Merry Christmas, Everyone & Especially for Megan!🥳🤍
So as a promise, I will update this December and I will get back to you and hoping that it will continue and I will finish this story.
•••••
Chapter 2
Selos
Nagising ako at tumingin sa puting kisame. Akma sana ako babangon, pero biglang sumakit ang buong katawan ko. Nakita ko si Vestern, ang kapatid ko, na natutulog pero nagising nang makita akong kumikilos.
"Nasaan ako?" tanong ko sa kanya. Tumayo siya at lumapit sa'kin.
"Nasa ospital ka, bro," sagot niya.
"Bakit? Ano'ng nangyari?" sunod-sunod kong tanong.
"Hindi mo naalala?" tanong niya pabalik.
"Hindi..." mahina kong pabulong.
"Nakita ka ng isang babae sa labas ng eskwelahan niyo, nakahandusay ka. Buti na lang, dinala ka niya dito sa ospital. Kung hindi, baka wala ka na ngayon," paliwanag niya.
"Shit! Naalala ko na," mura kong bulong. "Putangina."
"Kuya bunganga mo! Nasa ospital tayo," sabi niya sabay batok sa' kin.
"Bakit mo'ko sinapak?! Tangina mo, Vest," sagot ko. Biglang bumukas ang pinto, pumasok ang nurse.
Lumapit ang nurse sa'kin at nagsalita. "Sir, pwede na po kayong umuwi," sabi niya.
"Yung bills niya po?" tanong ng kapatid ko.
"Nakabayad na po ang bills niya," sagot ng nurse.
"Sino nagbayad ng bills ko?" tanong ko.
"May nag-bayad sa bills ko?" bulong ng isip ko.
"Yung babaeng nagdala dito sa inyo, Sir," sagot niya.
"Sino daw?" tanong ulit ni Vestern.
"Sam lang ang pagka—"
"Bobo mo! Alamin mo kung sino talaga!" sabi ko, naiinis.
"Bro, wag mong sigawan ang nurse, ang bastos mo!" putol na sabi ni Vestern. Tumingin ako sa nurse nakayuko lang ito at nanginig sa takot. Fuck this!
Akma ko sanang tatayo pero nahilo ako, kaya napahawak na lang ako sa gilid ng kama.
"Sorry, Miss. You can go. Ako na bahala sa kanya," sabi ni Vestern sa nurse.
Tumango lang ang nurse at lumabas ng kwarto.
"Ikaw talaga, nakapakasungit mo talaga," sabi ni Vestern.
Hindi ako umimik at umupo, sinandal ko ang ulo ko sa dingding. Nakatigtig si Vestern sa'kin pero agad akong umiwas ng tingin.
"Ano ba talagang nangyari?" tanong ni Vestern.
"It's none of your business," taas kilay na sagot ko.
"Bro, hindi ako negosyante. Anong business-business ka d'yan?" banat niya.
Mahina akong natawa. Talagang impakto lalaki 'to.
"Ayiee, tumawa siya," pang-aasar sabi niya.
"Hindi ako tumawa," sagot kong masungit.
"Aysus, wag ako, bro," asar pa niya.
"Shut up," sigaw ko.
Tumigil kami nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mom. Kitang-kita ang pag-aalala sa mukha niya.
"Son," bulong niya akmang sana yakapin niya iako pero agad ako umiwas.
"Mom, What are you doing here?" tanong ko.
"Nabalitaan kong nasa ospital ka, kaya pumunta ako," sabi niya.
"I don't need you. Umalis ka na," malamig kong sabi habang bumalik ako sa pagkakahiga.
"Son, I'm sorry for everything. Please, let's talk," nagmamakaawa sabi ni Mom, pero hindi ako nakinig. Tumalikod lang ako pakahiga.
"Mom, hayaan mo muna si Kuya," sabi ni Vestern.
Nang makauwi na ako mula ospital, isang suntok na naman ang tumama sa akin. Nagulat ako nang makita ko si Dad na nag-aapoy ang mga mata sa galit.
"Nagpaaway ka na naman! Wala kang kwentang na anak!" sermon ni Dad. Ganito naman lagi, ako ang pinag-iinitan niya ng ulo.
"Tama na, Victor! Palagi mo na lang sinasaktan ang anak mo!" pigil ni Mom.
Akma sanang susuntok ulit ako ni Dad pero si Vestern ang tumama ng suntok sa mukha.
"Victor!" galit sigaw ni Mom.
Tinulungan ni Mom si Vestern na tumayo, habang ako'y natulala. Confirmed, lagi nila inuuna si Vestern.
Tumalikod ako at umakyat sa taas. Padabog kong sinara ang pinto. Tumulo ang mga luha ko. Gusto ko silang pagsalitaan ng masama, pero hindi ko magawa dahil nirerespeto ko sila. Ang sakit lang isipin na mas concerned sila kay Vestern kaysa sa akin, na anak rin nila.
Follow me on Instagram:
megroblewp

BINABASA MO ANG
Save me from the Mistake (Silver Series#1)
RomanceSMFTM (Silver Series#1) SLOW UPDATES Veston&Delilah Posted Date: 10/17/2024 Ended Date: