* Flashback *
Gusto kong habulin si Binbin nang mag-walkout siya. Gusto kong mag-sorry sa kanya dahil sa mga sinabi ko't dahil na rin sa hindi ko napanghawakan ang mga salitang binitawan ko sa kanya't sa hindi ko pagtupad dito. Pero hindi ko nagawa dahil natatakot ako. Natatakot pa akong mag-come out dahil baka mag-iba ang tingin sa'kin ng mga tao lalo na ng mga ka-team ko sa basketball at hindi pa talaga ako handang lumabas sa kloseta ko as a bisexual person.
Ngayon pa nga lang ay kung anu-anong klaseng texts and messages ang natatanggap ko, eh. At pinaparinggan na rin ako ng mga tao sa paligid ko't muntikan na nga akong may masapak kanina dahil dito. Pasalamat siya't dumating agad ang prof namin at hindi ko na ito natuloy pa. Paano pa kaya 'pag nag-come out na talaga ako? Baka mas grabe pa ang insultong matanggap ko kaysa sa nararanasan ko ngayon.
Pagkatapos ng klase ko na wala akong naintindihan dahil ang laman ng isipan ko'y ang kung paano ko kakausapin si Binbin tungkol sa issue naming ito, doon ko lang binuksan ang phone ko para i-chat siya na gusto ko siyang makausap. At nagulat ako nang mabasa ko ang chat niya't nakikipaghiwalay na siya sa'kin. At kaninang umaga niya pa si-nend ito!
Kagaya ko'y isa lang ang klase ni Binbin ngayong araw ng Linggo't agad akong tumakbo papunta sa room niya para kausapin siya. Sadly, wala raw si Binbin doon at hindi raw siya pumasok na ipinagtaka ko dahil sabay kaming pumasok kaninang umaga bago kumalat ang picture naming 'yon.
Sinubukan ko siyang tawagan pero bi-nlock na niya ako sa FB at pati na rin ang mismong phone number ko. Sinubukan ko ring tawagan si Pau para itanong kung nasaan si Binbin ngayon dahil siya ang nakita kong humabol sa kanya nang mag-walkout si Binbin kaninang umaga pero hindi rin siya sumasagot.
Tatawagan ko na rin sana si Kokoy at laking pasasalamat ko nang makita ko siyang palapit sa'kin. Itatanong ko sana sa kanya kung nasaan si Binbin pero isang malakas na suntok ang sinagot niya sa'kin.
"Para 'yan sa ginawa mo kay Vince." Sabi niya sa'kin. "Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana pala'y hindi na kita tinulungang mapalapit pasa kaibigan ko."
"Alam mo ba kung nasaan si Binbin ngayon, Koy?" Tanong ko naman sa kanya. "Gusto ko lang siyang makausap."
"Para saan pa, eh, break na rin naman kayo."
"At dahil d'yan kaya gusto ko siyang makausap. Ayokong makipag-break sa kanya, Koy."
"Ayaw mo palang makipaghiwalay sa kanya, eh! Eh di, sana pinaglaban ko siya't hindi mo di-neny ang relasyon n'yong dalawa!"
"Natakot ako, Koy. Natatakot ako..." Sagot ko naman sa kanya. "Ayokong mawala sa'kin si Binbin, Koy. Pero mas natatakot akong mag-iba ang tingin ng mga tao sa'kin lalo na ng mga ka-team ko dahil sa umibig ako sa kapwa ko lalaki." Dagdag ko pa.
"Jayson, you don't need to settle down with a basketball team composed of homophobic players. Marami pang iba d'yan!" Sabi naman niya.
"Pero ito ang basketball team na mas mataas ang chance na makapasok agad ako sa PBA pagka-graduate ko kaya dito ko piniling mag-aral." Sabi ko sa kanya. "Nagkataon lang na ito rin ang first choice n'yo ni Pau pati na rin ni Binbin. At alam mo 'yan, Kokoy."
"Make your choice, then. Si Vince, o ang pangarap mong maging PBA player?"
"Please, don't make me choose from the two, Koy. Alam mo kung gaano ko kamahal si Binbin at ang hirap ko sa pag-abot ng pangarap ko."

BINABASA MO ANG
Next Page (BL)
RomanceJayson Dacanay and Vince Angelo Badilla's secret relationship got exposed to the public which Jayson strongly denied that hurts Vince's feelings to the point he broke up with him on their college days. Years passed, Vince is now a licensed orthoped...