Content Warning: This story contains scenes of physical violence, bullying, and verbal abuse, which may be distressing for some readers. Reader discretion is advised.
°°°°°
Chapter 1
Bago
Pagdating ko pa lang sa Holy Cross of Davao College, agad kong naramdaman ang bigat ng lugar—parang may namatay na walang nakakaalam. Lahat ay nagiging mapanganib, lalo na't may mga bantang hindi ko inakala.
Tumayo ako, kinuha ang bag ko sa likod ng upuan. Ngunit bago ko pa ito mahawakan, may humila sa'kin mula sa likod. Kinaladkad nila ako palabas ng classroom at dinala sa isang madilim na sulok.
Nagsimula silang manuntok gamit ang badminton racket, yung iba naman gamit ang mga kamao nila. Gusto ko silang labanan, pero masyado silang marami. Inabot ako ng ilang beses bago ako binitawan. May isang lalaking mabaho ang hininga ang lumapit.
"Diba ikaw yung bago dito?" tanong niya, habang ang mukha ko'y tinamaan ng isa pang suntok mula sa likod. Hindi ako nakasagot; tumango na lang ako.
Kinuha nila ang bag ko at ibinatoniya sa sahig, nagkalat ang gamit ko. "Nasaan ang pera mo?" tanong ng lalaking naka-shades.
"W-wala akong pera," nauutal kong sagot, pero bago ko pa maipaliwanag, may isang suntok na naman ang dumapo sa pisngi ko.
"Tangina mo! Niloloko mo pa ako!" sigaw niya.
"Wala nga!" malakas kong sigaw. Ngunit imbes na pakinggan, sinuntok ulit ako ng lalaki.
"Hawakan niyo 'yan!" sigaw ng lider nila. Hawak nila ang mga braso ko at naramdaman ko ang limang sunod-sunod na suntok sa sikmura ko. Hanggang sa tuluyan na akong bumigay, nawalan ng malay.
"Hayaan niyo 'yan," sabi ng lider, bago sila umalis.
Habang hawak ko ang tiyan ko, dahan-dahan akong bumangon. May lumapit sa'kin at inalalayan ako.
"Okay ka lang?" tanong ng isang babae, ngunit bago pa ako makasagot, tuluyan nang nagdilim ang paningin ko.
#

BINABASA MO ANG
Save me from the Mistake (Silver Series#1)
RomanceSMFTM (Silver Series#1) SLOW UPDATES Veston&Delilah Posted Date: 10/17/2024 Ended Date: