抖阴社区

Chapter 4

46 3 0
                                        

Ito ako ngayon, nagpapakain ng may sakit. Sigh...

"Alam mo, hindi ko alam kung bakit pa kita kailangang subuan. Tuhod mo naman ang naoperahan at hindi ang mga braso't kamay mo. So, hindi ko talaga alam kung bakit ko ginagawa ito ngayon." Reklamo ko sa kanya't tinawanan niya lang ako.

And I'm so happy to see him smile and hear him laugh even just for a bit. And I did that effortlessly.

"Isipin mo na lang na parte 'yan ng pagbabayad mo ng kasalanan mo sa'kin." Sagot naman niya. "Ji-ninx mo ako dahilan kung bakit nangyari ito sa'kin. So, dapat lang na magbayad ka."

"At ako pa talaga ang may atraso sa'yo ngayon, ah?" Sabi ko sa kanya't kahit gusto kong isalaksak sa bibig niya ang kutsarang hawak ko nang subuan ko siya'y pinigilan ko ang sarili ko. Pero nilagyan ko pa rin ito ng kaonting lakas para maramdaman niya ang inis ko sa kanya. Hindi naman siya dumaing.

"Sorry... For what I did to you way back then..." Sabi niya.

"Okay lang. It's been nine long years at naka-move on na rin naman ako sa nangyari sa'tin dati. So, kalimutan na lang natin ang nakaraan."

Naka-move on raw siya, oh? Really, huh?

At napabuntong-hininga na lang ako sa tanong ko sa'king sarili. Sigh...

"Y-yeah..." Sagot naman niya't nabalot na ng katahimikan ang kwarto ni Jayson habang pinapakain ko siya.

"Tapos nang kumain si Jayson, Vince? Naubos niya?"

Ang tanong sa'kin ni Tita Nery nang lumabas na ako ng kwarto ng anak niya dala-dala ang tray ng mga pinagkainan ni Jayson.

"Opo, Tita Nery. Naubos niya po."

At nakahinga naman siya nang maluwag dahil sa sinabi ko.

"Salamat naman at may gana na siyang kumain ngayon." Sabi niya pa.

Kinuha na ni Tita Nery ang tray sa'kin para mahugasan na raw niya ang mga ito't binigay ko naman ito sa kanya.

Narinig naming bumukas ang pinto ng kwarto ni Jayson dahilan para napalingon kami dito. And there he is! Naglalakad sa tulong ng saklay niya't pupunta raw siya ng banyo para umihi.

"Kaya naman pala niyang maglakad pero pinilit niya pa ring sa kwarto siya kumain! Ang laki-laking bulas po ng anak n'yo, Tita Nery, pero pabebe!" Sabi ko.

"Narinig ko 'yon!" Sabi naman ni Jayson sa loob ng banyo. "At hindi ako pabebe!"

May kung ano pa siyang sinabi sa loob pero hindi ko masyadong naintindihan at nang ipaulit ko ito sa kanya'y wala lang daw 'yon. At tinawag niya pa akong bingi dahilan para mag-init ang ulo ko't magtalo kami.

Pero si Tita Nery ay mukhang amused na amused pa sa pagtatalo namin ni Jayson. Parang bumalik daw kasi siya sa nakaraan nang makita ulit kung paano kami magsagutan ng anak niya. At dito na kami natahimik ni Jayson dahil na-realize naming tama nga ang sinabi ng mama niya.

Dito na rin ako nagpaalam na uuwi na dahil anong oras na rin naman. Pinapakain pa nga ako ni Tita Nery ng dinner bago umalis pero tinanggihan ko na ito. Gusto ko na kasing magpahinga't napagod ako sa pag-aalaga sa anak niya. Hinayaan na nga niya ako't hindi na pinigilan pa. Pero si Jayson, pinabaunan ako ng isang pack ng Oreo. Kainin ko raw habang nasa daan para hindi ako magutom. Inabot na rin niya sa'kin ang bayad para sa service ko sa kanya ngayong araw. At nang tingnan ko kung magkano ito'y katumbas ito ng ino-offer niya sa'kin kahit kalahating araw lang ako nagtrabaho para sa kanya ngayon. Tinanggap ko na nga ito't hindi na kumontra pa't umalis na ng condo niya.

And on my way home, kinain ko nga ito habang nasa byahe dahil naabutan ako ng traffic sa daan...

* Flashback *

Next Page (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon