抖阴社区

                                    

Nalagpasan namin ang building ng Biology. Huminto si kuya Heinz nang may tumawag sa kaniyang lalaki. Napahinto rin ako.

"Happy Birthday p're! Grabe, gurang ka na."

"Tangina mo! 21 pa lang ako 'no!" Nagtawanan sila ng kausap niya.

Birthday niya?

Kumunot ang noo ko habang pinapanood siya at ang kausap niya. Birthday niya ngayon at tumambay lang siya sa library noong free time niya? Hindi nga makabuluhan ang ginagawa niya roon!

Umiwas ako nang magtama ang tingin namin ng kausap niya.

"Sige p're, una na 'ko. Pahingeng handa mamaya, ha!"

"Oo. Lamunin mo lahat ng handa ko sa bahay. Bawal ka nga lang makitae sa 'min."

"Hayop, ang dugyot mo talaga! Sige na, kita kits na lang maya."

Pagkaalis ng kausap niya at tiningnan ko ang katabi ko. "Birthday mo?"

"Ah, oo..." Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Umiwas naman siya, halatang naiilang. "Bakit... Ganiyan ka makatingin...?"

"Bakit tumambay ka lang sa library?" Napakurap-kurap siya. "Sana umuwi ka na lang sa inyo, wala ka naman na pa lang klase." Huminga ako ng malalim. Umiwas din ako nang mapansing ang bossy pala ng dating ko sa kaniya. Iminumungkahi ko lang naman sa kaniya. "Po..." Pahabol ko.

Nang hindi siya umimik ay muli ko siyang tiningnan. Nakatingin lang din siya sa akin, kagat ang ibabang labi. Mukhang pinipigilan ang sarili na ngumiti.

"Uh..." Naiilang ako! "Kumakain ka po ba ng tusok-tusok?" Mahinang tanong ko.

Ngumiti siya. "Oms,"

"Libre ko po kayo... May nagtitinda ro'n sa kanto..." Lumawak ang ngiti nya. Napansin ko rin ang pagkuyom ng palad niya.

"Tara!"

Nauna akong maglakad. Huminto kami sa tapat ng pinakamalapit na stall.

"Ano pong gusto mo?"

"Kung ano na lang din ang gusto mo," Wala akong balak na bilhan ang sarili ko pero dahil iyon ang sinagot niya ay napilitan ako.

"Dalawa pong kikiam at kwek kwek." Kinuha ko ang wallet ko at kumuha ng pambayad. Hinintay kong maiabot sa amin ang pagkain bago ibigay ang pera.

"Upo tayo do'n," Tinuro niya ang malapit na bench. Tumango ako at sumunod sa kaniya. "Nagalit ka ba kanina?" Nabigla ako sa tanong niya. Hindi siya nakatingin sa akin pero nang hindi makarinig ng sagot mula sa akin ay tiningnan niya ako. Ngumunguya siya habang naghihintay.

"Hindi po... Nagsa-suggest lang ako... Sayang po kasi 'yong oras na sana ginugol mo kasama ang pamilya o kaibigan mo. Wala ka naman pong ginawa kanina sa library." Bakit ba ako naiilang ng ganito!

"Ahhh," Tumango-tango siya at bahagyang ngumiti. "Wala pa rin sila Mame sa bahay kanina, nasa trabaho. 'Yong kapatid ko naman, nasa school pa. May klase pa rin karamihan ng mga kaibigan ko. Kaya tumambay muna ako sa library. Tapos nakita kita, nag-celebrate na lang muna ako doon kasama ka."

Hindi ko rin naisip na baka nga nasa trabaho pa ang pamilya niya. Nasanay kasi ako na sa tuwing kaarawan namin ay nagde-day off si Papa para may katulong si Mama sa paghahanda. At tuwing uuwi kami galing paaralan ay sosorpresahin nila kami.

"Celebrate na po 'yon?"

"Para sa akin, oo. Basta masaya ako, celebration na 'yon sa 'kin."

Masaya siya sa mga ginawa niya kanina?

Wala nang nagsalita sa amin. Nakatingin lang kami sa paligid habang inuubos ang pagkain. Tumayo ako para itapon ang plastic cup, sumunod sa akin si kuya Heinz at nagtapon din.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

? Huling update: May 10 ?

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Between the Lines: UnfinishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon