抖阴社区

                                    

Hindi ko alam kung gaano ako katagal dito. Hindi ko na talaga alam kung ano na ang tumatakbo sa utak ko. Wala na akong maintindihan. Ganito ba talaga kung pinapairal ang pride ko? Lalo na't hindi ko na alam kung ano na ang pinanghahawakan ko. Wala na talaga. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya ang bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko na kayang dumaan pa ang araw na ganito ang nararamdaman ko. Nakakaubos ng pagkatao dahil napapalitan ng kabigatan na ilang buwan kong iniinda. Nakakapagod na rin pala talaga.

Bumalik na ako. Ayaw ko na mag-isip.

"Sir, please, no." Narinig ko na may lumakas ang boses.

Nasa labas na ang lalaking secretary ng admin office.

"Come on, Ms. Madrigal. Nakakatakot dito sa labas. Ako lang naman sa loob ng office. Pwede ka ring magprint doon."

Pumintig ang tenga ko. Naglakad na ako palapit sa kanila dahil hindi na ako makakapayag na mangyayari 'to ulit. Naalala ko ang usapan kanina sa group chat at baka nangyari na 'to noon. Lalo na't naalala ko na palaging naglalakad siya ng papeles sa admin building.

"She said no. Bakit ka ba namimilit?" Hindi ko na mapigilang magalit. Ayaw na ayaw ko talagang nakakakita ng ganito. Mas lalong ayaw kong nangyayari 'to sa kaniya.

"Excuse me?" Lumapit 'yung lalaki sa akin.

Kinailangan ko pang yumuko para tingnan siya. Wala na akong pake kung nagtatrabaho 'to sa admin. Hindi naman tama ang ginagawa niya.

"Ginaganito ka ba niya dati pa?" I asked her. Hindi na dapat pinapatagal ang ganito. Alam kong hindi siya nakakapagsalita dahil may posibilidad na baka iblackmail siya o baliktarin ang nangyari.

Nakita kong matalim na napatingin 'yung secretary sa kaniya. Dahan-dahang ko siyang tinago sa likuran ko. "Lalapagan sana kita ng constitution and by-laws ng university pero mukhang hindi mo maiintindihan kasi lumalabag ka na sa student's welfare. Gusto mo bang dumeretso sa pag-kaso?" dineretso ko siya.

Marahan niyang hinugot ang hininga niya at piniling hindi na magsalita.

"Hindi naman siguro sinasadya mong iparevise ang mga hindi na dapat irevise." Sinubukan ko siyang ikorner.

"Anong pinagsasabi mo? Naririnig mo ba ang sarili mo?" matigas niyang tanong. Nakakairita talaga 'yung mga taong hindi nakakaintindi sa nangyayari at iniiba ang usapan para mapalabas na inosenste.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko.

Si Tatianna.

Lumingon ako.

Nakatingin siya sa akin, sinasabing huwag na akong magsalita sa mga tingin niya.

Tangina.

Nakalimutan ko na ang sasabihin ko.

"Kailangan niyong ipapirma sa pinagpirmahan niyo ang nirevise na paper kung magpapapirma na kayo rito." At umalis na siya.

Ang pangit ng walkout. Feeling maangas para may masabi lang.

---

"Palagi ba siyang ganoon?" tanong ko sa kaniya habang nagpapaprint sa office ng The Codex. I can't believe that we're here in the same room, feet away from each other.

"Since first year, I guess."

Napabuga ako ng matalim na paghinga. Bigla akong napatingin sa kaniya dahil naramdaman kong napatingin siya sa akin. Doon din ako nagtaka kung bakit bigla akong napabuga ng hininga. Nahalata bang nairita ako? Totoo namang nakakairita 'yung mga ganoong lalaki. Mas lalo akong nairita na nangyayari din sa kaniya iyon. Hindi pa nga ako nakukuntento na nagwalkout ng gagong 'yun.

Naputol na lang bigla ang pag-iisip ko nang napansin kong nakatingin pa rin siya sa akin. Kanina pa ba niya ako pinapanood? Halata ba talagang nawala ako saglit sa katauhan?

"Tapos na ako magpaprint. Ibigay na natin?" tanong niya.

