抖阴社区

Chapter 14

25 2 0
                                        

* Flashback *

Tiningnan ko ang phone ko't napabuntong-hininga na lang ako nang mabasa ang chat sa'kin ni Angelo.

- - -

'Puntahan mo ako
dito sa library.'
'Bilisan mo.'

'Bakit?'

'Basta.'

'Ayoko.'
'Pagod na ako't
gusto ko nang umuwi.'

- - -

Reply ko sa kanya't binalik ko na sa locker ko ang phone ko't kinuha na ang aking twalya para mag-shower dahil kakatapos lang ng basketball practice namin ngayong hapon.

Pero sinong mag-aakalang hihintayin pala ako ni Angelo sa labas ng locker room namin. Napabuntong-hininga na lang ako sa kanya't nagsimula nang maglakad palabas ng gym. Sumunod naman siya sa likod ko.

"Bakit hindi mo ako pinuntahan sa library kanina?" Direstahang tanong niya sa'kin habang naglalakad kami.

"Pagod na ako dahil sa practice namin, Angelo." Sagot ko naman sa kanya nang hindi siya nililingon. "And in the past few days, hindi naman kita tinulungan sa kahit na anong bagay. So, bakit mo ako inaaya sa library?" Sabi ko pa.

"Dahil in the past few days, iniiwasan mo ako." Sagot naman ni Angelo. "At sinabi ko lang na puntahan mo ako sa library para doon tayo mag-usap at malaman ko kung may nagawa ba akong mali't nagalit ka sa'kin! 'Yan tayo, eh! Puro halikan ang nasa isip mo!"

"Sabi ng lalaking unang nangsusunggab ng halik."

"At gusto mo rin naman." Sabi niya't hindi na ako nasagot sa kanya't pinagpatuloy lang ang paglalakad ko. Totoo rin naman kasi.

"Galit ka ba sa'kin?" Tanong niya pa sa'kin.

"Hindi." Maikling sagot ko sa kanya.

"So, bakit mo ako iniiwasan?!" Tanong niya pa sa'kin. "Maski sina Pau at Kokoy ay napapansin na rin ito't tinatanong nila ako kung bakit hindi ka na sumasama sa'min!"

"Hindi kita iniiwasan, Angelo. Sadyang busy lang talaga ako sa basketball practice dahil malapit na ang interhigh tournament."

"Hindi ako naniniwala sa'yo, Jayson. Kahit naman busy ka sa basketball practice n'yo'y nagagawa mo pa rin namang sumama sa'min kahit saglit lang at para guluhin ang buhay ko! So, bakit hindi mo na ito magawa ngayon?!"

At tumigil ako sa sa'king paglalakad para harapin ang lalaking ito!

"Naririnig mo ba ang sarili mo ngayon, Angelo? Para kang jowa ko na nagde-demand ng oras sa'kin! Bakit? Tayo ba? Hindi naman, 'di ba?" Tanong ko sa kanya na isang malakas na sampal din sa'kin dahil wala naman talaga kaming label pero patago kaming nagtutukaan sa loob ng library dito sa school namin!

"Makapagsalita ka parang wala kang gusto sa'kin, ah! Crush mo nga ako, eh!"

"At ikaw? May gusto ka na rin ba sa'kin? Crush mo na rin ba ako?"

* Pagtingin - Ben&Ben *

"Paano kung sinabi kong nagkakagusto na nga ako sa'yo. Na nagkaka-crush na rin ako sa'yo. Anong gagawin mo?" Tanong niya na nagpatahimik sa'kin! At hindi ko mabasa kung seryoso ba siya sa sinabi niya o nangti-trip lang dahil mapang-asar siyang nakangiti sa'kin!

Next Page (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon