIYAN KA LANG BY BINI"NOAH, matagal ka pa riyan!?" Malakas kong sigaw at kinatok ang pinto ng banyo. Bumalik ako sa kusina para ituloy ang niluluto kong breakfast naming dalawa. "'Yong rider kanina pa tawag nang tawag! May parcel ka sa lobby!"
"Yah, I am almost done!" He shouted back at napabuntong hininga ako.
"Kanina pa 'yang almost done mo na 'yan!" Sigaw ko ulit sa kaniya dahil limang minuto na yatang nasa baba si kuyang rider. "Kapag ikaw napagalitan na naman sa frontdesk, bahala ka talaga sa buhay mo." Sagot ko sa kaniya at inilagay sa pinggan ang niluto kong hotdog at itlog na siyang almusal naming dalawa.
"Gusto mo bang bumaba ako only wearing towel? Puwede naman." He answered.
"Gawin mo, puro ka amba!" Sigaw ko at naglagay ng kanin sa pinggan. Ako pa ang tinakot ni tanga, siya naman 'tong mapapahiya. Sino bang may pangalan sa aming dalawa.
Nabigla ako noong biglang bumukas ang pinto ng banyo at tanging tuwalya nga lang ang nakatapis sa kaniyang pang-ibaba at puro bula pa ang ulo. Mukhang hindi pa nakapagbanlaw ng maayos.
"Hoy! Bumalik ka nga doon." Itinulak ko siya pabalik sa banyo at tinawanan lang ako ng mokong. Aba! Seryoso nga ang buwisit. "Magbanlaw ka nga ng maayos. Ako na ang bababa sa lobby."
Hindi na yata mawawala ang ganitong senaryo sa araw-araw naming buhay ni Noah. Hindi buo ang araw niya nang hindi niya ako napipikon. Katulad kahapon, umaga ko inutos na itapon niya ang basura sa garbage dump sa 24th floor pero pag-uwi ko ay nandoon pa rin 'yong basura. Ako pa ang gumawa.
"Akin na 'yong wallet mo." Sigaw ko ulit at kinuha ko ang wallet niya na nakapatong sa makalat niyang study table. Alangan ako pa ang magbayad niyan, asa siya.
I also grabbed Noah's phone para masagot ang tawag ng Driver. Nakakaawa na si Kuya dahil halos sampung minuto na siyang naghihintay kay Noah, bigyan ko na lang tip si kuya para sa hassle. Sumakay na ako ng elevator at bumaba sa ground floor.
Tinawagan ko 'yong driver at nadatnan ko naman na nakaupo siya sa couch sa lobby habang may hawak ng isang box.
"Sorry, Kuya sa hassle. Naliligo kasi 'yong bumili niyan." Paghingi ko ng tawad. "I am his roommate, ako na po ang kukuha ng parcel niya."
"Hindi lang ako sa inyo magde-deliver, sir." Reklamo niya at nahiya naman na ako. "Noah Faustino po?" Tanong niya at tumango ako. "Bale 670 pesos po lahat."
Kinuha ko ang wallet ni Noah na nasa bulsa ko. I opened his wallet at tumambad ang litrato naming dalawa na kuha sa polaroid. Ang ikinabuwisit ko— walang cash si tanga. Paano nabubuhay 'to na puro card-card lang!?
Wala akong choice kung hindi ako muna ang magbayad "Do you accept gcash po?" Tanong ko at um-oo naman si Kuya.
Mabuti na lang talaga at hindi maintenance ang gcash ngayon. 700 pesos na ang itinransfer ko sa kaniya para sa hassle na rin. Babayaran sa akin ni Noah 'to, ano siya? Gold?
Dinala ko ang kahon paakyat sa 24th floor at nadatnan ko si Noah na tapos na maligo. He is wearing a Jersey shorts and adidas shirt. Mamaya kasi ay pupunta siya sa School para mag-training. Pinupunasan niya ng tuwalya ang ulo niya dahil medyo basa pa ito. "Thank you, baby." He said with a big smile on his face.
"Ulol mo." Ibinaba ko sa lamesa ang in-order niya. "Bayaran mo sa akin 'yan, ang mahal-mahal ng wallet mo wala man lang kalaman-laman kahit bente."
Natawa siya. "I pay everything using card."
"E 'di sana hindi ka nag-si-COD." Ipinatong ko na rin sa lamesa ang ulam at kanin para makakain na kaming dalawa.
"Sorry na." He answered. He excitedly get the knife in the kitchen para mabuksan ang in-order niya. I peak on the box as a curiousity. Baka mamaya droga ang inuwi ng isang 'to sa condo ay madamay pa ako kung sakaling mag-buy bust operation.

BINABASA MO ANG
The Story of Unit 24-C
Teen FictionUNIT SERIES# 1: KELVIN X NOAH Kelvin moved to Manila to pursue his study in Ardano University. During his college years, he will share a room with Noah Faustino- a rising basketball player. Can they live together peacefully if Kelvin has a bad first...