Hindi na nga ako mag-iisip ng iba. Mas mabuti na lang na mgstick sa katagang do not assume unless stated otherwise.

Daig pa namin ang hindi magkakilala habang pabalik sa admin building. Kahit nga siguro hindi magkakilala, magkukuwentuhan. Pero sa amin, wala. Hindi nga ako nakarinig ng ingay mula sa kaniya.

Pagbalik namin sa office, andoon pa rin ang secretary. Nakita kong una siyang napatingin kay Tatianna pero nag-iba ang timpla ng mukha niya nang makita ako. Lalo siyang bumusangot nang makita na ako ang magbibigay sa kaniya ng folder na may revised documents.

"Napalitan na ang terms. Maayos na ang format. The calculations are doubled check. Even our advisers already signed and approved the papers pero bakit ang dami mong revisions? Ni hindi mo pa nga pinapakita kay Ma'am David," diretsahang sabi ko. Mabuti na lang at wala na siyang nasabi. Aba, dapat lang. Kung iba naman ang intensyon niya, hindi ako makakapayag na makarinig pa ako ng palusot niya.

"Tawagan ko na lang kayo kung napirmahan na ni Ma'am." Nilapit niya ang papel at ballpen kay Tatianna. Mukhang pinapasulat pa ang number niya.

Iisa pa talaga eh.

"Okay," sagot ko at ako ang kumuha ng ballpen. Hindi naputol ang tingin ko sa kaniya habang sinusulat ang number ko. "Halika na," aya ko kay Tatianna at tuluyan na kaming nakalabas ng office.

Inaalala ko lang ang tingin ng panot na 'yun, natatawa ako. Para kasing binagsakan siya ng langit at impyerno. Pwes, hindi ako makakapayag na makakatagal pa siya rito.

"Pfft-"

Napalingon ako kay Tatianna na pinipigilan ang tawa niya.

"Why?" I asked.

Napatakip siya ng bibig. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang namumuo kong tawa pero natatawa na rin ako sa pagpigil niya ng tawa.

"Bakit nga?" natatawa ko ring tanong dahil iba na ang tunog na lumalabas sa kaniya.

"Wala... para siyang tanga."

Doon na kami natawa habang palabas ng university. Hindi ko kasi mapigilang mapabuga ng tawa dahil bigla-bigla na lang siyang tatawa. Nakakahawa kasi ang tawa niya.

Nang nasa daanan na kami, doon ko lang napagtanto na magkasabay na kami. Natigilan tuloy ako. Hindi ko namalayan na nitong mga araw ay todo-iwas kami sa isa't-isa pero heto kami ngayon, magkatabi.

Unti-unti siyang huminahon at napaangat ang tingin para tingnan ako.

Doon namin napagtanto ang lahat.

Kakausapin ko na siya. Hindi ko na alam kung saan na nanggagaling ang bumubuong bigat sa dibdib ko. Pakiramdam ko, mawawala na lang ang lahat ng masamang nararamdaman ko kung yakapin ko siya.

Paghugot ko ng hininga ko para bigkasin ang pangalan niya... biglang may tumawag.

Fuck.

"Si Espresso..." bulong niya nang sinilip niya ang phone niya.

Hindi niya ako tiningnan at tumalikod para sagutin ang tawag. "Es? 'Yung reso? Oo.. last week pa 'yun. 'Yung travel order? Kapapasa pa lang namin. Oo. Ay--hindi ganoon. 'Yung nilagay kasi.."

May kung anong nabasag sa loob ko at nawala lang ang lahat ng naipon ng pangungulila ko.

"Si Tatianna ba 'yun?" May mga dumaan sa akin na grupo ng mga babae. "Oo! Ang ganda talaga niya!"

"Hi Tatianna!"

Napalingon si Tatianna nang tinawag siya. Ngumiti siya at kumaway sa mga lumapit sa kaniya.

"OMG si Tati!"

"Tara!"

Tuluyan nasiyang nalunod sa karagatan ng mga tao.

Kung may nakakalimutan man ako, iyon ay siya si Tatianna Madrigal.

The talk of the city. The Tatianna Madrigal.

Tipsy TatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon