"Text ko lang si Miss Tanya na nandito na tayo." Sabi ko kay Klent at tumango naman ito.
Ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas si Miss Tanya na siyang manager ng Bistro. She is a petite young woman na sa tingin ko ay ilang taon lang ang tanda sa amin. Maayos na naka-ponytail ang kaniyang buhok at malaki ang ngiti niyang sinalubong kami. "I am sorry guys kung hindi namin kayo nasundo," Sabi niya at itinuro ang loob ng Bistro. "Kita ninyo naman, punuan."
"Okay lang po, nakarating naman po kaming dalawa ni Klent dito." Nakangiti kong sagot at pumasok na kami sa loob ng Bistro. Ang ganda ng interior design nito sa loob.
"Nandito na ang mga intern natin from Ardano University." Miss Tanya informed the other two staffs na nasa counter area. Kumaway sila sa amin at napangiti na lang kami ni Klent.
Miss Tanya just do a quick orientation sa aming dalawa ni Klent. Apparently ay may isa pa kaming makakasamang intern from La Salle. E 'di siya na La Sallista. Sunbright Bistro is not ordinary cafe or restaurant naman pala as per Miss Tanya. Sa umaga hanggang hapon ay cafe ito na nagse-serve ng mga coffee and any italian cuisines habang sa gabi naman ay nagiging bar sila. Kaya pala may DJ booth sa isang gilid.
Pinaka-excited ako sa pagtitimpla ng kape dahil lowkey gusto ko ring maging barista.
Ipinahatid kami ni Miss Tanya sa isang apartelle na tutuluyan naming dalawa ni Klent. Maalaga sa mga intern si Miss Tanya dahil kahit two bedroom na silid ang nirentahan niya para sa amin ni Klent para raw may privacy pa rin kami ngayong araw. Sa wakas ay nakapagpahinga na rin matapos ang mahaba-habang biyahe.
Umupo lang ako sa lapag ng kuwarto ko dahil ayokong humihiga sa kama ng hindi pa ako nakapaglilinis. I opened my messenger at puro message ni Noah ang nabasa ko.
Noah:
Boracay ka na?Noah:
Hey!!!!Replyyyy!!!
Sige diyan ka na kay Dom na tropa mo.
Noah:
Oh come on Kelvs!As far as I remember, isang oras lang ang travel time from Manila to Boracay. It's more than five hours already. Sa Australia na ba nakarating 'yang eroplano ninyo?
"Napakakulit. Lala ng attachment issue sa buhay." Naiiling kong sabi at mabilis ko naman siyang nireply-an.
Me:
Wala ka bang practice ngayon kurimaw ka at ang dami mong time na makipag-chat?Kanina pa ako sa Boracay. Tuloy-tuloy 'yong orientation namin kaya ngayon lang ako nagka-time magreply.
Noah:
I am tampo.Me:
Ang arte mo. Hindi naman ako nagbakasyon dito, kutusan kita eh.Noah:
Jk. I am not tampo. I am just worried because you are with the Dom guy,Me:
Tropa ko 'yon.Noah:
Yeah whatever.Gagawa ako ng paraan para makadalaw ako sa 'yo diyan.
Me:
Puno kaya sched mo dahil sa practice lol.Noah:
Gulat ka na lang nandiyan na ako. Kailan nga pala pupunta sila Tito diyan?"Oh dadalaw nga pala sila Mama dito." Mahina kong bulong sa sarili ko dahil halos nawala na sa isip ko iyon. Hindi kasi namin cinelebrate ang birthday ko noong nakaraang sembreak, bagkus ay nagdesisyon na lang sila na magkaroon ng bakasyon dito sa Boracay ng isang linggo.

BINABASA MO ANG
The Story of Unit 24-C
Teen FictionUNIT SERIES# 1: KELVIN X NOAH Kelvin moved to Manila to pursue his study in Ardano University. During his college years, he will share a room with Noah Faustino- a rising basketball player. Can they live together peacefully if Kelvin has a bad first...
Kabanata 29: Akin Ka
Magsimula sa umpisa