Chapter 3
Help
Pagising ko ng umaga, bungad agad ang araw mula sa bintana ko.
"Shit, Sinong nagbukas nito?" bulong ko at nakaharap sa bintanan.
"Me, brother. Sorry, hindi ako nagpaalam sa 'yo na bubuksan ko ang bintana mo," paliwanag niya habang tumatayo at lumalapit sa'kin.
Hindi ako sumagot. Tumayo ako at pumasok sa banyo para maligo. Kinatok niya ako sa pinto, pero hindi ko siya binuksan. Ang unfair lang sa kanya, may nag-aalaga sa kanya, pero sa'kin wala?
Hindi ko na narinig ang katok niya sa pinto. Sa tingin ko, nakaalis na siya. Mabuti na lang, nakakainis yun araw ko.
Nang matapos akong maligo, kinuha ko ang uniform ko. Papasok ako ngayon kahit may sakit ako. Gusto kong bumawi sa ginawa ng lalaki na yun sa'kin. I want revenge on him.
Pagkababa ko pa lang sa hagdan at nakita ko si Mom at si Vestern na kumakain, sabay lingon nila sa' kin. Tumayo si Mom upuan niya at nilapitan niya ako.
"Son, Papasok ka? Di ba ma—"
"Gusto ko pumasok. Ano'ng pakialam mo?" tanong ko sa kanya.
"Son, It's not your mind. I'm sorry," sagot niya.
"I don't need your explanation," sabi ko at nilampasan ko siya, umupo sa tabi ni Vestern.
"Bro, wag mong bastusin si Mom," singit ni Vestern sa'kin.
"Edi ikaw na? Diba ikaw naman ang paborito nilang anak? Kahit ako rin naman," sabi ko at tumayo, hindi na ako kumain.
Tinawag nila ang pangalan ko pero nagpatuloy lang ko ang lakad. Nang nakalabas na ako nilakad ko lang ang subdivision namin ang sabi ng kapitbahay na hindi daw pwede pumasok ang mga sasakyan dahil nagkaroon ng aksidente dito noon.
Nang makita ko ang mga sasakyan, pumara agad ako. Nang nakasakay na ako, may bumulong na mga babae sa harapan ko.
"Ang pogi pa din kahit may sugat," bulong nung babae na kaharap ko.
"Oo nga! Sana ganyan din ang magiging boyfriend ko!" sagot naman nung babae.
Ngumiti lang ako dahil sa papuri nila.
"Nakasmile siya sa' kin!" bulong nung babae.
"Assuming mo naman, anteh!" bulong ko sa isip.
Ngumiti ulit ako sa kanila at may biglang sumakay na at nakaupo siya sa kandungan ko.
"Miss, Can't you get out of my lap?" bulong ko sa kanya. Masama ang tingin ng mga babae sa kanya.
Nilingon ko siya at napakaganda ng mukha niya! Mahabang ang buhok at medyo singkit ang mga mata, matangos ang ilong at pula ang labi.
"Hala kuya, sorry po!" sabi niya sabay alis sa kandungan ko.
Aakmang sana siya tatayo pero hinala ko siya pabalik sa kandungan ko, agad niya akong sinampal niya ng malakas sa pisngi ko.
"Bastos ka!" sigaw niya at bumaba siya sa jeep. Tangina ang sakit ng sampal niya!
"Fuck! Ang sakit ng puson ko," bulong ko at sabay himas sa tiyan ko.
Hinihintay ko huminto ang jeep sa harapan ng Holy Cross. Nang huminto na ang jeep at bumaba agad ako.
Pagkapasok ko pa lang, nakasalubong ko yun nagbugbog sa' kin kahapon. Sinadya niyang banggain ang balikat ko at isa naman umikot-ikot sa likod ko. Parang timang.
"Himala ah? Pumasok ka?" sabi nung tuta.
Hindi ako sumagot, hindi sa takot kundi dahil wala akong mood. Nilampasan ko sila at diretso lang ang lakad ko, at may biglang humila at sinuntok niya ako sa mukha. Potangina talaga!

BINABASA MO ANG
Save me from the Mistake (Silver Series#1)
RomanceSMFTM (Silver Series#1) SLOW UPDATES Veston&Delilah Posted Date: 10/17/2024 Ended Date: