Szeyl's POV....
Basang-basa akung naglalakad paponta sa office dagdag pa ang kaba sa dibdib ko dahil sigurado akung galit na mukha na naman ni Karma ang sasalubong sakin.
Pababa na ako sa office ng tignan ko si Sarah. She looked at me and gazed into another direction. She's signing something. Hindi ko naman ito maintindihan kaya nagpatuloy akung mag lakad paponta sa desk ko.
Lahat sila ay nakatingin sakin ng may pagatataka. Sinong hindi magtataka sa itsura kung parang basang sisiw. Maski si Xaveir na kanina lang ay seryuso ngayon ay nag aalalang nakatingin sa deriksyon ko.
Maglalakad na sana ako paponta sa desk ko ng bigla akung nagulat dahil nakita ko si Karma na prenteng nakaupo sa inu-ukupahan kung upuan.
"Dinala ko sayo ang mga documents kaso naka balik ka na pala dito... natagalan kasi akung mahanap dahil nalaglag mo pala sa sahig" kabado ngunit hindi ako nagpahalata sa kanya.
Binigay ko ang documents na ngayon ay tulad ko na basa rin ng ulan. Padabog nyang kinuha ang documents at agad na binuksan ang envelope na basa.
"Pati rito palpak ka.... paano pa kaya kung sa malaking task na...buti pumayag ang client na e email ko nalang to," walang mababakas na ano mang emosyon sa mga salitang binitawan nya.
Nang mailabas na niya ang documents ay agad nya itong pinagpupunit. Nanlalaki ang mata kung tinignan ang kawawang papel.
Naglakad siya paponta sa maliit na basurahan sa office namin at binitawan ang punit-punit na papel.
"Remember in our industry... punctuality is a must. " pigil ang sigaw na sabi nya. Wala na akung nasabi kundi sorry dahil totoo naman ang sinasabi nya.
Nang igala ko ang tingin ko ay kita ko ang awa sa mga mata ng mga kasamahan ko.
Umalis sa office namin si Karma na masama ang loob. Agad naman lumapit sina Grace, Sarah at Xaveir sakin.
"Why did he blame Szeyl for his mistake?" galit na untag ni Xaveir na ngayon ay nasa harap ko na.
"Grabe siya!," it was Sarah, who said it
"Oo nga" malumanay na sigunda ni Grace.
"Kalma kasalanan ko naman kasi hindi ko nahanap kagad ang files....buti nalang at hindi nagalit ang client kay sir Karma" naiiyak na ako pero pigil-pigil ko parin ang pagtulo ng luha ko. Nakakahiya!
****
UMUWI akung nanlulumo sa sarili kung katangahan. Inabot ako ng gabi dahil sa ka-busy-han sa office.
Naglalakad na ako papasok sa living room ng makita ko si Oyoa na naghihintay sa akin habang nakaupo sa pang isahang sofa.
Napangiti ako ng mapait dahil tanging ang aso ko lang talaga ang may paki sa akin dito sa pamamahay na ito. "Alam mo Oyoa tanging ikaw lang ang may paki saakin dito sa bahay na to... maraming salamat Oyoa " hindi ko na mapigilan pang humaguhol sabay yakap sa aso ko na syang nilapitan ako.
Hindi rin naman ako nagtagal dahil agad na akung nagtungo sa kwarto ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla akung may mapansin na supot na puti sa may bandang seradora nito. When I opened it, it was medicine and some ointment for scratch. Lumamlam ang ekspresiyon ko at nagtuloy-tuloy ang pagpatak ng luha ko.
Dali-dali akung nanakbo paponta sa kwarto ni Karma at ilang beses na kumatok ng walang nag bukas ay sumigaw nalang ako.
"Karma maraming salamat sa pag aalala!" Sigaw ko sa labas saka umalis na sa pinto ng kwarto ni Karma.

YOU ARE READING
CATCH ME I'M FALLING
Short StoryKarma is a successful architect and the owner of a construction company. He is also a notorious playboy who gets into trouble with a mafia boss wife. To avoid danger, he is forced to marry his childhood friend, Szeyl. Szeyl, on the other hand, is a...