Sa cafeteria kami kumain ni kuya Heinz. Medyo nanibago ako dahil nasanay akong kumain sa open area. Isa pa, hindi sila Alynna ang kasama ko.
"Hindi ako makabili ng The Death Cure," Nabaling ang tingin ko mula sa pagkain papunta sa kaniya.
"Babasahin mo na po ngayon?"
"Oms. Wala naman na akong gagawin," Bahagya siyang ngumiti. "Saan ka bumili?"
"Niregalo lang po sa akin,"
"Saan kaya ako makakabili?" Tanong niya sa sarili.
"Ipahiram ko na lang po sa 'yo 'yong akin,"
"Talaga?!" Bahagya akong nabigla nang magliwanag ang mata niya. Tuwang-tuwa siya. Para 'yon lang.
"Opo...?" Hindi na tuloy ako sigurado sa pagpapahiram sa kaniya ng libro ko. Bakit kasi ganito siya mag-react? "Bukas ko po ibibigay."
"Ginanahan na ako lalong magbasa!" Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at hindi na siya pinansin.
"Oy Lin! Kanina pa kita hinahanap!" Nabaling ang tingin ko sa sumigaw. Malayo pa si Beatriz sa akin pero rinig na rinig na ang boses niya. Patakbo siyang lumapit sa akin at bahagyang huminto nang makitang may kasama ako. "Sino 'to?" Tinuro niya si kuya Heinz.
Tiningnan ko lang siya, nakatingin lang din siya sa akin. Hindi ko alam kung paano siya ipapakilala. "Kuya Heinz," Iyon na lang ang sinabi ko.
"Heinz? 'Yong ketchup?" Bahagyang nanlaki ang mata ko at saglit na nalipat ang tingin kay kuya. Nalipat din ang tingin ni Beatriz sa kaniya. "Ay, hello po. Ilang taon ka na?"
"21,"
"Kuya nga," Tumango-tango pa siya. "Makikigulo ako kuya ha," Sabi niya bago umupo sa tabi ko. "Kanina pa kita hinahanap!" Nakasimangot na sabi niya sa akin.
"Sorry,"
"Haha, ganiyan ka kasi, eh. Samantalang ako, ito lang," Nakatungong sabi niya.
"Ha?" Dahan-dahang nag-angat ang tingin niya sa akin. Mayamaya ay bigla siyang tumawa.
"Ang seryoso mo naman!" Bahagya niyang pinalo ang balikat ko. Saglit kaming nagkatinginan ni kuya Heinz. Mabuti na lang at kumalma na rin ang katabi ko, hinarap na niya ang pagkain niya at nagsimulang kumain.
Pagkatapos naming kumain ay naghiwa-hiwalay na kami ng mga landas. Dumiretso ako sa building namin dahil may dalawa pa akong klase ngayon.
Kinaumagahan, nasa open area ulit ako at tinatapos ang pagde-decorate kasama ng iba pang club members.
"Wala po ba kayong gagawin?" Tanong ko kay kuya Heinz. Nakatambay nanaman siya sa rito, nakaupo sa pinakamalapit na bench sa akin. Abala siya sa pagbabasa no'ng The Death Cure.
"Ha?" Tanong niya, saglit na nilipat ang tingin sa akin. Pokus na pokus siya sa binabasa.
"Sa club niyo po,"
"Ah... Meron—ay wala. Wala," Umiling pa siya. Bahagyang kumunot ang noo ko pero hindi ko na iyon tinuunan ng pansin.
Saglit akong napapatingin sa kaniya kapag nagre-react siya sa binabasa niya.
Hanggang sa panananghalian namin ay nagbabasa pa rin siya.
"Una na po ako," Paalam ko bago tumayo.
"Ha? Ah, ingat!" Buong akala ko ay hindi pa siya aalis kaya nagulat ako nang mapansing nakasunod siya sa akin sa likuran ko.
Hindi ko na maintindihan ang takbo ng utak niya. Kulang siguro siya sa tulog kaya ganiyan. Pagkarating ko sa tapat ng room namin ay tinanaw ko ang puwesto kung saan siya huminto kanina, nandoon pa rin siya at nagbabasa,

BINABASA MO ANG
Between the Lines: Unfinished
RomanceElysian Series #2 Colleen Reyes, an ambitious Education student, and Heinz Elario, a free-spirited aspiring Dentist, find themselves drawn to each other despite their contrasting personalities. Their shared dreams for the future are threatened by th...